Chapter 17

55 6 1
                                    

"Shittt!! Shittt shiittt!!!"

Balisang balisa na nagda-drive si jiggs at halatang kabado siya't napapraning, natatakot siyang magkamali dahil kahit anong oras lamang ngayon ay pwedeng mahabol ng mala higante na iyun

Napaka misteryoso naman dahil, hindi ko alam na mayroon palang ganitong klase ng halimaw na pwedeng mabuhay sa mundo, at ang henerasyon pang ito ang unang naka eksperyensya ng ganitong pangyayari

Kahit impossible man ay, ang mga sindikato ang responsable dito, kung hindi man, ang gobyerno

[/*Zzzzrrrttt: tunog ng biglang pagliko ng sasakyan

Napasandal kaming nasa loob ng truck dahil sa paiba ibang maneuver ng sasakyan

Nakita kong na-suka ang isa sa amin dahil sa hilo, kaya't napaupo din pagkatapos

Isinandal ko ang aking likod at humawak sa may butas upang hindi matumba

Didiretso at biglang magpepreno ang sasakyan hindi ko matiis ang pag-alog ng paligid

Ang mga yabag na aking naririnig ay sadyang nakapangingilabot, na pawang isang pagkalaki-laking mamá ang nagmamay-ari nito

Nais kong makita ang wangis nitong halimaw, nai-ingganyo akong makita ito,

[/Bloogsh: tunog ng mga nabunggong mga bote

Para kaming binabayo sa loob at halos hindi ako makahinga, naghahalo halo na din aking mga emosyon

Hindi mapigilan ng mga kasamahan ko ang matakot at sumigaw

Siguro nga'y tama yung matabang ale sa doon sa sinabi niya noong nasa loob pa kami ng pasilidad

Mauubos kami sa labas dahil sa mga gutom na nilalang na ito

Ngunit kung tutuusin ay... mali din siya

Baka doon palang ay pinasok na kami ng higanteng ito at isa isang chinibug

"Taba... Baka may i-bibilis pa iyan"

Pagrereklamo ni Gwen na halatang nag-aalala na, siguro'y masyado ng malapit ang distansya ng nilalang na iyun sa kinalalagyan namin kaya't hindi na mapakali si Gwen

"E-Eto na nga..." Sagot ni jigs

Itinulak ko ng bahagya ang aking sarili dahil masyado na akong malapit sa pinto ng truck

Sinilip ko ang maliit na butas malapit dito at nagmasid muna sandali, hindi ko inalintana ang paggalaw ng paligid na halos ika-tumba ko

Nanatili akong nakasilip kahit madilim ang paligid at tinitigan ang lugar na na-dadaanan namin

Ngunit wala akong nakitang humahabol saamin

Ilang segundo din ang lumipas noong biglang tumigil na ang mga yabag, pansin ko din ang pagiging tahimik ng mga nasa harap

Nakapagtataka... Kanina lamang ay dinig ko ang mala-higanteng yabag na humahabol samin

'Anong nangyayari?'

Lumingon ako sa taas upang i-check si Gwen kung ayos lang ba siya roon Ngunit biglang nagpreno ang sasakyan na ikinatumba namin sa loob

Seryoso kaming nagkatitigan ng mga kasamahan ko at nagsenyas ng 'wag magiingay'

Dahan-dahan pa akong lumapit roon at sumilip sa sliding window ng isa pang beses

Laking gulat ko nang makita ko ang isang napaka tabang tao na nakatayo sa harap ng sasakyan, masidhi itong nakatitig at hindi manlang gumagalaw

Sa laki ng katawan ay aakalain mong isa itong sumo wrestler, ngunit ang nakikita ko lamang ngayon ay isang baboy na may hawak na kaldero

Naka Polo din ito at puno ng dugo mula bibig hanggang leeg, may mapuputi at nangingisay na mga mata din ito

Blood bankDonde viven las historias. Descúbrelo ahora