Chapter 18

63 3 1
                                    

Wala akong ibang magawa kundi hinimas ang likod ng babae na nasa aking tabi habang Siya'y nagdarasal ng pabulong
Damang-dama ko hanggang buto and takot niya't lungkot, na wari ba'y hindi niya ginusto ang ganito

Basang basa ng pawis ang kamay ng babaeng aking hawak hawak at pilit na pina-tatahan upang gumaan manlang ang kaniyang pakiramdam, ngunit napaka bigat ng nararamdaman niya at ramdam ko iyun kahit nakahawak lamang ako sa kanyang kamay

Pinagmasdan ko ang mga pumapalibot samin, Pagka dami dami naman ng mga gutom na nilalang, pagka-pangit pangit ng mga pagmumukha

Napaka-malas naman namin at kami pa ang magiging pulutan ng mga nakakadiring nilalang na ito

Hindi ko na din' alam ang aking gagawin dahil isang pagkakamali lamang na makagagawa ng ingay ay ubos lahat kaming naririto sa loob ng sasakyan.

Nilibot ko ang aking paningin upang maghanap ng maari naming daanan upang makalabas sa impyernong ito, kahit unahin nalang muna ang mga bata at ang kasama naming matanda

Ngunit bigo parin sa aking tingin, dahil sa labas padin ay halos mapuno na ng mga gutom ang paligid, hindi padin kami maka liligtas kahit sa anong paraan man

Nasa kalagitnaan ng Impyerno nga kami kung tutuusin, hindi pa kami patay ngunit kalbaryo na ang aming nararanasan na tila walang katapusan

Wala na akong ibang nasaisip kundi ang pagtakas lamang sa kinahantungan na kapalaran

Nararamdaman at naniniwala akong hindi pa dito matatapos ang lahat, sigurado akong may paraan padin

"Wag mo lang bubuksan ang ilaw"
Dinig kong bulong ng isang Ale kay jigss habang pinupunasan ang kanyang tumatagaktak na pawis.

Muli 'kong nilingon ang bintana at biglang may tumambad na napaka laswang pagmumukha ng isang Gutom, habang ito'y naka nganga at biglang ipinasok ang kanyang kamay sa loob 

Bigla naman napa atras ang Babae at ang kanyang anak at lumapit naman sa kabila ngunit ganoon din ang sitwasyon, marami na ang mga kamay na pilit kaming sinusungkit

Kaya napa lapit kami sa may driver's seat at pilit na isini-siksik ang mga sarili upang makalayo lamang sa mga madudugo at madudungis na mga kamay

"Dito kayo" pabulong na sabi ni Gwen at pinapasok ang isa sa mga bata sa kanilang kinalalagyan ni jigs upang medyo lumuwag ang espasyo at sa hindi kami maabot ng mga gutom

Habang tinitignan ko ang mga kamay na pilit kaming inaabot, ay naisip kong baka tumagilid ang sasakyan dahil sa dami nila

Sa pagkakataong ito ay baka maging halo halo kami dahil sa pwersa ng sandatahang gutom

Tila nagaantay nalamang ako na may mangyayaring milagro at sana nama'y kahit papano ay mailigtas lang kahit ang mga bata na aming kasama

"Ayoko pa mamatay, ayoko pa ayoko..."

Ako din manang

Nilingon ko ng dahan dahan ang Ale at naka yoko lang siya habang tumatagaktak ang pawis sa kanyang mga noo
Basang basa na din ang damit at buhok dahil dito

Na awa ako ...

Nilingon ko din sabay si Gwen at nagkatinginan kami

Doon ko lang napansin na kulay tsokolate pala ang ito at may mahahaba pala siyang mga pilikmata.

Pagkatapos kong siyang tignan ay inilipat ko naman ito sa windshield

Dahil halos lahat ng nakapaligid samin ay nasa may mismong gilid ng sasakayan.

