CHAPTER 53: THE THRONE IN THE CLOUDS

1.4K 80 3
                                    

Chapter 53:The Throne in the Clouds

Pagkatapos kong marinig ang pagsabog unti unti nawala ang malaking bula na pumapalibot sa akin.

Nang mawala ang bula ay naghabol ako agad ng hininga.

Habang naghahabol ako ng hininga rinig ko ang tunog ng mga malalakas na pagsabog sa aking paligid.

Kaya agad kong inangat ang aking ulo para makita ng malinaw ang aking paligid.

"Ace!Sam! Anong ginagawa nyo dito?"nagaalala kong tanong ko sa kanila.

Agad naman silang lumingon ng marinig nila ako.

"Andito kami para iligtas ka" sabi sa akin ni Ace habang patuloy na umiiwas sa mga atake ng kalaban nya na nakasuot ng berdeng kapa.

"Dapat hindi na kayo pumunta dito. Masyadong mapanganib ang lugar na ito"agad kong sermon sa kanya.

"Hindi kami papayag na may mangyaring masama sayo Daisy"agad na sabi sa akin ni Sam habang gumagamit ng pana para panain ang iba pang nakaitim na kapa.

"Per-" may sasabihin pa sana ako ng may biglang malaking bulang apoy ang bumubulusok papunta sa akin.

Sinubukan kong gumamit ng kapangyarihan pero walang nangyari.

'Asan na ang kapangyarihan ko??"

Napatinigin ako sa dalawang kamay ko dahil kahit anong pilit ko walang nalabas.

Sinubukan kong tumayo para makaiwas pero ayaw gumalaw ng mga binti ko.

Napapikit na lang ako na naramdaman kong malapit ng tumama sa akin.

Nagantay akong makaramdam ng sakit pero wala akong naramdaman kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko.

"Ayos ka lang Isy" alalang tanong sa akin ni Lucas habang sinasanga ang malaking bula ng apoy gamit ang isang may mahikang kalasag.

"Nandito ka rin Lucas" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Andito rin kami!" rinig kong sigaw sa di kalayuan kaya agad akong lumingon.

Nakita ko sila Prince Nathan at Prince Nigel na nakikipaglaban sa mga kalaban.

Hindi mapigilan ng mga mata ko ang pagpatak ng aking mga luha.

Hindi dahil nalulungkot ako kundi nakakaramdam ako ng labis na saya na hindi ko mapaliwanag.

Ang gaan sa pakiramdam at ramdam mo na may halaga ka sa kanila.

"Salamat" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Walang anuman dahil isa tayong pamilya. Ang pamilya ay dapat laging magkasama at walang dapat na naiiwan" nakangiting sabi sa akin ni Ace.

Maya maya naramdaman ko na lang ang pag angat ng katawan ko kaya agad akong lumingon.

"Oras ko naman para protektahan ka" nakangiting sabi sa akin ni Roy.

Napangiti naman ako sa sinabi nya at may bigla akong naalalang importanteng bagay.

"Iligtas natin si Chielsea!" agad na sabi ko sa kanila.

"Nasaan si Chielsea???"agad na tanong sa akin ni Prince Nigel.

"Nasa dungeon sya malapit sa toreng ito kaso ang problema natin ay may magic seal para makapasok sa loob."

"Ako na ang bahala sa seal. Marami akong alam na paraan para matanggal ang magic seal"agad na presinta sa amin ni Lucas.

"Lucas samahan mo si Prince Nigel para iligtas-" hindi pa natatapos si Prince Royce sa sasabihin nya nang bigla kaming hinigop ng isang malaking black hole.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now