chapter 7

68 7 0
                                    

Chapter 7

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, isang matabang lalaki na medyo sira ang at madungis ang damit  hindi masyadong katangkaran pero maputi

"Salamat" tinanggap ko nalang ang kanyang inalok na pagkain, wala na akong magagawa kundi kainin ang kamoteng ito dahil ako'y gutom na gutom na

"Taga san ka pala? " Umupo si tabachoy sa tabi ko at pinagmasdan ang langit

"Taga laguna ako, napadaan lang ako para maghanap ng makakain, pero heto kinulong nila ako, ikaw?" sabay nguya ng kamote

"Taga Pasig kaming lahat dito sabi nila bibigyan nila kami ng pagkain araw-araw kung dito kami mananatili"

Nakapagtataka eh bakit nila dadalhin ang mga taong dito para pakainin lang, hindi kaya may iba silang balak Sakanila?

"Anong kondisyon ba ang sinabi nila?"

"Ewan, hindi pa naman nila sinimulan eh tatlong araw palang kami dito, sinabi din nilang proprotektahan nila kami laban dun sa mga baliw na tao"

Tinapon ko yung bahagi ng kamote na hindi na pwedeng kainin "talaga?, ....teka baliw na tao?"

"Oo yung kinakain ang kapwa nila tao, d alam mo yun?"

Kaya pala, madali nilang makukuha ang loob ng mga taong to para protektahan, pero sa paraan ng pagtrato nila sa mga tao dito parang may binabalak sila o kaya, may gagawin sila sa mga taong ito, at kabilang na'ko doon

"Ano yang nasa bag mo?" Saby turo niya sa shoulder bag ko

"Ah... Camera yan," sabay kong inilabas ang lumang camera na binigay saakin siya nilinis ng kaunti sa ibang bahagi nito

"Para san ba?"

"Photographer kasi ako"
'Wala akong pwedeng pagkatiwalaan ...baka isumbong pa ako ng tabachoy na to'

Ini angat ko ng kaunti ang camera upang makita ko kung asan pa ang parteng peede kong linisin

"Akin na toh" sabay hablot ng sundalong napadaan
Ngunit bumangga ang camera sa may alambre at nahulog sa kabila sa labas ng kulungag alambre

Nagulat naman ako sa ginawa niya at pinipilit kong kunin ang camera sa kabila ngunit hindi ko ito maabot
Napatingala ako ng ito'y pulutin niya at pinasok sa isang cellophane an isinabit sa may rehas

"Akala mo miss ah makukunan mo kami"

Nakaramdam ako ng inis at pilit na sinisira ang kulungang alambre  niyuyugyog ko ito ng marahas upang matumba ito

Napatigil naman ang sundalong iyon ay sinabing
"Itigil mo yan miss kung ayaw mong masaktan"

Dahil nadin sa galit ay napa sigaw ako... Hindj ako tumigil sa pagyogyug nito at mas nilakasan ko pa

*Bang*

"Arghhhhhhhh" napaupo ako at hingal na hingal sa sakit na aking nararamdaman

"Sabi ko na sayo eh, itigil mo yan kung ayaw mong masaktann kasalanan mo yan at nabaril ka sa paa" tsaka siya Umalis

"Carl?... Carl akin na yung bandida mo "
Napatakbo naman palapit sakin si tabachoy at dahan-dahan niya akong inangat

"Oh eto jigss oh" abot naman ni carl sa bandida niya kay tabachoy

Napasinghal ako sa sakit ng tinali niya ang bandida sa king paa para hindi na ito dumugo

"Kailangan nating makuha yung bala sa loob kahit 2 gunting lang at hairclip sino mayroon?" Nababalisa na sila  na tila mahalaga ang aking buhay kahit isa lamang akong istranghero

"Heto" sabay sabay silang nagbigay ng gamit kay tabachoy habang ako'y namimilipit sa sakit

"Huminga ka ng malalim ok?" Sabi niya sakin at ako'y tumango na lamang

"Aaaaaarrrrghhhhh" napaiyak na lamang  ako ng pilit niyang kinuha mismo sa laman ko ang bala na tumama sa akin at piniga ang aking paa para wala nang dugo pa ang papatak gamit ang bandida

"Magiging okay kana" inupo ako ni carl at isinandal sa pader ng dahan dahan para mabawasan ang sakit na aking nararamdaman

Tinapik ko ang likod ni vvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvv tsala sinabing
"Salamat"

"Ayan hindi ka sana nagkaganyan kung sinunod mo yung sundalo eh"

Hindi ba siya nagtataka kung ba't nila ako binaril, ang totoong sundalong naglilingkod sa bayan ay hindi kailanman mananakit ng sariling kababayan

"Hindi ka ba nagtataka kung ba't niya ako pinaputukan?"

"Hindi na," buntong hininga niya

"Ha?... Anong ibig mong sabihin?"

"Martial law" tipid niyang sagot

"Ahh..."

Napasandal ulit ako sa pader at pinikit ang aking mga mata

Kung ganun .... Wala na palang silbi yung camera ...

Blood bankWo Geschichten leben. Entdecke jetzt