Chapter 21

21 3 1
                                    

Hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan ngunit nababasa ko naman ang kanilang labi

"roon.. puwesto.. saka lamang..."  hindi ko mabasa ng maayos ang mga galaw ng kanilang labi dahil sa tumatalikod sila sa akin at hindi ko rin makita ng maayos ang kanilang mga labi dahil sa distansya

nag sitago ang iba naming kasamahan sa gilid ng palaruan kung saan may naka tambak na mga sirang upuan at mga gamit habang ang iba namang maliksi at mukhang kayang lumaban ay nas harapan nila

tuluyan nang bumukas ang gate at bumungad ang limang malalaking ason

"doberman" sambit ni Gwen

 mas malaki pa sa tao na may mahahabang katawan, maiitim at mapupula ang mga bunganga, naglalaway rin ito at naka taas ang mga ulo na tila ba'y may inaamoy amoy ito

"ang pagkaka alam ko'y hindi naman agresibo ang mga ito, ngunit bakit?" bulong ko sa aking sarili

mukhang kampante si Gwen at kitang kita ko sakanyang mukha na kabisado niya ang ganitong klaseng mga aso dahil ang mga doberman ay nasisilbi din sa militar

lumapit siya ng dahan dahan sa direksyon ng isa sa mga doberman, satingin ko ay nagtatangka siyang kaibiganin ang isa rito

inabot niya dahan dahan ang kaniyang kaliwang kamay at naglalakad ng pa unti-unti

ngunit ang Aso naman ay mukhang hindi na tatanggap ng isa pa, dahil may apat na siya nito

ngunit nakapagtataka naman kung bakit mga doberman ang mga naririto, sadyang hindi sila agresibo at mababait ang mga ito dahil sila ay kilala bilang isa sa mga matatalinong klase ng aso

isa itong patibong...

"Gwen!" sigaw ko sakanya, hindi maganda ang kutob ko, hindi agresibo ang mga doberman maliban nalang kung may prinoprotektahan sila, maaring amo nila

at sa mga itsura nito'y hindi lamang sila isang ordinaryong aso


nahawa na din sila...


loyal sila sa kinikilala nilang amo, at sa kanilang mga posisyon ngayon na naka taas ang mga taenga at nakatayo lamang sa iba't-ibang direksyon ay pawang mga bodyguard sila na maaring nasa loob pa ng gate

"Gwen! wag! umatras ka!" sigaw ko ulit sakanya ngunit huli na 

pinakita nito ang kanyang bangis sa pamamagitan ng kaniyang Growl   habang naglalakad palabas ng kaniyang lungga 

"nagpapatawa ba kayo?" galaw ng mga labi ni Gwen

"lagot na.." bulong ko nalamang sa aking sarili


"hihhihihihi" 

napalingon ako sa aking likuran at bigla saking bumungad ang isang matandang lalaki na wala nang halos ngipin ngunit ngumunguya parin ng mansanas

"ano ho ba ang nakakatawa lolo?" dineritso ko na ang matanda dahil alam kong isa din siya sa mga taong naninirahan dito... mga baliw

"wala lamang, masaya lamang ako dahil panalo nanaman kami sa  taya, kahit kailan talaga akala nilang mananalo sila dahil may isang malaki sa grupo... ngunit wala rin, wala parin silang binatbat sa hari hihihihihi" sagot nito

"ano ho bang ibig sabihin ninyo?"  lumapit ako tungo sa kanyang kinaroroonan 

" satingin mo? bakit hindi kinakain ng dambuhala  ang mga asong yan?" tanong saakin ng matanda pagkatapos ay kanyang ibinuhos ang isang bote ng alak sa kanyang bibig

"kasi... "  

"kasi dati nilang amo yan noong hindi pa yan isang mangangain ng tao sa sobra sobrang pagkain tumaba siyang lalo,  at ang mga asong iyan... ang Doberman matatalino at loyal lamang sakanilang mga amo, hanggang sa kabilang mundo ay susundin at susundin nila ang kanilang amo kahit pare-pareho na sila naging halimaw" pagputol pa nito sa'kin

dali-dali naman akong bumalik sa aking pwesto kanina, tsaka ko nahanap si Gwen na hinihigit na ng dambuhala 

"wala na silang pag-asa bata, mamamatay yan... makakaligtas nalamang sila kung yung mismong dambuhala ang tumigil na " habol pa nito


"bwesit..." bulong ko nalamang sa aking sarili

paano ba 'ko makakalabas dito 


"Argh!" sigaw ng dambuhala sa sakit


"BItawan mo siya!"  narinig kong sigaw ni jiggs at patuloy niyang sinasaksak ang matambok nitong katawan

"ayaw!" sigaw naman nito pabalik at itinulak palayo si Gwen lalapitan na sana siya ng iba naming kasama ngunit biglang humarang sakanila ang mga Aso

"ikaw... una" sambit ng dambuhala habang palapit kay jiggs


kitang kita ko sa mata niyang determinado siyang iligtas si Gwen kahit kapalit iyun ay buhay niya, apat na beses ang laki nito kumpara sa laki ni jiggs

kaya kaya nito ibalibag lang na parang sako ng gapas si jiggs

" habulin mo muna 'ko" sabay takbo


napaka talino ng naisip mo jiggs ngunit nariyan pa ang mga aso na maari kang habulin

sa taba ng kanilang amo ay imposible kang maabutan,

ngunit hindi ka naman ligtas sa kanyang mga alaga

Blood bankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon