Chapter 11.5
Habang pinagmamasdan ko ang bangkay ng matanda na nakahandusay nalamang sa lupa
Sadyang napakabilis pansin kong hindi masyadong nagdudugo ang kanyang sugat ....Ma itim ang labi ....
Namumuting balat ..
At matang parang may katarata
Maduduwal ka nalamang sa itsura niya
Mabaho din ito
Lumingon ako sa babaeng iyun na may mahabang buhok at naisip na magpasalamat
*Bzzp*
"Iya zarswelo"Nagulat ako sa narinig ko ....
Si Dr. Fuentes....
*Bbbbbpppppp*
Pagkatapos kong marinig ang aking pangalan ay biglang naputol ang linya ng megaphone na nakasabit sa poste ...
Lumapit ako kay jigs nang biglang may sumabog
*Bang!!"
........
Halos nawala nanaman ako sa sarili ...
Sinampal sampal ko ang mukha ko at tumayo
Nagegewang gewang akong lumalapit patungo sa nasirang kulungan ...
Sa sobrang lakas neto ...
Halos wala nang natira sa harang sa pwerta ng kampo ...Nagsi sakayan naman ang ibang sundalo at nagsitakbuhan naman ang iba ...
Maubo ubo kong ginising sila carl at ang iba pa
"Jigss .... Jigss ... "
"Ate.... Aleee"
Habang ginigising ko sila'y may narnig akong bumagsak
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog na iyun doon sa wasak na harang
Dahil sa alikabok at usok mula sa pagsabog ... Ay hindi ko maaninag kung sino ba iyun ...
Nagulat ako ng tumayo ulit ito bigla
At naglakad ng dahan dahan ...
Sa ilang sandali ay may iba pa akong naaninag na naglalakad papalapit saamin ...
Halos konti lang ang distansya ng pwesto nila papunta saamin...
"Hali na kayo pumasok tayo dito!!!"
Sigaw ng babaeng mahaba ang buhok at binuksan ang pintuan ng laboratoryo ...
"Bilisan niyu nariyan na sila!!!" Sigaw pa ulit nito
Pinulot niya ang nasa tabi niyang baril na M2K-24 at pinaputukan ang mga humahabol saamin, hindi ko napansi't napakagaling niya pala doon na halos kayang kaya niyang buhatin ang isang mabigat na baril habang kami ay isa isang pumapasok sa loob ng pasilidad ...
Lumingon ako ng sandali para makita ang mga pangyayari ...
Pagkabaril at pagkabaril niya sa mga ito ay pawang wala lamang silbi ito sakanila ...
Tumatagilid ng bahagya at lalakad nang muli ... Palapit saamin ...
Dahan dahan itong naglalakad habang naglalaway
Kitang-kita ko ang malaswa nitong mukha ....
Nabubulok na bangkay na halos may dugo pa ...Hati ang mukha ..
Puno ng dugo sa katawan
Habang patagal ng patagal ...dumarami sila
Hindi ko nalang namalayan na hinugot na nila ako sa loob at diritsong sinarahan ang pinto
"Lagyan niyu ng harang pintuan ... Ligtas tayo dito ... sangayon"
Sambit niya't naupo sa gilid(This is yuri y'all)
![](https://img.wattpad.com/cover/241779634-288-k627678.jpg)