chapter 6

68 7 0
                                    

Chapter 6

Nagising nalamang ako na nasa pangpang na nakita ko ding walang mga tao sa paligid tumayo ako at umakyat pataas ng kalsad upang makita ang mga tao

Linapitan ko ang isang bahay kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot

Napalingon ako sa taas at may naka sampay na damit
At naisipang magpalit ng damit

May naapakan akong bagay na malambot kaya iniwas ko agad ang aking paa roon, isa lang pala itong bag, kulay itim na shouder bag n hindi masyadong kahabaan ang saklay

Pinulot ko ito at doon ko ipinasok ang ang camera at nag lakad patungo sa kawalan

Napansin ko ang amoy ng paligid, masangsang na parang nabubulok, napahawak ako sa aking ulo at napahawak sa pader ng bahay malapit saakin at doon ako duwal

Bangkay, maraming bangkay hindi ko matanto kung ano nga ba ang mga nangyayari sa mundo, malapit na ba itong magunaw? Sadyang napakabilis naman neto, at nahabol na ang sangkatauhan at wala manlang nakapigil, sang-ayon lamg sila sa ganito para sa pera at kagustuhan,

Napaluha nanaman ulit ako at nanatili sa aking kinatatayuan habang tinatanaw ang mga taong natalo sa laban ng buhay

kumakalam na ang aking sikmura at hindi pa ulit ako nakaka kain, binuksan ko ang kada-pitlntuan ng kada bahay at wala akong nakitang pagkain marahil baka may nauna nang mag hanapa ng pagkain dito ...

Pero ipinagtatataka ko lang ay kahit ni isang PIoV na nakatayo ay wala akong nakikita, nasaan kaya sila?

Pero kahit wala akong nakikitang isa kailangan ko pading mag-ingat at madala ang ebedinsyang makakapag pakulong sa mga taong inabuso ang buhay ng tao at pera lang ang habol

Napaisip ako kung ano nga bng klaseng pang aabuso ba ang ginawa nila, kaya aking binuksan ang camera at tingnan nag files nito, ang tanging laman lang ay mga video ng pag experimento, nagplay ako ng isang video at kitang kita ko ang pag sigaw ng isang lalaki marahil isa siyang test subject na napagdiskitahang  turukan ng serum o ang mismong virus sa kanyang katawan at tignan ang pwedeng maging resulta

Ibinaba ko ang camera, tsaka ko isinilid ulit sa bag

sapat na ang aking nakita sa karahasan na ginawa nila , isa silang ospital na gumagamot ng may sakit, at wala silang pake sa buhay ng ibang tao kundi pera lang , natatawa ako

Nilisan ko ang lugar na aking kinatayuan at patuloy na naglakad para mag hanap ng pagkain halos puro patay na tao lang ang nahahanap ko , kung hindi nabiktima ng canibalismo ay butas-butas ang katawan dulot ng bala at pamamaril ang mga sanhi ng pagkamatay nila

Napadaan ako sa isang grocery store ngunit wala na itong ni isang laman

Napa upo nalang ako sa sidrwalk at iniyoko ang aking ulo

:Gutom na ako' 

May narinig akong tunog ng motor na nagpabangon saakin mula sa pagkakaupo

Nasilayan ko ang isang rayder na may Dalang pagkain,

"Kuyaaa!! Tulong" kumaway ako para makita niya ako at maka hingi kahit konti lamang na pagkain

Ngunit mabilis ata ang takbo niya, habang papalapit siya papabilis naman ang kanyang pagtakbo na aking ikinabahala

"A.. anong"

Babanggain ata ako ng taong ito

Tumalon ako papunta sa mga damuhan para hindi niya ko mabangga ,at nakita siyang dumeritso sa pagandar

Naisipan kong sumunod sa patutunguhan niya...
Marahil baka may mga kasama a siya doon at may pagkain pa , baka mabilis lang ang kaniyang takbo ay baka may humahabol sakanya hinsi naman niya ata kasalanan na banggain ako

