chapter 14

63 4 3
                                    

Pagkakinaumagahan ay napansin kong naghahanda ang babaeng mahaba ang buhok sa hindi ko malamang dahilan ay kinuha niya ang mga plaster at mga cotton balls na dapat sana ay para sa mga may sugat at nangangailangan

Tinititigan ko lang siyang gawin ang mga ginagawa niya habang ang iba nama'y mahimbing pang natutulog

Naisipan kong tanungin siya kung para saan ba ito kaya lumapit ako sakanya

"Ano... Para san ba yan?" Sabay kong pinulot ang isa sa cotton balls na nalaglag sa sahig

"Lalabas ako"

Sa sinambit niyang 'yun ay halatang wala manlang takot na nagmumula sakanya
Nagulat naman ako't bakit pa siya lalabas kung mas ligtas naman dito sa loob

Seryoso ko siyang tinignan, wala manlang emosyon ang mukha malamang nag po-poker face ito upang hindi mahalatang takot siya

"Hindi ka ba natatakot lumabas magisa?, Ba't ka pa lalabas eh mas ligtas na tayo dito di'ba?"

Hinarap niya ko't ngumiti

Na weirdohan ako sa ngiting iyun ...
Sabay akong kinabahan dahil mukhang alam ko ang ibig sabihin nito

"Hindi ako natatakot lumabas magisa, kasama ko naman kayo"

-----------------------_---------------------------

Inilapag niya sa mesa ang pinagtagpi tagping mga papel  habang isa-isang lumalapit ang mga tao

Halatang may mga ayaw at takot sa balak ng babaeng mahaba ang buhok

"Makinig kayo" pagtawag atensyon niya

Sa papel na iyun ay may mga larawan at pangalan

Larawan ng kinalalagyan namin ngayon

Sabay niyang kinuha ang emergency guide kung saan naroon ang gabay sa pinaka ligtas na daanan kung sakaling may mangyaring emergency

"Lahat kayo ay pupulot ng mga bagay na pwedeng gawing panlaban o pangdepensa, may ilang minuto kayo upang ayusin at maghanda, lalabas tayo ngayon pagkatapos ay----"

"Putangina! Gusto mo babkaming mamatay?" Sigaw ng isang babaeng medyo maitim 

"Kung magaantay lang tayo dito tiyak na mamatay talaga tayo dito, kaya lalabas tayo para mabuhay" sagot niya naman habang ikinukuyom niya ang mga palad sa inis

"Atsaka ate ha, nagtatanong ka na ngalang magmumura kapa? Ang lakas ng loob mong mag kwistyon, alam ko ang ginagawa ko hindi lang para sakin to sainyo din"

"Pano kung lahat kami mamatay sa labas HA?!! Pano mo maipapaliwanag yan??"

Pinagmasdan ko ang babaeng mahaba ang buhok halatang inis na inis na ito sa babaeng edyo maitim sa tono ng pananalita akala mo nama'y may alam sa mga ganitong sitwasyon

"MAG AANTAY KA NALANG BA DITO HABANG BUHAY?? NA WALA NA TAYONG MAKAKAIN, lalabas tayo... Lalabas tayo dahil may possibilidad na makahanap tayo ng mas magandang matutuluyan ...yung may makakain ...may chance ding may ibang mga survivor dito na maari nating hingan ng tulong... Kesa namang magaantay at magkukulong rito habang onti unti tayong nauubos dahil sa gutom.... Kung ayaw mong lumabas kainin mo nalang ang sarili mo goodluck mabusog ka sana"
Sabay niyang tinali ang kanyang mahabang buhok at nagsulat sa papel

Sinilip ko iyun at nakita kong may mga ilang parte siyang binubura... Halatang binabago niya ang plano

Napakagat labi ako ng nakita ko siyang yumuko iniwas ko nalamang ang aking tingin sa kanyang dibdib... Dahil sa suot niyang sando... Lumalabas tuloy ang kaluluwa niya ... Ba't ba kasu ngayon pa

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo

"Pagbukas ng pinto ay ako ang haharap sa mga nagaantay malapit sa dito, gamit ang baril ay siguradong walang may masasaktan sa inyo, alam kong takot kayo kaya ako ang mauuna sa linya dahil ako nakaisip nito, habang binabaril ko ang mga iyon dedepensahan ninyo ang mga sarili ninyo siguraduhin niyo lang na hindi kayo makakagat o makakalmot, ang mga pinto ng locker at mesa ang gagawin niyong panangga ...tatayo na kayo pag sinabi ko nang ligtas na kayong tumayo"

Seryoso siyang nakatingin sa bawat mata ng mga taong ito na alam niyang natatakot, Isasakripisyo niya ang sarili para sa iba kahit siya rin mismo ay nanginginig 

Maya maya lang ay may nagtaas ng kamay

"Bilang lalake ... Kailangan ko din tumulong maari bang habang binabaril mo ang iba sa mga iyon ay pugutin ko ang ulo ng iba sakanila?" Sambit ng lalaking hindi katangkaran pero halatang sanay sa pagbubuhat dahil sa kanyang mga muscle

"Ako din tutulong" sambit ni jigss sakanila

Natawa naman ang iba sa sinabi niya

"Wag na, sa taba mong yan lalapain kalang nila"

Ilang sigundo ay tumahimik na din sila't hindi na nagkaimikan

"Pagkalabas natin ay gagawa tayo ng 2 line formation para kung may mangyari man ay hindi magkakaiwanan, nasa unahan at likuran ang mga lalaki at gitna naman ang mga hindi kayang lumaban, tutungo kayo sa building na ito" sabay niyang itinuro ang isang panel truck malapit sa mga pader ng kampo

"Kayo?.... Bakit ipapain mo kami??"

"Nasa taas ako at ako ang mag cocover sa inyo habang kayo ay patungo roon, pagnakarating na kayo'y pumasok na agad sa loob kayo naman tabachoy ...lagyan niyo ng metal na panangga ang windshield Ng truck na iyun, pagmarinig niyo ang aking pagtapik paandarin na ninyo ang sasakyan ... Mula sa bubongan ng truck ay lilinisin ko ang dadaanan tsaka tayo bababa sa isang grocery store.... maliwanag "

Tumango nalang ang iba at mukha pang nagaalinlangan ang kalahati may mga bata pa kasi silang kasama ...yung iba'y karga karga pa lang nila....

Takot ang nararamdaman nilang lahat ramdam ko ang kaba dahil isang maling hakbang lang ay maaring hindi na sila maka abot pa sa pupuntahan

"Ayos, magsikilos na tayo wag na natin tong paabutin pa ng gabi"

Blood bankOù les histoires vivent. Découvrez maintenant