chapter 13

59 4 0
                                    

"Lahat kayo! pulutin ninyo ang mga bagay na maari nating magamit, at wag tatanga-tanga" sambit ng babae pagkatapos nila akong hilahin

nagsikilos naman  silang lahat habang ako'y naiwan sa sulok na iyun nag hiwa-hiwalay sila upang maghanap ng mapapakinabangan  habang ang iba nama'y nababalisa......

may naghaharang ng pinto, may namumulot ng gamit at may umiiyak

napaupo nalang ako dahil wala naman akong maitutulong ....wala na ding kwenta ang magpakampante sa ganitong sitwasyon.... at kung tutuosin maaring ito na din ang katapusan, maaring ilang oras o segundo'y masira ang pinto at matanggal ang harang... sa lakas ng kalabog ng pinto halatang maari itong masira agad sa dami ng mga nilalang na hindi ko batid kung ano isa lang ang alam ko

hindi na sila tao......  

sino ang may kagagawan nito?....

bakit sa'tin nangyayari 'to

"umurong ka... wag kang haharang harang sa daan, pinapabagal mo lang ang trabaho namin" nilingon ko kung sino ang nagsalita, yung  Ale na mataba, kinakarga ang isang malaking box ng surgical kit at halatang  inis ito 

"pasensya na po--"

"kung wala kamanlang maitutulong TUMABI KA!" singhal pa nito 

tatayo na sana ako ng biglang nagsuka ang isang babae sa gilid na kanina lang ay umiiyak, nabitawan nito ang hinahawakang bote at napahawak sa katabi... nanginginig siya habang sumusuka at parang nagiiba ang kulay ng suka niya

"ano'ng nangyayari?" tanong ni jigss habang papalapit sakanila

tumayo naman ako upang makita lalo ang nagyayari 

"pase--ghkk" sumuka ulit ng napakarami ang babae... ngayon nama'y kulay chokolate na malapot ang inilalabas sa bunganga niya....

habang lumalabas ang bawat liquido sa bibig niya'y siya namang paglabas ng ugat niya sa ulo, bawat ugat na lumalabas sakanya'y nagiging kulay itim at lomolobo pa ito.... 

nakikita ko din na halos namumuti na ito at hindi na masyadong makahinga, hindi na ito tama nagsisimula na siya

hinahagod ni jigss ang likod ng babae upang makasuka pa ito "ikuha ninyo ako ng malinis na towel dali" utos ni jigss habang inaalalayan yung babae na umupo

ngunit napapansin ko ... na parang namimilipit siya sa sakit at pawang pinipigilan niya lang ito upang hindi mahalata

"ah... jigss" hindi ako nagkakamali..... nagiging isa na siya sakanila

"tumabi kayo" 

napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako ng itinutok niya ang baril nahawak sa babaeng animo'y may sakit, walang pagdadalawang isip na binaril niya ang babae sa ulo...

tumalsik pa sa mukha ng mga tao ang dugo na mula sa binaril 

"walang ano man" pahabol nito bago ibinaba ang baril

----------------------------------------------------------------------

kasalukuyang naghahapunan ang iba habang pinaghahatian ang mga patatas na naiwan ng mga taga dito .... habang ako nama'y nakahiga't tulalang pinagmamasdan ang kisame ng pasilidad

"porke't  may eksperyensha ka nagsisiga sigaan kana dito ha?, malay mo baka may sakit lang si Ellah kanina't pinatay mo!"

"wala siyang sakit, tsaka tumahimik ka't baka makapasok dito ang mga yun"

napatingin nalang ako sa babaeng mataba kanina na nakatayo sa harap ng babaeng mahaba ang buhok na nakahiga't nakatalukbong ang mukha

kalmado lang kung magsalita ang babae... mukhang alam niya ang ginagawa niya

"osiya wala naman pala't pinatay mo siya?... tignan mo ngayon ang nanay't pamilya niya wala kang utak!"

nakita kong ngumiti siya't umupo 

"ikaw ang walang utak" pagkatapos ay tinignan niya ng seryoso ang babaeng mataba na kanina pa'y putak ng putak

"satingin mo ba'y may tao pa b'ang may ugat na itim?kung ako  sayo magpasalamat ka nalang dahil iniligtas ko ang buhay ninyo....inagapan ko lang ng maaga, Makinig kayo ...isang kagat sa kahit anong parte ng katawan mo mula sa mga Yun maari kanag maging katulad nila, bigyan niyo ng massive energy shock sa ulo upang hindi na ulit ito magfunction... sa madaling salita barilin niyo sa ulo" binigyan niya ng masamang tingin si Aleng taba at natulog na uli..



Blood bankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon