SPECIAL CHAPTER 8:THE SHADOW

7.3K 357 3
                                    

Lucas POV

Ng isilang ako ay namatay agad ang aking ina. Alam ko ng simula ng sandali na iyon ay dapat ay masayang araw pero napalitan ng paghihinagpis.

Alam ko kahit hindi nila sabihin ako ang sinisi nila sa mga nangyari.
Ramdam ko sa kilos nila. Lumaki akong ibinibigay ang lahat ng gusto ko.

Maaring ibinigay nila ang mga luho ko pero hindi ang bagay na gusto ko. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng kahit kaunting pagmamahal.

Pinalaki ako ng mga katulong pero kahit kailan hindi man lang ako binisita ng aking ama.

Naalala ko pa ang mga araw na inaantay ko sya at lagi akong nagtatanong kung dadalawin nya ba ako. Pero kahit isa walang sumagot sa mga tanong ko.

Iniiwasan nilang tignan ako sa mga mata. Alam ko na hindi sya pupunta. Pero patuloy pa rin akong nag antay na pupuntahan nya rin ako.

Hanggang sa nakita ko sya dahil sa tuwa ko ay lalapitan ko sana sya. Pero napansin kong may kasamang batang lalaki na matanda sa akin ng ilang taon. Agad akong nagtago at tinignan sila sa malayo.

Parehas kami may pulang buhok ang pinagkaiba lang ang kulay ng mata namin. Asul ang mata nya at ako naman ay pulang mata.

Mas magkamukha sila ng kasama nyang bata. Masaya silang nag uusap na dalawa. Nakaramdam ako ng selos unang pagkakataon.

'Kaya ba hindi sya pumupunta dahil ayaw nya sa akin at mas gusto nya kasama ang batang yon?'

'Ayaw nya ba sa akin kasi hindi ako talentado at matalino katulad nya'

Lagi kong naririnig sa mga kwentuhan ng mga katulong. Ang pagiging prodigy ng kapatid ko. Lagi kaming pinagkokompara sa isa't isa.

Kaya sinubukan kong maging tulad nya. Nag aral ako ng mabuti. Sinubukan kong maging isang perpekto katulad nya.

"Bakit ganon kahit anong paghihirap ko. Hindi nya ako matapunan ng tingin kahit minsan"

Hanggang dumating na ang pinakahihintay ko sa lahat. Ang araw na makikita ko ulit si ama. Pero sa pagkakataon iyon nakita ko na pinagmamalaki nya si kuya.

'Bakit ganon sya? Bakit hindi nya ako maipagmalaki? Dahil ba hindi ako kasing perpekto ni Kuya"

Yan ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Ginagawa ko naman ang lahat ng paraan para maging isang perpektong anak.

Lagi akong nag aaral at ginagawa ko ring perpekto ang lahat ng mga pinagagawa sa akin. Kulang pa ba iyon.

Dahil doon ang pagmamahal na mayroon ako paunti unting naging galit.

"Sisiguraduhin ko na ang lahat ng mga bagay na mayroon sya ay magiging akin"

Itinanim ko ang mga katagang yan sa isip at puso ko. Kaya nagsumikap ako para sa sarili ko.

Hanggang dumating na ang araw na pinaka hinihintay ko. Ang mapansin ako at maipagmalaki rin. Pero sa halip na matuwa ako mas lalo akong nagalit sa kanila.

"Binigyan nyo lang ako ng atensyon para tulungan si Kuya. Na palakihin ang dukedom hindi dahil anak nyo ako."

Ngumingiti lang ako sa harap nila para ipakita na hindi ako tutol sa gusto nila.

'Hinding hindi ako mag papauto sa taong katulad mo'

Hinding hindi ko hahayaan na mauwi sa lahat. Ang mga pinaghirapan ko para lang sa paboritong anak!

Sisiguraduhin ko

'I am the shadow that will become nightmare of your reality '

'I am the nightmare that hunt you and will be your greatest fear'

I am the shadow will drag you in the deep abyss"

Because I am the shadow and you are my Creator

Reincarnated As One Of The Triplets VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon