chapter 9

61 6 0
                                    

Chapter 9

Nagising nalang ulit akong naka higa Sa sahig kasama  ang iba

Pinilit kong umupo at sumandal sa pader at tinignan ang aking sugat pero mukha nalang itong maliit pero malalim na galos

"Tabachoy" niyogyug ko siya hanggang siya'y magising

"Hoy, taba okay kalang ba??" Niyugyog ko pa siya ng mas malakas ngunit hindi pa siya nagigising

Idinikit ko ang ang aking daliri sa kanyang ilong para malaman kung humihinga pa siya

Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang okay lang siya,

Pinagmasdan ko ang aking paligid at lahay sila'y tulog pa may iba namang nagagamalay na't sinusubukang tumayo

Nakita ko naman si Carl na papalapit

Mabuti naman at ok na siya
Nguni't napaisip nalangako bigla, ito ba ang kondisyon ng campong ito na patuluyin sila dito para maiksperimentuhan nila?, Mali naman ata iyun, anu ba talaga ang nangyayari't naguguluhan ako

"Alam ko na ito ang gagawin nila samin"

Umupo siya sa aking tabi at nilagyan ng unang bato ang ulo ni taba upang makatulog siya ng maayos

"Isa akong professor ng astronomy ng ****university, at etong si jigs ay isang surgeon ng ***hospital malapit dito, magkakilala kami  nung isang araw ng sinabi nilang bibigyan nil kami ng pagkain at matutuluyan, pumayag nadin kami dahil nasira ang bahay ko at nagsara na ang paaralan dahil sa riot na nangyari"

Pumulot siya ng maliit na piraso ng bato at tsaka ito tinapon

Nakikita ko kung gaano siya ka pagod sa sitwasyon namin ngayon at nararamdaman ko ding malungkot siya
Dahil sa pagpatak ng kaniyang mga luha

"Hindi ko lubos maisip kung ba't sa'kin toh nangyari, bakit ang pamilya ko pa, ang dalawang bwang buntis kong asawa ang 3taon kong anak"

Umiiyak na si carl ng itapon niya ulit ang napulot ng bato 

Mukha siyang nagmumokmok na lasing ngunit mararamdaman mo sakanya kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya

Hinaplos niya ng marahan ang kaniyang buhok at yumuko 

"Etong si jigs naman dalawa nalang sila ng kapatid niyang naiwan pero kamalas-malasan lang at naghiwalay sila,  mabait na tao si jigs kaya sinisisi ko ang sarili ko dahil naiwan ni jigs ang kaptid niya para tulungan ako
Napakawalang kwentang tao ko talaga, kaya pinangako ko sakanya na pagkakaalis kami dito hahanapin namin ang 8 taong kapatid niya"

Sinilip ko si jigs sa kaniyang pagkakatulog

Bakit ba ang mga taong mas nagmamahal ang mga nauunang masaktan, ang mga taong nagpapahalaga ay yng mas nauunang mawalan Napaka unfair ng mundo't hindi tayo binibigyan ng pagkakataong makasama pa sila kahit sa ilang mga sandali nalang

"Hindi pa pala ako lubusang nagpakilala sa inyu, ako 5nga pala si Iya zarswelo,"

"Tawagin mo nalang akong carl haha Incarpio kasi pangalan ko Incarpio Santiago, tsaka nakita ko sa ID ni jigs Gerjigio (herjigyo) de la Cruz "

"Haha napaka komplikado pala ng mga pangalan niyo"

"Komplikado nga, kasing komplikado ng sitwasyon natin ngayon"

Pagkatapos niyang magsalita ay bigla siyang naubo at nanghina
Napatayo ako at nilagay ko siya katabi ni jigs na nakahiga

"Martial law" sambit ko ...
"Ha.. dahil sa mga riot at baliw na tao nagka martial law...
Ang bobo isipin"..

Blood bankWhere stories live. Discover now