Chapter 1

151 12 7
                                    

Chapter 1

Minulat ko ang aking mga mata at sila parin ang aking mga nakikita....
Mga doktor.........

Lagi nalang doktor.......

Simula pa nung una ng natuklasan nila ang pagkatao ko, noong nagpatingin ako sa isang espesyalista at tinanong kung ano ang aking karamdaman, lumalabas ang mga sintomas ngunit negatibo raw ako sa sakit na corona virus

Araw-araw akong dumadalaw at nagpapatingin ngunit negatibo padin daw ang kada dumadating ang resulta ........

Inalam nila ang mga importanteng impormasyon saakin at chineck-up ang aking dugo

"AB- siya doc... Minsan lang toh mahanap"
"Ngunit bakit negatibo ang mga resulta ng tests sa kanya?"
"Marahil ay maganda ang kanyang pangangatawan doc, malakas din ang kanyang immune system hindi ko mawari sa bilis ng pag galing ng kanyang sipon"

Pag-uusap ng dalawang nag-aassist saakin habang ako ay naka upo sa napaka komportableng upuan habang iniisip ang ulam mamayang gabi

"Kumuha ka ng blood sample baka maari-natin siyang pakinabangan"

Tinignan ko lang ang mga doktor na nasa harap ko at ngumiti nalang ako ng bahagya sa kanila.
-------------------------------------------

Hawak-hawak ko and supot ng cup noodles na uulamin ko para sa gabi habang suot-suot ko ang aking mask at napaka-kapal na jacket kahit hindi naman ako nilalamig

Nilagay ko ang supot sa ibabaw ng aking lamesa at umupo sa harap ng computer, aking nasilayan ang isang sobreng imahe ang lumabas sa screen neto

"Ngayon lang ako nagkaroon ng message sa email, sana nga lang hindi toh chain mail "

Pagkabukas ko ng email pangalan agad ni kuya ang bumungad sa 'kin

" Wala na kaming bigas, pahiram nalang muna ng 1k"

Laking pasasalamat ko na hindi ito chain mail.......
Pero tangina...... Sakit sa ulo naman......

Siguro mas pipiliin ko nalang ata ang chain mail kaysa dito
Parang ako nalang ang bumubuhay sa pamilya ni kuya sa sobrang katamaran niya...... Saakin lagi ang hantungan niya pag wala siyang pera.....

Buti nalamang ay ako'y may sideline bilang isang photographer sa mga debut, kasal, Christmas party, binyag at thanks giving

Kinukulang ang 3 thousand kong sweldo kada kensenas ..... Dagdag pa ang bill ng kuryente at tubig dito sa bahay ....at mag-isa lamang ako dito, pinili kong maging mag isa kaysa sa marami sadyang itong nakaririndi
_______________

Blood bankWhere stories live. Discover now