"Aaaaahhh""Takkbbooo"
"Bilis"
"Tabi!!!!!!"
Nagsi takbuhan na ang mga kasamahan ko, nasira na ng tuluyan ang linya na dapat namin sinusunod,
Kaba, takot, nerbyos, pagkapraning, hindi malaman ang gagawin
Habang nililibot ko ang aking tingin ay halos maubos na kaming buhay
Puro sigaw at iyak
Nanginginig na ako't d makagalaw
Napa upo nalamang ako't pinagmamasdan ang Isang Gutom na pinapyipyistahan ang isa sa kasamahan ko,
Sarap na sarap siya sa kanyang kinakain, inuuna niya ang lamang loob sa tiyan niya't ginagawa itong pansit
Mismong sa harapan ko siya nag hahappy meal kulang na lamang na ako'y masuka sa itsura ng nasa loob ng katawan ng isang tao, napaka laswa
Yung iba'y pilit pang lumalaban at pinoprotektahan ang sarili, ngunit napaka tiyaga ng mga halimaw na to at hindi napapagod habulin ang makakain,
Hiyawan na hindi pangkasiyahan...
Sa isang maliit na pagkakamali, kapalit nito ay ang aming kamatayan..Pinagtatapon na nila ang mga panangga at natatarantang tumungo sa truck na sinasabi ni Gwen bago pa kami lumabas
Sa aking pagkatulala'y hinigit ako ng isang ale papalapit sa truck at pilit nilang binuksan ang likod nito
"Naka lock!"
Kahit papa'no ay maililigtas kami ng bala ni Gwen galing sa taas ng building kung saan naroroon siya,
Ngunit hindi natin alam kung hanggang kailan ang aabutin ng dalawang magazine ng kanyang baril
Sa gilid ng aking mata'y may napansin akong papalapit...
Ngunit bago pako makalingun ay sinalubong ako ng nakakatakot na mukha
Nakikita ko ang malaswang itsura nito't parang halos bulok na
Hindi na ko nakagalaw sa takot at nerbyos na aking nararamdaman... Hindi lamang dahil sa wangis nito... Kundi dahil chichibugin na ako ng hinampil na 'to
Wala na din akong magagawa, mahahabol padin at mahahabol padin ako kahit tumakbo
Napakarami nila at kinakain na din ang iba naming kasama
Wala na kaming takas, wala ng ibang pupuntahan
*[/Bang!
"Ggahhh!! Pumasok na kayo!"
Tinulak ako ng ale papasok ng panel habang hindi ako makapaniwala sa lakas niya
Nagmukhang Maja Blanca ang ulo ng nilalang na iyun noong pinukpok niya ito ng maso
Sa lakas at laki ng katawan niya'y nakakayanan niyang protektahan ang iba niyang kasama kahit siya'y isang babae,
Ang tape at damit na naka palibot sa paa at braso niya ang magsisilbing baloti upang hindi siya makalmot o makagat ng isa sa mga halimaw na iyun
*[/Clink.. ] tunog ng mga bumagsak na metal
"Sa wakas!!, Napagana ko na din sumakay na kayo" Dinig kong sigaw ni jigs
Sumakay sila isa isa, inuuna ang bata't matatanda
Inabot ko ang kanilang mga kamayUmiiyak silang umaakyat at pawisang lumuluha,