chapter 3

98 9 0
                                    

Chapter 3

Nakasakay kami sa isang elevator kasama ang ibang mga health workers patungo sa health facility na kung saan nila ako dadalhin

Pinasuot nila saakin ang bestidang puti ng mga pasyente habang aking sinisilayan ang mga makina at staff ng pasilidad, napaka lawak nito, maraming incubators at kwarto na gawa sa salamin

Napaisip na lamang ako kung bakit ganito ang istraktura ng pasilidad  mukha itong bao na nakataob sa lupa at iisa lamang ang pinto ngunit malaki maliban sa emergency exit.

Pinapasok ako sa isa sa mga kwarto roon at pina higa sa isang napakomportableng kama sa loob,

Lahat silang nasa loob ng pasilidad ay naka suot ng mask at personal protective equipment malibak saakin na naka patients gown lamang.
-----------------
Itinurok sa aking braso ang isang mahabang karayom uoang kumuha ng sample ng aking dugo

Walang ibang bagay ang nasa loob ng salamin na kwarto ngunit isa lamang dextrose na ikinabit saakin
May air ventelation din ito sa taas ng kisame na siya lamang aking tinititigan

"Dadalhan ka nalamang namin ang iyung  mga pangangailangan"

Tumango na lamang ako at iniwan akong mag isa sa loob ng kwartong iyon

-----------------
Araw-araw nila akong kunukuhaan ng dugo at tintest kung may pagbabago ba sa aking katawan

Ang ginagawa ko lamang ay kain, tulog, higa minsan naman nila akong pinag ehersisyo gamit ang binibigay nila saking exercise gear,  at dumbbells

Araw-araw ganito ang lagay ko walang pinagbago ,hindi pa din nila nahahanap ang lunas at kung ano ang maaaring magpabagal sa sakit na corona virus

Pinapagamit naman nila ako ng computer upang makipag communicate sa aking mga mahal sa buhay , natatanggap ko ang mga Emai ni kuya na maayos ang kanilang lagay at nagpapasalamat sa mga bigay kong pera na sobra-sobra pa daw,

Minsan lamang ako nakakanood ng T.V. kung isinasakay ako sa wheelchair papunta ng main hall kung saan naroon ito

Minsan nga ay kinukulang sila ng tao dito sa pasilidad dahil ang kalahati sa kanila ay na assign sa ospital upang tumulong sa mas dumaraming bilang ng kaso ng Covid

Blood bankWhere stories live. Discover now