CHAPTER 17: BUYER

5.6K 297 1
                                    

Chapter 17:Buyer

Daisy POV

Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng sakit na tumatama sa katawan ko. Kaya agad kong minulat ang aking mga mata.

"Ikaw ang may kasalanan kong bakit nawala ang dalawang alipin na ipagbibili ko" ang sabi nya habang nilalatigo nya ako.

"Arghh...Ah.." Napahiyaw na lang ako sa sakit ng pagtama ng latigo sa katawan ko.

"Tama na yan baka hindi natin sya maibenta sa mataas na halaga kapag nagkaroon sya ng maraming marka"

"Pasalamat kang may bibili na sayo kung hindi mayayari ka talaga sa akin"

Pagkasabi nya ay agad nya ng  binitawan ang hawak nyang latigo.

"Itali nyo sya at siguraduhing nyong hindi sya makakawala"

"Masusunod po Amo"

Pagkaalis ng kanilang amo ay agad na nila akong tinalian ng kadena sa kamay at paa. Dinala na nila ako palabas at inihagis sa karwahe kasama ang ibang bata na ipagbibili.

"Ito ang bayad sa lahat ng aking binili"

"Maraming salamat aasahin namin ang iyong ulit na pagbisita"

Pagkatapos nilang mag usap na dalawa ay agad ng sumakay ang matandang lalaki.

"Paandarin na ang karwahe at tayo ay aalis na"

Maya maya ay agad ng umaandar ang karwahe. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin pero masaya pa rin ako. Dahil nakatakas si Philip at Ace kanina.

Sigurado akong nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Tumingin ako sa aking paligid at nakita ko ang ilan na  mga bata ay patuloy sa pag iyak habang ang iba ay tanggap na ang kanilang maaring sapitin pagdating ng bukas.

Habang ako ay patuloy lang sa pagtingin sa kawalan. Maaring hindi ko alam ang magiging sitwasyon ko bukas kung magiging maganda ba o masama.

Kaya agad ko ng ipinikit ang aking mga mata para may lakas ako bukas. Nagising ako ng naramdaman kong sinabuyan kami ng tubig.

"Gising na kayo at kumain muna kayo bago ko kayo ipagbili"

Binigyan nya kami ng tig iisang matigas na tinapay. Ito kauna unahang beses na makakain ako ng matigas na tinapay dahil hindi pa ako nakakain nito sa dati kong mundo.

Dahil na rin sa gutom ay kinain ko ito. Sa unang kagat pa lang ay napakatigas  nito at walang lasa ang tinapay. Pero kahit ganoon ay pinilit kong ito kainin dahil maari akong mamatay sa gutom pag hindi ko ito kinain.

Pagkatapos naming kumain ay hinila nya na kami palabas. Habang hinihila nya  kami ay nilibot ko ang aking paningin sa mga bahay dito. Sa palagay ko na sa ibang kaharian kami.

Dahil iba rin ang mga suot ng mga tao dito at karamihan ng mga tao dito ay mayroong highlight na kulay green sa buhok. Hindi na ako nakapag obserba ng maayos ng kaladkarin nya  na kami papasok.

Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang madilim na paligid. At maya maya ay agad na ring lumiwanag. Bumungad sa amin ang napakalaking espasyo na parang stage na ginagamit sa panonood ng teatro.

At agad na  makikita mo ang mga tinted na salamin nakapalibot sa amin . At isa isa nya na kami kinalag  ang mga tali namin sa kamay at paa. Inilibot ko ang aking mata at sinubukan may makita sa likod ng mga salamin. Ngunit bigo pa rin ako na may makita.

Nanatili lang ako nakatayo habang ang iba ay umiiyak. Tinalasan ko ang aking pandama at hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon sa aking mukha. Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan.

Pagkatapos ay kanya kanya na nila kaming hinila at pinasok sa Iba't Ibang pintuan. Ipinasok nila ako sa dilaw na pintuan kasama ang apat na batang babae.

Pagkapasok namin ay nakita namin...

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now