CHAPTER 22: GRAND TUTUER ROYAL

5.5K 296 2
                                    

Chapter 22:  Grand Tutuer Royal

Daisy POV

Nakatulala ako habang naglalakad dahil nagpoproseso pa ang aking utak sa sinabi ni Nanay Caroline. Habang naglalakad ay may nabunggo akong isang matandang lalaki.

"Pasensya na po hindi ko po sinasadya" kaya agad ko syang tinulungan sa pagpupulot ng mga librong nahulog.

"Okay lang iyon iha" habang pumupulot din ng mga librong nahulog.

Habang nagpupulot kami ng libro ay may nakaagaw  sa aking pansin na isang libro.

"Curse" nang marinig nya akong magsalita ay agad syang napalingon sa akin.

"Iha marunong kang magbasa?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

Hindi kasi nabibigyan ng pagkakataong mag aral dito. Ang hindi galing sa maharlikang pamilya. Dahil ayon sa kanila ang edukasyon ay para lamang sa mga maharlika.

"Opo marunong po akong magbasa"

"Saan ka namang natutong magbasa?"

"Marunong na po akong magbasa simula noong bata pa ako"

"Ganon ba iha, mukhang interesado ka sa librong iyan"

"Opo interesado nga po ako"

"Gusto mo bang pansamantalang hiramin?"

"Opo gusto ko po,maari po ba?"

"Syempre naman, o sya mauna na ako at marami pa akong gagawin"

"Salamat po at paalam" tumango naman sya at pagka alis nya ay umalis na rin ako.

Tinignan ko itong libro interesado akong malaman ang sumpa na nasa katawan ng prinsipe. Kaya dumiretso na ako sa library para doon na magbasa habang nagbabantay sa prinsipe.

Dahan dahan akong pumasok sa loob dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin ang prinsipe. Naupo ako sa may tabi nya at nagsimula ng magbasa nilalaman ng libro.

Uri ng mga sumpa

(1)Sorcière Curse
      -Ito ay sumpang nagmula sa mga witch. Kadalasan ito ay nakukuha ng biktima sa mga gamit ng isang mangkukulam. Ito ay magreresulta ng pagdilaw ng balat,pananakit ng ilang parte ng katawan at pangingitim ng labi.

(2)Elfes Curse
      -Ito ay isang klase ng sumpa na kadalasang nakukuha sa mga dark elf. Ito ay nakukuha sa pagputol ng mga puno na sakop ng teritoryo ng mga elf.  Ang biktima ay tutubuan ng berdeng ugat sa buong katawan at unti unting magiging puno.

(3)Godin Curse
       -Ito ay isa sa mga mapanganib na sumpa dahil ang mga sintomas ng biktima ay nakadepende sa galit ng diwata. Maaring mamatay ang biktima  o di kaya ay magkaroon ng masamang karamdaman.

(Ang bawat sumpa ay may kanya kanyang paraan upang mapigilan)

Hindi ko na napagpatuloy ang pagbabasa ng may kumalabit sa akin.

"Isy ano ba ang  iyong  binabasa?"

Pagkasabi nya ng iyon ay agad kong tinago ang libro. Dahil baka isipin nyang masyado akong nangingialam ng mga bagay na dapat hindi ko inusisa.

"Wala wag mo na lang ako pansinin"

"Pero mukhang importante ang binabasa mo?"

"Wala iyon mukhang mag gagabi na. Hindi na tayo maaring maglaro sa labas"pag iiba ko ng usapan.

Kaya agad syang tumingin sa bintana. Agad akong tumayo at tinago ang libro.

"Isy anong  ang ginagawa mo dyan?" Nagtatakang tanong nya

Nasa pinakataas kasi ng ako ng lagayan ng libro dahil doon ko tinago ang libro. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad na akong bumaba.

"Gusto mo bang sumama sa aking magluto sa kusina?" Agad syang tumango.

Kaya agad na kaming nagtungo sa kusina para magluto. Kumuha ako ng upuan para doon pumatong habang nagluluto. Habang sya naman ay naupo sa stool na nasa counter.

Kaya agad ko ng kinuha ang mga sangkap na aking gagamitin. Naisipan kong magluto ng adobo na aking paborito. Kinuha ko ang sibuyas,bawang,manok,toyo,asukal,paminta,asin,patatas at cornstarch. Ang recipe na ito specialty ng mga madre sa ampunan.

Hiniwa ko ang manok,sibuyas,bawang at patatas. Sunod naman ay inilagay ko ang manok at hinalaon ng sibuyas,bawang,toyo,paminta at asukal minarinate ko ng limang minuto. Pagkatapos sinalang ko na sa lutuan inantay kong kumulo bago ko nilagay ang patatas. Nang lumambot na ang manok ay tinunaw ko na ang cornstarch at hinalo. Ang cornstarch ang magbibigay ng lapot na kailangan sa adobo. Tinimplahan ko na ng asin para magkaroon ng lasa. Pagkatapos inalis ko na sa lutuan bago pa masobrahan sa pagkaluto ang ulam.

Inayos ko na ang mesa at hinain na sa hapag. Masaya kaming kumain na dalawa at pagkatapos itinabi na min ang iba para bukas. Tinulungan ako ni Roy na maghugas ng plato. At agad na kaming magkatabing natulog dahil natatakot si Roy pag mag isa syang matulog.

Kinabukasan tinanghali na ako ng gising. Kaya nagmadali ako sa pagkilos dahil saan ka ba nakakita ng katulong nahuli pang magising sa kanyang amo.

Pagkababa ko ay nakita kong may kausap si Roy na isang matandang lalaki. Pagkalingon ng lalaki ay nakilala ko agad sya yung lalaking nakabungo ko kahapon.

"Isy ipakilala ko pa la sayo si Sir Ferdinand"

"Kamusta po, ako nga po pala si Daisy ang katulong ng prinsipe"

"Kinagagalak kong nagkita tayo ulit" nagtaka naman ang prinsipe.

"Magkakilala kayo Isy"

"Hindi nagkabungguan lang kami kahapon"

"Ah ganoon ba sya pala ang grand tutuer royal ng palasyo"

(4)'Grand Tutuer Royal'

"Naparito ako dahil--

-------Talahulugan------

(1)Sorcière
         -ang ibig sabihin ng  witch sa salitang french.

(2)Elfes
       -ang ibig sabihin ng elf sa salitang French

(3)Godin
        -ang ibig sabihin ng goddess sa salitang French.

(4)'Grand Tutuer Royal
        -ang ibig sabihin ng royal grand tutor sa French.
       -sila ang mga guro na mayroong mataas na karunungan na binibigyan ng pagkakataon na maging guro ng mga royalty.

-------

Author note:
    Nagpapasalamat ako sa inyong patuloy na pagsuporta at pagboto sa aking istorya.
   Asahan nyo ang maraming pang nakakapanabik na mangyayari sa kwento.
   Inaasahan ko ang patuloy nyong pagsuporta sa aking nobela.
      
                           -Theblackscaper(/^▽^)/




Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon