chapter 5

72 7 0
                                    

Chapter 5

'Nadidinig ko, nadidinig ko ang kanilang pinaguusapan naiintindihan ko.... naiintindihan ko ang kanilang mga sinasabi'

Iminulat ko ang aking mga mata at pawang umiikot ang aking paligid , nakikita kong nag uusap sa likod ng salamin ang mga sayantipikong nag aaral sa aking dugo halos para na akong bingi at bulag na mahihirapang makakita at makadinig

"Dispatyahin na lahat ng test subjects, lalo na yung mga naka recover sa virus, na-clone na ang antibodies na kakailanganin natin sa paggawa ng gamot sigurado akong tri-triplihin ng gobyerno ang bayad satin HAHAHA kaya wag niyong hahayaan na may mabuhay at may makaalam sa saatin"

Pilit kong binubuka ang aking bibig upang makapagsalita at sigawan sila na gusto kong maka alis at maka uwi manlang ngunit walang tinig amg lumalabas tanging singhal at iyak ko lamang ang tanging aking naririnig
Ayoko sa ganito ayokong hanggang dito lang ako hahantong

Nang imulat ko ulit ang aking mga mata'y biglang bumukas ang salaming pinto at isinakay ako sa wheelchair, naging blanko ang aking isipa't walang ibang nais kundi  makalisan sa kinalalagyan,

"Psst"

Nadinig ko ang isang sitsit na d ko alam kung san at kanino nanggaling,

Hindi ko napansin na may nakatipad na saakin na lalaking Naka wheelchair na gaya ko

"Ano ang bloodtype mo?"

Tanong saakin ng lalaking nasa kanang bahagi, na hindi naman gaano katanda ngunit matangkad at makisig ito

"AB negative"
Sagot kong wala manlang emosyon

"Sakin O negative, rare yang sayo ahh,"

Inihinto muna kami saglit ng mga doktor na nagtutulak sa wheelchair namin sa isang counter ng hospital upang mag report,
Napansin ko namang napatingin tingin ang aking katabi na pawang sinisiguradong walang makakakitang nag-uusap kami

"Makinig ka bata, may butas ang pader sa likod ng dome na 'to maliit yun kaya sigurado akong kakasiya ka dun, dun ka dumaan para tumakas wag n wag kang lilingon at hihinto sa pagtakbo, sa labs nun may ilog patungong pasig  pero wag kang magalala may maliit na bangka dun gamitin mo yun para maka alis naiintindihan mo ba ako?"

Napaisip na lamang ako at ba't ako pa ang napili niyang patakasin sa mala impyernong lugar na ito, kung maaring pwede naman siya ang tumakas

"Bakit ako?, At sino  ka ha?"

"Maliit lamang ang nagawa kong butas at sigurado akong hindi ako kakasya doon ako mismo ang naghukay nun noong pinayagan kaming lumabas ng dome at tumambay sa labas, sundin mo ang mga sinabi ko dahil dadalhin tayo sa isang kwarto upang kunin ang mga utak natin at ito naman ang kanilang pag-aaralan  ,"

Nalito na ako sa mga sinasabi niya, marahil ay dahil na din ito sa takot at hindi ko na din naiintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanya

"H..ha?"

"Pagkalabas mo dito sabihin mo to sa gobyerno o kaya sa kaninong maniniwala sayo dalhin mo to"

Binigay niya saakin ang isang camera na mukha nang luma at malapit nang masira

"Pag hindi ako makalabas dito ikaw na ang magbigay, isa akong sundalo na natamaan ng virus at dito ako ipinadala ng kaibigan ko pero May nalaman ako na ang pabuya pala ang habol nila sa gobyerno at walang pake sa buhay ng tao, nag bigay ng kautusan ang kongreso na wag mananakit o magdadamay sa paggawa ng gamot o panlunas ng sakit, pero etong ginagawa nila ay napasobra na , pakiusap gawin mo ang sinasabi ko"

Napalingon ako sa aking likuran ng naramdaman kong papalapit na ang mga doktor kaya mabilis kong tinago ang camera sa aking likuran at tumango sa aking katabi

"Pagbilang ko ng 3 tumakbo kana dumirtso ka at kumanan may exit dun"

Bulong niya ng marahan

Habang palapit ang mga yabag ng paa at siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba at takot sa maari kong kahantugan kung ako'y sumablay sa pagtakas

"Isa"

Pinikit ko ang aking mga mata at sinusubukang kumalma

"Dalawa" napahawak ako sa camera at hawakan ng wheelchair

"TATLO"

Tumakbo ako ng mabilis at hindi na lumingon pa

"Hoyy, san ka pupunta!"
"Pindutin mo ang emergency Button"

Ayoko nang lumingon pa at lumiko na ako papuntang exit tumambad naman saakin ang mga pasyenteng  nasa labas may itinuturo silang bahagi na aking napagtanto kung ano ,

Dali-dali akong tumakbo paroon at tinanggal ang batong nakaharaang doon tsaka pumasok sa butas
Ng biglang narinig ako ng mga putok ng baril at hindi ko mapigilang lumingon doon
Nakikita kong pilit nilang hinaharang ang mga bantay para maka lapit sa butas kung saan ako naroroon, napaluha nalang ako at walang magawa kundi ang tumakas

Sumakay ako sa bangka at binilasan ang pagsagwan nito
At pilit ding nagbibingi-bingihan sa naririnig na mga putok at sigawan sa lugar na yun

Blood bankWhere stories live. Discover now