Kinalabit ako ang Ale na nasa aking tabi, kaya't napatigil siya sa pagdarasal

"A-no yun?" Tanong niya

"Aaliwin ko ang mga nilalang na yan dito sa likod, kailangan ninyong  Pumasok papunta sa kabila, bubuksan nina jiggs ang windshield at doon kayo dadaan palabas ng tahimik"
Pagkatapos ay hinipo ko ang kanyang likod

Tatayo na sana ako upang gawin ang aking binabalik ay biglang hinigit ni Gwen ang akong braso't tinignan ako mata sa mata

"Sira ka ba?!, Wala ka na ba sa tamang pag iisip?" Singhal niya
Napaka seryoso niya at hindi ako nagbibiro

Gagawin ko din ang ginawa saakin ng Malaking Ale doon sa pasilidad upang maka takas lamang

"Naawa ako sa mga bata at eto lang ang nakikita kong paraan, oo maaring hibang na ako... Kung tutuusin dapat patay na 'ko ngayon e"  sabay kong hinawakan ang kamay niya upang tanggalin ito

Ngunit mas hinigpitan pa niya ang hawak at umiling

[/*Crrrk;  tunog ng salamin sa bintana ng sasakyan na kahit ano mang sandali ay pwede ng mabasag

"Sige na, baka tuluyan na tayong maubos dito"
Tinapik ko na lamang ang kanyang kamay

Deritso 'kong kinuha ang tatlong PBC pipe na kanina pang nasa loob ng sasakyan at iniharang ito sa may pintuan ng sasakyan

Dali -dali namang ipinasok ng mga kasamahan ko ang mga bat doon sa may driver's seat at pilit na pinagkakasya ang mga sarili roon

[/*Crrrkkk:
Konti nalang at masisira ng tuluyan ang bintana ng sasakyan

Inabot ko na ang handle at kinakabahan kong binuksan ito ng dahan dahan

[/* Phewwww, *booogsh

Bigla akong nagulat ng biglang may sumabog sa tabi ng sasakayan na kina-dahilan ng pag gewang ng sasakyan 

Sunod-sunod pang putok pagkatapos nito ang aking narinig

Nakita kong basag na din ang salamin ng sasakyan at nagsisipasukan ang mga ulo ng gutom

Wala akong marinig, tila ba'y nabingi ako sa lakas ng pag sabog na iyon, kagaya ng pagsabog na nangyari sa pasilidad

Lagot na... Hindi ako makahinga sa usok

Hindi na din ako makagalaw

"Arrghhhhhh" sigaw ng isang mamang tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa habang pina-paputok ang kanyang baril sa mukha ng mga gutom

May isa namang nagsisigarilyo at nakikita kong may dala dala siyang palakol at hindi inaalintana ang dugo na tumatalsik sa kanyang mukha

Sino ba ang mga ito?

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at napansin ko nalamang na wala na halos ang mga gutom na kanina'y pilit kaming inaabot

Tumambad sakin ang isang lalaking may mga hawak na cutter at ang kasama niyang may baseball bat sa likod

"Labas na miss"  sabay tapon ng hawak na cutter

Napansin ko din ang kanilang mga suot na tila mga kasuotan ng sundalo, at may mga armas pa sila gaya ng baril palakol bolo at iba pang mga pwedeng magamit upang makasakit o pumatay

May tattoo ang iba at tila may mga nakasabit pa sa kanilang mga damit

At balot din ang katawan ng makakapal na tela
Kung pagmamasdan mo sila, mukha silang magnanakaw

Ngunit napaka kisig ng kanilang mga katawan at iba sila kung makatingin

Nagdalawang isip akong lumabas, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba ang mga ito dahil sa mata palang ay nakikita ko, baka mga tauhan to ng doktor na gusto akong maibalik sa kanyang laboratoryo

Pero isa lang ang alam ko ngayon, Ligtas na kami mula sa mga patay na iyun.

Blood bankDove le storie prendono vita. Scoprilo ora