chapter 15

50 5 1
                                    

Abot hanggang kalawakan ang tibok ng aking dibdib, hindi ko mawari ang takot sa akin na ay bumabalot, mula sa kalugud-lugoran ng aking balat hanggang sa pinaka loob ng aking mg buto'y ramdam na ramdam ko ang kaba

Sa kanilang mga mata din nga'y balot sa takot, pangamba, at walang kaayusang kapayapaan
Na akala nila'y magiging maayos sila dito sa loob, ngunit hindi rin pala

Nilapitan ko ang babaeng mahaba ang buhok at nag babaka sakaling mahingi ko ang kanyang pangalan, gusto ko manlang malaman ang pangalan ng taong nagsusubok at naglalakas loob sagipin ang buhay ng bawat isa sa amin...

Naiintindihan ko naman ang kanyang nais, at dahil marami-rami din kami dito sa loob, marami-rami din ang makukunsumong pagkain, hindi ito makokontrol sapagkat lahat sila'y iniisip na wala nang bukas.

Naabutan ko naman siyang binabalot ang mga kamao ng plaster at parang nakatitig sa kawalan

Kayat nilapitan ko siya ng dahan-dahan upang hindi ko siya mabulabog...

"Ayos ka lang ba?"

Paunang bati ko sakanya, halata ding nagiba ang kanyang ekspresyon dahil bigla nalang niya akong nginitian,
Ngiting maskara na nagtatago ng totoong ekspresyon at emosyon

"Ayos lang ako, ilang minuto nalamang ay lalabas na tayo, pumulot kana ng bagay na makatutulong para sayo"

Sa mga mata niya'y nakikita ko, ang mga salitang nagsasabing 'Kaya ko ito' na mas nagparamdam sakin ng simpatya

Tinapik ko nalamang ang kanyang mga balikat...

Nginitian ko siya't niyakap ng mahigpit

Natatakot siya gaya ko, nalulungkot ako para sa sakanya

Bakit nga ba tayo humantong sa ganito...

Bakit takot na ang bumalot sa atin

Wala na nga ba tayong pwedeng gawin upang maibalik natin ito sa dati?

Naalala ko ang Wangis, at ingay ng mga nilalang na iyon
Napaka mababangis, Mabangis pa kesa sa lion
Mabibilis, at ubod ng pangit na mga iyun

"Bangkay na buhay"

Sambit ko sa kanya, ngunit hindi siya kumikibo

Napaka init sa pakiramdam, napaka komportable

Dahil sa kahit panandalian lamang ay nawala ang takot sakin

Ramdam ko ang pag aalala...

Sakit....

Pero sa mata palang niya'y alam ko na hindi siya susuko,
Tyansa na ito upang mabuhay, Sa loob ng pasilidad na ito ay isang malaking false hope saamin dahil kung pagkain lang din ang pag uusapan...

Baka makain na namin ang isa't isa dahil sa gutom...
Magiging halimaw kami gaya ng mga halimaw sa labas
At hindi iyon maganda...

Bigla nalang siyang huminga ng malalim at sinabing

"Tawagin mo silang Gutom, tsaka tawagin mo nalang din akong Gwen"

Napatawa ako ng bahagya, kung sabagay ay gutom nga sila...

Gutom... Isang salita na naglalarawan sa mga iyun

At baka sa hulihan ...kami ang makakain o magkakainan

"Tawagin mo nalang din akong Iya"

Kinuyom ko ang aking mga kamao..
Mga taong humantong sa hirap ...
Magbabayad ang gumawa nit sakanila
Mga iresponsable!

------------------------------------

Nagsilinya na ang aming mga kasamahan habang tinutulungan kong ayusin ang pang harang sa windshield sina jigs

Sinosulyapan ko ang mga bata na kasalukuyang pini-piringan ng kanilang mga magulang upang hindi madagdagan ang takot sa kanila

Nagmistulang play ang pinaghahandaan namin sa mga props pa lamang pati na di ang aming pag gaganapan

Binalutan ko na din ang sariling kamao upang proteksiyon

Tsaka nag si handa na ang mga kasamahan ko

"Pag nakita niyo and senyas ko, ibig sabihin ay maari na kayong lumabas"

Pagkatapos ay Binuksan na ni Gwen ang pinto't nauna sa labas,

Sa pag aalala ko'y hindi ko iniwas ang aking mga titig

Sa kung paano niya hinahawakan ang baril at kung paano siya ka alerto,

Dahan dahan siyang naglalakad at ingat na ingat upang hindi mabulabog o marinig ng mga Gutom

"O diyos ko, tulungan mo kami, patawarin mo kami sa mga nagawang kasalanan"

Dinig ko ang mga bulong at dasal nila ...

Pilit na tinatalo ang takot sa kanilang mga isipan

Nilapitan ko muna si jigss upang bigyan ng isang malaking yakap kung sakaling hindi kami magtagumpay, isa itong napakalaking sugal ...

"Jigss"

Nilingon niya ko't niyakap ...

Ramdam ko din ang takot niya
Tsaka siya nag sign of the cross

Suminyas na si Gwen at oras na para kami ay sumunod ...

Isa-isa kaming lumabas at naka linya habang naka taas ang mga pananga, na parang kami'y nasa gera

Tahimik ang paligid, at napaka hamog ..

Nakampanti naman ako dahil wala akong makitang maikababahala namin

Umakyat na sa building si Gwen gamit ang metal hagdan mula sa gilid ng pader upang magsilbing look out

Kinaawaan kami ng diyos at ngayo'y nakasisigurong magtatagumpay kami sa aming balak..

Ilang hakbang na lamang 1, .....2 ....

"Aachhu!!"

Nagulat ako sa bahing ng bata na nasa aking harapan

"Mama, naiihi ako"

Tinakpan agad ng ina ang bibig nito at lahat kami'y napahinto sa mga tunog na aming naririnig

Na halos ay nakapalibot saamin, hindi ko mabilang, hindi ko alam kung saan ang pinaka malapit

Dahil sa bawat direksyon ay may tunog,

Tunog na magpapaiyak sa'yo sa takot

"Wag kayong tumigil, Takbo!!"

Pagkadinig ko lang sa tinig ni Gwen, alam kong nariyan na sila, sa tono, sa boses, sa salita palang...




Nasa piligro kami ...


Blood bankWhere stories live. Discover now