Napalingon ako at may nakita akong isang kotseng nakaparada

Bukas ito at walang bangkay na saloob

Dali-dali akong pumasok sa loob at pinaandar ito tsaka ko sinundan ang rayder patungo sa patutunguhan niya

Napatingala ako at aking nakita ang mga naguusok na building at sira-sirang bahay, Billboard at mga tindahan

Basag ang mga salamin at May nasusunog ding mga kotse

Napahinto ako bigla ng may nakita akong mga sundalo sa paligid,

May mga baril silang hawak at naka mask at googles sila naka gloves din at nakahelmet

"Miss bumaba ka sa kotse, ngayon na"

Nagulat naman ako ng tutukan nila ako ng baril

"Opo, opo hindi po ako infected wala po akong sugat at galos dadaan lang po sana ako upang maghanap ng pagkain" sambit ko habang bumababa mula sa sasakyan at naka taas kamay

"May kasama ka ba?, San ka galing?" Tanong ulit ng isang sundalo saakin na siyang nakatayo sa harap

"Wala, wala ho magisa lang ho ako, galing lang po ako ng pasig para maghanap ng pagkain"

Napasilip ang isang sundalo saakin mula sa pagtotok ng baril

"Ano yang nasa loob ng bag mo" taning pa neto

Kinabahan ako at baka hindi sila mapagkakatiwalaan,

Naka-amoy nanaman ako ng masangsang na amoy at, halos preskong dugo ito ngayon ...

Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang motor ng rayder kanina

Maraming bakas na dugo at mismong bangkay niya

Napalingon ulit ako sa mga sundalo at nakatutok parin saakin ang kanilang mga baril

Tama nga ako hindi ko sila mapagkakatiwalaan baka barilin din nila ako sa kadahilanang maari akong isang takas sa preso, o kung ano man na makakagpatunay saakin na maari nila akong patayin

"Isa tong camera, photographer po ako "
Hindi ako pwedengmamatay at mahuli ngayon ... Ng dahil sa camera na 'to ....mas mabuti na munang magsinungaling ako kesa mawalan ng buhay sangayon

Tumango ang commander nila dun sa isang sundalo upang lumapit sakin at tignan kung totoo ba ang aking mga sinasabi

"Sir" nag thumbs up ito sa commander niya't hinawakan ako sa batok na pawang ako'y kaniyang tinutulak

"Sir, san po tayo pupunta" tanong ko sakanya, wala akong ka alam-alam kung saan nila ako dadalhin

Ipinasok ako sa kanilang sasakyan at dumiretso kami sa isang campo

Napapalibutan ito ng alambre at maraming tent na Naka tayo rito

Ay mga tao akong nakikita na nasa loob ng alambre na parang isang kulungan

Nang kami ay nakararating ako'y kanilang Ibinaba at tinulak sa loob nito

Hindi ito makatarungan, tama bang itulak lang nila ako na para ba akong isang hayop

"Sir!!, Sirr..... Palabasin niyo ako manlalakbay lang po ako hindi ako taga dito naghahanap lang po ako ng pagkain SIR!!" tawag ko sa mga sundalo ... Ngunit walang lumingon ni isa sa kanila

"TANGINAAAAA!!" Tinadyakan ko ang alambreng kulungan  at umupo sa gilid

Napatingin naman saakin ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng tahimik na parang nainis ito saking ginawa, tsaka niya inalis ang kaniyang tingin

Pinagmasdan ko nalang ang mga taong gaya ko ay nasa loob din

Madudungis sila, May bata , may matanda may sanggol pa nga

Sa sobrang gutom ko kumalab nanaman ang aking sikmura

Hindi ko napansing may nag abot saakin ng kapiraso ng kamote at sinabing

"Sayo nalang"

Blood bankWo Geschichten leben. Entdecke jetzt