"gising! jiggs gising!" sigaw ko sakanya habang nanginginig ang aking mga kamay
"b-bakit?" napa bangon naman siyang bigla sa pag yugyog ko sakanya
"gumising na kayo't papunta na sila!" singhal ko at hindi na mapakali
habang patagal ng patagal naririnig ko ang papalapit at papalit na mga tawa, nangingilabot ako sa takot dahil alam kong kami na ang kasunod na gagawing pagkain ng mga demonyong ito, mas nakakatakot pa sila sa gutom dahil armado't papasukin ka sakanilang campo nang walang ka alam alam na ulam kana bukas
"buksan niyo na 'to, oras na" dinig 'kong sambit ng mga tao sa labas
nariyan na sila...
"Hindi! hindi! hindiii pwede!" halos magwala ako sa loob at hindi matanggap ang ganito, dapat sana ay sinunod ko nalang ang pakiramdam ko, hindi sana sa ganito hahantong ang katapusan ko
Naglalakad sa katawan ko ang kilabot
Hindi ko nais ang ganitong pakiramdam
Nababaliw na ako"labas na isa-isa lang"
pagkatapos ay hinila ang isa sa amin at pinaliguan ng kulay pulang pulbos pagkatapos ay itinulak sa papalayo
"na enjoy niyo ba ang sabaw kagabi?" sabay tawa nung isa sa mga naghatid ng mangkok saamin kagabi
"A-anong nangyayari Iya?" walang kamalay-malay na sabi ni jiggs
habang nakatitig si Gwen sakin
napa luha ako't nanghihina
"I-iya?" sabay hinigit si jiggs papalabas ng kulungan
"h-hindiii!! waggg waggg" sigaw ko at nag mamaka-awa sakanila
"doon yan sa taas" sabay turo sakin
"s-san niyo sila dadalhin?, saan?"sigaw ko mula sa pinakailalim ng baga ko
Gustong gusto kong makawala sa pagkakahawak sa akin at pilit na nagpupumiglas
Pakiramdam ko'y wala akong lakas dahil sa emotion na aking nararamdaman
Takot, kaba, at kawalang pag asa...
Iba to sa mga takot na aking naranasan, ibang-iba
Siguradong kamatayan 'to
Sa kamay ng mga baliw na mga lalaking ito
Una doon ay ang pag pakain sa amin ng sabaw na hindi namin alam na tao pala ang karne iyun
At ngayon...
Sa tingin ko ay sa palaro sila dadalhin, na yung buhay mismo ang nakataya
Para din silang mga gutom pero sila yung bersyon na may pag iisip, ngunit wala sa katinuan
habang papalayo ako sa dati naming kinaroroonan mas lalong hindi ako mapakali sa maaring mangyari, si Gwen... si Jiggs... at ang iba pa
hindi ko matatanggap to, halos sunod sunod ang mga hindi mabuting pangyayari ang aking napagdaanan hinding hindi pwedeng dito nalamang ito magtapos
dapat ay buhay kaming lahat na lumabas dito
ang akala ko ay tutulungan kami ng mga lalaking ito, iyun pala ay paglalaruan kami ng mga ito
dapat pala'y sinunod ko ang aking kutob, mga wala silang puso...
"sabay sabay nating kilalanin ang mga bagong kalahok! mula sa kabilang distrito at kadadating lamang kahapon!" sabay hiyawan ng mga manonood
walang pinagkaiba sa mga lalaking tumulong saamin sa labas, madudungis at mukhang mga wala sa sarili
pansin ko din na may hawak ang isa sa kanila na mga pagkain at gamot, at kung hindi ako nagkakamali ay ipinagbabawal na gamot ang nasa mahabang mesa at may tatlong malalaking paraphernalia
'sa tingin ko'y iyun ang kanilang premyo sa mga mananalo sa pustahan, tsk'
[*/ honk
tunog ng pagsisimula ng laro
"maganda ang pwesto dito, makikita mo ng klaro ang kamatayan ng mga kasama mo hihihihi sigurado akong panalo ako ngayon hihihi" napangingilabot na kanyang masidhing tawa sabay niya ipinuwesto sa taas at kita ang buong palaruan
nakatayo sila't may mga iba pang kasama roon at halos mangiyak ngiyak na humaharap paharap sa isang gate na hindi kalayuan sa kanila
paano na nga ba ito?, hindi kayang panoorin ang mga susunod na mga mangyayari,
"ipuwesto na ninyo ang inyong pusta, at maya maya tayo'y mag sasaya!"
nagsihiyawan ulit ang mga tao
nnagkatinginan kami Gwen mata sa mata, hindi ko mabasa kung ano nga ba ang nasa isip niya dahil sa wala siyang emosyong nakatitig saakin
pakiramdam ko'y galit siya sa dahilk hindi ko manlang nasabi sakanya ang aking mga hinala't kutob, naging duwag ako
hindi ko ring inaasahang magiging ganito kalamig ang kaniyang titig saakin
"Gwen..." bulong ko
wala akong magawa kundi tumitig nalamang sakanya
nagulat ako dahil bigla siyang tumalikod sakin at pinulot ang bakal na malapit sakanya't ibinigay kay jiggs
napansin kong may itinuturo siya't may pinag uusapan silang dalawa't tumango si jiggs
saka lumingon ulit saakin si Gwen ng walang kasing lamig
kasalanan ko to...
ilang minuto lang din ay biglang bumukas ang napaka gate sa loob ng palaruan, malalim ito't mukhang butas na kanilang hinukay para sa kamatayan ng mga papasok rito
sa itaas nito naman ay may mga balakid na alambre na lagpas halos tatlong tao, at mga taong nanonood sa labas nito
habang dahan dahang bumubukas pataas ang gate ay siya namang takbuhan ng mga tao sa loob at nagsisisigaw
na wari ba'y may halimaw roon
ngunit si Gwen lamang ay mag- isang halos hindi gumalaw sa kinaroronan habang hawak hawakang piraso ng metal sa kanyang kanang kamay
mula sa mala concert na ingay ay bigla nalamang silang nanahimik nang marinig ang ungol
"ayoko na!" sigaw ng isang lalaking mula sa loob at umakyat pataas ng alambre, nagtatangkang makatakas sa pamamagitan ng pag akyat patungo sa kabilang dulo
ngunit ilang segundo lamang ay bigla kumislap ito't bigla siyang tumilapon papalayo
may kuryenteng dumadaloy rito sapat para pumatay ng tao...
![](https://img.wattpad.com/cover/241779634-288-k627678.jpg)