CHAPTER 48: CLUE

1.6K 92 0
                                    

Chapter 48:Clue

"Daisy anong iniisip mo at tulala ka?" nagulat naman ako dahil biglang lumitaw sa harapan ko si Paragon.

"Ginulat mo naman ako Paragon" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib.

"Hahahaha masyado ka naman magugulatin Daisy"tinawanan nya naman ako.

"Ano nga pa la ang ginagawa mo dito sa pagkakaalam ko dapat na nasa mission hall ka?"

"Gusto ko kasi kayo yayain na samahan ako sa pagiimbestiga sa mga kaso na nangyari nitong nakaraang araw" seryosong sagot nya sa akin.

"Nakakabahala na nga ang mga kaso na nangyayari sa paligid ng academia" sabi ko sa kanya dahil nababahala na rin ako sa pagdami ng mga namamatay na estudyante.

"Kaya nga humingi ng tulong ang academia sa akin para lutasin ang kasong ito kaya medyo tatagal ako dito sa academia" sabi nya sa akin habang nakahawak sa kanyang batok.

Napatango naman ako at napahawak sa aking baba dahil halos ng natatagpuan na bangkay ay may mga letrang P,P,B,Q,N,R, sa kanilang noo.

"Sasama ka ba sa grupong bubuoin ko?" tanong nya sa akin.

"Sige sasama ako gusto ko rin malaman ang kasagutan sa misteryong ito" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Magkita na lang tayo sa rooftop dahil kukumbinsehin ko pa ang iba na sumali" kinawayan nya muna ako at agad na nag teleport.

Maya maya ay may biglang tumawag sa akin kaya agad akong napalingon.

"Daisy!!!"

"Gerald ikaw na yan?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya ng makalapit sya sa akin.

Malaki kadi ang pinagbago ng kanyang mukha mas nag mature at mas matangkad na sya sa akin ngayon.

"Ako nga ito si Gerald na nakilala mo may apat na taon ng nakakalipas."

"Ang laki ng pinagbago mo?"

"Ikaw nga wala ka pa ring pinagbago maliit ka pa din"pang aasar nya sa akin at pabiro ko naman syang hinampas.

"Ikaw talaga pumunta ka lang dito para asarin ako"

"Biro lang may gusto sana ako na ipakita sayo"hinila nya ako sa mah cafeteria at pinapasok sa staff room ng kusina.

"Ipikit mo muna ang mata mo sandali"

Pinikit ko naman ang mata ko habang ginagabayan nya ako sa paglalakad papasok.

"Wag kang sisilip" sabi nya ng iwan nya na ako.

"Pwede mo ng buksan ang mata mo"

Dahan dahan ko ng binuksan ang mata ko at nasilaw naman agad ako kaya agad akong yumuko para kusutin ang aking mata.

Pagkaangat ko ay nagulat naman ako sa nakita ko.

"Wow! Ang ganda naman ng lugar na ito. Nasaan na tayo?" Manghang tanong ko sa kanya.

"Nasa loob pa rin tayo ng cafeteria"nakangiti nyang sagot sa akin.

Hindi kasi ako makapaniwala dahil ang paligid ay punong puno ng makukulay na mga lanterns at ang iba ay disenyo ng mga fairy na parang naglalaro sa paligid.

"Maupo ka muna"pinaupo mya ako sa mesa na korteng paru paro at kumikinang ang paligid nito na parang sinabuyan ng fairy dust.

"Para saan ang mga ito?" takang tanong ko sa kanya.

"Matagal na sana kita dinala sa lugar na ito kung hindi ka nawala. Nang malaman kong may misyon kayo ay napag pasyahan ko na dalhin ka rito pagkatapos ng misyon nyo bilang pasasalamat."paliwanag nya sa akin.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now