SPECIAL CHAPTER 14:HATRED

5.9K 313 2
                                    

Special Chapter 14:Hatred

Ace POV

Ako si Ace Harold Gables ipinanganak na isang maralita. Ang aking Ina ay isang tindera sa pamilihan habang ang aking ama ay hindi ko kilala dahil ayaw syang banggitin ni Ina.

Si Ina ay nagmula sa mayamang pamilya. Ayon sa kwento ni Ina sya ang panganay na anak at ang dapat na magiging tagapagmana sa kanilang angkan.

Pero hindi iyon natuloy dahil hindi nya inaasahan na lalasingin sya ng kanyang kapatid at hahayaang pagsamantalahan sya ng hindi nya kilalang lalaki.

Minahal nya at tinanggap ang kanyang kapatid kahit anak ito sa labas ng kanyang ama.

Pero hindi nya inaasahan ang gagawin pagtatraydor nito sa kanya. Pagkatapos malaman nilang buntis si Ina ay agad syang itinakwil sa pamilya.

Nagpakalat kalat lang si Ina sa kalsada hanggang may naawa sa kanyang matandang mag asawa na walang anak. At agad nilang inampon si Ina.

Kahit ganoon ang nangyari minahal pa rin ako ni Ina ng buong puso. Kaya mahal na mahal ko si Ina at nais kong suklian ang mga sakripisyo nya para sa akin.

"Lo aalis na po muna idideliver ko po ang mga gulay na inani natin kanina at tutulong na rin po ako sa pagtitinda kay Ina"

"Sige apo mag iingat ka pakisabi na lang sa iyong Ina. Na wag masyadong magpagod baka magkasakit sya"

"Sige po Lo sasabihin ko po yan kay Ina. Mauna na po muna ako"

Pagkatapos kung mag paalam kay Lolo. Sumakay na ako sa aming kartilya at pumunta na sa bayan.

Habang papunta ay may nakita akong rosas sa daan. Kaya agad ko iyong pinitas dahil paborito ito ni Ina.

'Tiyak na magugustuhan ito ni Ina'

Pagkarating ko ay agad ko ng inihatid ang mga gulay sa aking kartilya. At agad ko na akong pumunta sa pwesto ni Ina sa palengke.

Pagkarating tulad ng dati maingay pa rin sa loob ng pamilihan. Hinanap ko ang pwesto na aming tindahan. At nakita ko si Ina may kausap na taong nakasuot ng balabal.

Ng makita ako nito agad rin itong umalis. Kaya nilapitan ko si Ina na nakatulala at nakatingin pa rin sa papaalis na nakasuot ng balabal.

"Ina sino po iyon?"

"Wag mo ng pansinin Anak. Wala lang iyon"

"Ina para po sa inyo" at inaabot ko ang rosas kay Ina.

"Maraming salamat anak" at agad nyang tinabi ang rosas sa kanyang bulsa.

Alam kong ayaw sabihin ni Ina kung sino iyon kaya hindi ko na sya kinulit. Tumulong na lang ako sa pagtitinda.

Maya maya nakita kong namumutla si Ina.

"Ina ayos lang po kayo?"

"Oo anak ayos lang ako"

"Mapahinga po muna kayo"

Kaya inalalayan ko si Ina na umupo. At binigyan ko sya ng tubig para mas gumaan ang kanyang pakiramdam.

Nagpatuloy lang ako sa pagtitinda habang nag papahinga si Ina. Pagkauwi namin ay inaasikaso ko na ang mga gawaing bahay.

Dahil matanda na rin sila Lolo kaya ako na rin nagawa ng gawaing bahay bilang pagpapasalamat namin sa kabutihan nila.

"Ina ang lakas po ng ulan. Nasaan na po kaya sila Lolo Ignacio at Lola Theresita"

"Mamaya pa siguro sila darating kaya magluto ka na para pagbalik nila ay makakain na sila"

Habang nagluluto ako at nag aayos ai Ina ng plato. Maya maya ay may narinig akong lagabog. Kaya agad akong napalingon at nakita ko si Ina nakahiga sa sahig.

Kaya agad akong tumakbo sa kanya at dahan dahang tinapik ang pisngi nya.

"Ina! Gumising po kayo"

Ng hindi pa rin sya nagigising ay agad na akong kumuha ng balabal at tinakpan ang kanyang katawan para hindi mabasa sa ulan.

Binilisan ko ang takbo ko papuntang pagamutan. Pagdating namin ay agad nila syang inasikaso.

"Doktor ano po ang lagay ni Ina?"

"Hindi maganda ang kanyang lagay. Malubha na ang kanyang sakit sa lalamunan"

"Wala na po bang ibang paraan"

"May paraan pa kung gagamitan sya ng healing spell. Pero alam mo naman na mahal ang bayad sa paggamit sa spell dahil humihigop ito ng malakas na mana"

(Mana-ang tawag sa limitasyon na kaya ng isang tao na gamitin ang kanyang kapangyarihan)

Napayuko na lang ako dahil alam kong wala kaming sapat na salapi na maaring ipambayad.

"Bilisan mong makalikom ng sapat na salapi. Dahal mas lalong lumula ang kondisyon ng iyong Ina"

Kaya dali dali akong umuwi at binilang ang lahat ng salapi mayroon kami. Pero tulad ng inaasahan hindi iyon sapat para maipagamot si Ina.

Nagtulungan kami nina Lolo at Lola na mangutang ng salapi sa aming mga kakilala. Pero kahit isa wala sa aming nagpautang.

Pinang hihinaan na ako ng loob kaya kumatok ako sa mansyon ng angkan nila Ina. Nagbabasakaling tulungan nila si Ina.

Pero hindi man lang nila ako pinagbuksan ng pinto. At pinagtabuyan nila akong paalisin.

Kinabukasan nabalitaan kong namatay na si Ina dahil lumubha ang kanyang lagay. Ng matapos ang libing ay niyakap ako nina Lolo at Lola.

"Tahan na apo malalagpasan rin natin ito"

Balisa akong nakatayo pa rin sa puntod ni Ina. Habang bumubuhos ang malakas na ulan.

'Kung hindi sana ako pinanganak. Hindi maghihirap si Ina at buhay pa sana sya ngayon"

Hawak hawak ko ang rosas naibinigay ko sa kanya ng araw na iyon. Masayang masaya pa sya habang hawak nya ang rosas na ito.

Napaluhod na lang ako habang umiiyak. Maya maya naramdaman kong hindi na ako nababasa. Tumingala ako at nakita ang is a ng lalaki na itim ang buhok at pula ang mata.

Lumuhod sya at tumitig sa mga mata ko. At niyakap nya ako ng mahigpit.

"Ace ako ang iyong ama si Rafael Richard Garnet"

Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Dahil alam kong may anak at asawa na si Marquess Rafael Richard Garnet. At mas matanda sila sa akin ng isang taon.

Pero hindi saya ang nararamdaman ko kundi galit. Galit na parang sasabog na sa puso ko.

'Kung hindi dahil sa kanya hindi mabubuntis si Ina.'

'Hindi sya maghihirap at sana ngayon na sa maayos syang kalagayan ngayon.'

'Walang ibang may kasalanan kundi sya dahil sa kanya hindi maghihirap si Ina.'

'Ipaghihiganti ko si Ina ipararamdam ko sa kanya. Kung gaano kahirap ang naging buhay ni Ina habang sya ay nabubuhay ng masagana sa mga nagdaang taon'

:



Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now