CHAPTER 15: ABDUCTED

5.9K 298 0
                                    

Chapter 15:Abducted

Daisy POV

Nilibot ko na ang buong lugar. Kahahanap kong nasaan na si Ace. Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa umabot sa madilim na pasilyo ng pamilihan.

"Ace nandito ka ba?"

Dahan dahan akong naglakad papasok. Kahit natatakot ako pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Maya maya may narinig akong paparating kaya agad akong nagtago.

"Maganda ang nahuli natin kanina. Tiyak na maipagbibili sya sa mataas na halaga"

"Siguradong yayaman tayo dahil sa batang violet ang buhok at pulang mata"

"Mukhang nagmula sya sa kilalang angkan at may magandang mukha. Tiyak na pagkakaguluhan sya bukas"

Dahil na rin sa takot ko ay nahulog ko ang mga matatamis na hawak ko. Kaya agad akong nagtago ng mabuti at
tinakpan ang aking bibig para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

"Leo nararamdaman mo bang parang may sumusunod sa atin?"

"May isang munting daga na gustong sumama sa atin"

Kinakabahan ako dahil parang ako ang munting  dagang tinutukoy nya. Pero kahit ganoon ay patuloy ko pa rin silang sinundan.

Maya maya ay tumigil sila sa isang malaking mansyon. Naalala ko tuloy yung mga pinanonood kong mga pelikula na sa mga abandonadong lugar nagtatago ang mga kidnapper.

Akala ko sa ganoon din silang nagtatago. Pero mas matalino sila dahil sa isang magandang mansyon na hindi mo aakalaing na may mga masasamang gawain nangyayari sa loob. Naniniwala na talaga ako sa kasabihan 'Don't judge the book by it's cover'.

Hindi ka maaring manghusga basta basta. Dahil sa likod ng magandang kaanyuan nito tinatago ang mga masamang mga gawaing nasa loob nito.

Nag antay muna akong dumilim bago ako pumasok sa loob. Kaya dahan dahan akong pumuslit papasok sa  loob. Ng may biglang nagtabon ng sako sa ulo ko.

"Pakawalan nyo ko!!!" patuloy ako sa pagpupumigla at sinusubukan na makawala.

"Sinasabi ko na nga ba may munting daga na gustong pumasok sa lungga ng mga pusa"

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad nya akong binuhat. Maya maya pa ay naramdaman kong inihagis nya ako sa isang malamig na sahig. At tinaggal nya na ang sako sa mukha ko.

Nag aadjust pa ang mga mata ko kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Parang nasa loob ako ng isang selda. Nasa labas na sya at kinakandado ang selda.

"Dyan ka na muna munting daga"

Pakasabi nya ay agad din syang umalis. Idinikit ko ang mukha ko sa rehas para malaman kong may ibang taong  nandito.

Marami akong nakitang mga batang tulad ko at halos natutulog na silang lahat. May nakita akong batang lalaki na gising na malapit sa  katapat kong selda.

"Psst... Psst..." Ng marinig nya iyon at agad syang lumingon.

"May gusto lang sana akong itanong kong may nakita ka bang gbatang lalaki mga ganito kataas. Na may violet na buhok at pulang mata"

"Meron akong nakita nasa pinakaunahan syang selda"

"Maraming salamat. Ako nga pala si Daisy Ashley Garnet. Ikaw ano nga pa
lang pangalan mo?"

"Tawagin mo na lang ako Philip. Bakit mo nga pala sya hinahanap?"

"Nakababatang kapatid ko kasi sya"

"Ah ganoon ba, matulog ka na muna. Bukas ay makikita mo rin sya tinitiyak ko yan sayo"

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito Philip?"

"Namatay na kasi ang ama ko at hindi ko naman kilala ang aking Ina. Dahil bata pa lang ako at iniwan nya na ako"

"Pasensya ka na sa pagiging matanong ko."

"Okay lang naman iyon. Pero kung gusto mo iligtas ang kapatid. Kailangan mo ng magmadali dahil bukas ng hapon darating ang slave trader's"

"Ibig mong sabihin ipagbibili lahat ng batang nandito?"

"Oo mga ilang linggo na rin akong nandito. Dahil lagi akong nakahahanap ng dahilan para hindi maipagbili. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako hindi maipagbibili"

"Kailangan na nating makatakas dito bukas"

"Pero tiyak kong mahihirapan kang makatakas dito. Dahil mahigpit ang pagbabantay nila"

"Siguradong may paraan para makatakas dito"

"Matulog ka na muna para magkaroon ka ng lakas para bukas"

"Good night Philip"

"Good night din Daisy"

At nahiga na ako sa malamig na sahig.
Habang pinag iisipan ang maaring maging plano para bukas.

'Pero sa paanong paraan kami makakatakas bukas?'

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now