chapter 10

60 5 0
                                    

Chapter 10

*Ting tingttingtting*ii

Tunog ng metal na sandok na ipinopokpok sa metal na pinggan

Nagpipila-pila kami ngayon para sa pagkain sopas at patatas ang inihaing saamin

Magkakasunod kaming tatlo na nakapila habang pinagmamasdan ang tagapagbigay ng pagkain na Balot na balot ng PPE

"Paki lagay po ng 2 patatas" sambit ni jigsna nasa aking harapan

"Hindi pwede, 1 lang dapat" sabi naman ngtiga sandok

"Angdami pa naman pong tiratira eh nagugutom na po talaga ako" sabi pa niya

"Kung nagugutom Kana aba'y Kumain kana wag puro reklamo" singhal ng tigasandok kay jigs na akmang papaluin na siya nito gamit mismo ang sandok

Inawat naman ni Carl ang tiga sandok nang hinarangan niya  si jigs upang hindi siya nito masaktan

"Pasensya na po " sambit ko't sumandok ng pagkain at dumiretso sa loob ng alabmreng kulungan

-------------------
Nakaupo kaming tatlo sa gilid habang nakasandal sa pader at kumakain

"Oh sayo nato alam kong gutom ka" inabot ko kay jigs ang patatas na nasa pinggan ko

"Salamat" tsaka niya ito pinapak

Kahit kelan talaga lamunero itong si jigs sa katawan palang'y makikita mo na kung gaano ito katakaw

May inabot saaking larawan si jigs na batang nakaupo sa swing na masayang masaya

"Kapatid ko yan" sambit niya habang nakangiti
"Kaso, nabigo ako na alagaan siya, at kasalanan ko yun dahil naging mahina ako, pero hahanapin ko siya at sisiguruhin kong ligtas siya"

Tinapik ko nalamang ang kaniyang likod at inisip ang parehong iseya kung paano ko mahahanap ang pamilya ko kung saan ba sila nagtungo at paano ko sila mahahanap

Masakit man pero sana naman ay ligtas sila

Nagsilabasan ang mga doktor na naka PPE at pinilit na kami ay  Pumasok sa laboratoryo

"Teka,  hindi pa ako tapos kumain" reklamo pa ni jigs

Nakagat ko ang labi ko ng ako'y makaramdam ng antok dahil sa itinurok saakin ng isang doktor

"Iya" dinig kong sigaw ni ca habang ako'y bumabagsak sa sahig sanhi ng antok

"Kumuha ng dugo at isalin mo ito para makuha natin ang nga antibodies na kakailanganin natin, Isang litro"
Dinig ko sa mga doktor nanagsasalita

"Halimaw kayo!!!" sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala
Sinusubukan kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko na ito napigilan at nagdilim na ang aking paningin
----------------------

Naubo ako ng marahan at napahawak sa aking batok dahil sa naramdaman kong kirot inangat ko ang aking ulo at tinignan ang aking palad, dugo.... San galing ang dugo,

Lumingon ako sa aking pinagkakahigaan at hindi ito akin galing ito sa isang bata na may sugat sa ulo

Napabangon ako bigla a pinunit ang sidsid ng damit ko at binalot ko sa ulo niya upang hindi na ulit ito dumugo

Napa upo ako ng konti at pinagmasdan ang iba na  nakahiga sa sahig

Napatingin naman ako sa aking paa na nabaril noong isang araw at nagulat ako sa aking nakita, maliit na pasa nalang ang naroon

Napalingon ako sa mga nagbabantay samin at wala sila roon

Maski ang tiga sandok kanina'y nagmamadaling lumisan sa harapan ng lamesang may pagkain

Nakaririnig din ako ng mga kotseng humaharurot atmga barilna pumuputok

May 5-7 akong nakitang sundalong nababalisa katakbo

Sa isang Banda nama'y napansin kong may isang lolong ubo ng ubo na halos sumuka na ng dugo

Nilapitan ko siya't binigyan ng panyo, pagkatapos ay nginitian ko siya atbumalik sa pwesto ko

Ilang sandali lamang ay Bigla bigla nalang akong nakarinig ng napakalapit na putok ng baril at may pulotong ng sundalong nag linyada sa harap namin

"Humandaa" sigaw ng lider nito

Nagtaka naman ako't bat sila nakatutok ng baril sa pwerta ng Campo

Binaling ko ang aking tingin kina jigs na pinapatahan ang isang bata

Hindi pa ako nakakalingon sa mga sundalo'y nagputukan na ang mga baril at dinig na dinig ko ang bawat pag bagsak ng mga Shell neto

Tinakpan ko ang aking mga tenga't napayuko sa ingay

Nawala ako sa aking pag-iisip ng sunod-sunod na pumutok ang mga bayolenteng baril na sumisira sa aking utak

Halos nagdidilim na ang aking tingin ng makita ko ang tatang na kanina'y sumusuka ng dugo na nakatayo sa harap ko habang ako'y pinagmamasdan sadya itong nakaririndi at nakakatakot na tingin

Mga mata niya'y halos puti na't may mga Itim na bilog bilog sa paligid nito

"Jiggsss" sigaw ko upang ako'y kanilang marinig
Dahil nakatakip din ang kanilang mga tainga at dahil na din sa takot

Tumayo ako ng bahagya upang lumapit sa kanila ngunit
Dahil sa ingay ng putok ng mga baril ay ako'y nanghina sa sobrang sakit nito sa tainga na sobrang nakakabingi

Ngunit hindi pa ako nakakalapit sakanila'y

Sinugod ako ng matanda at yun ang dahilan kung bakit ako'y natumba

Agrisebo niya akong hinahampas ng kanyang kamay at nais na ako'y makagat

Inanagat ko ang kaniyang ulo upang hindi niya ako makagat at pilit na sumisigaw

Natapos ang putukan, at nadinig ko ang sarili ko na sumisigaw sa takot

Hinigit ni carl ang matanda at ito'y napa higa sa lupa

Tumayo ako at niyugyog ang alambre

"Pakiusap palabasin niyo kami may halimaw dito, may nainfect pakiusap lang kiyaaaaa"

Iyak ko sanila ngunit hindi bila ako pinansin

"Kuyaaaaa, Sir!!! "

"Miss, pwede ba wag kang maingay maymay ginagawa kami ngayon"

"Kuya palabis mo naman kami mauubos kami lahat dito sa loob"

Nagsisigawan na sila sa loob ... At nag hahabolan na para bang naglalaro sila ng doktor kwak kwak ...

Pinagmasdan ko sila ...at wala nang magawa na tila
Bang may lumilipad at naka droga ang isipan ko
Epekto ng takot

Lumingon ako ng bahagya para makita ang taong naka kuha ng atensyon ko na nais maka labas sa alambreng ito

Sadyang napaka gaan niya at siya'y nakalabaS ng walang kahirap hirap ... At halatang hindi alam ang kung saan pupunta dahil sa mga gwardyang nakapaligid

Inakma niyang damputin ang isang armalite rifle ngunit naunahan siya ng putok sa braso

"Balik sa loob" tangka ng kapitan ng pulotong
_________

Blood bankWhere stories live. Discover now