Taho

360 9 0
                                    

*decided to publish this here*
*short au*

---
Antonio

"'Tay Raul!"

"Antonio! Aba ang tangkad tangkad mo na ah!" Nakangiting salubong ni tatay Raul sa akin.

"Namiss ko kayo, 'tay!"

"Talaga ba? Baka yung libreng taho yung namiss mo?" Natatawang sagot nito.

"Yun din po!" Sabay kaming tumawa bago tuluyang naupo sa mahabang kawayan na upuan.

"'Tay nga pala! Andito ako ngayon para makapag day off ka!" Masayang simula ko sa totoong balak ko ngayon.

"Anong day off? Walang day off day off sa trabaho ko, ikaw talagang bata ka!"

Tumawa lang ako sa kanya at lumapit na sa nakahandang taho.

"Dahil ako ang magbebenta ngayon!"

"Huh?! Hindi pwede! Pagagalitan ako ng 'nay Myrna mo!" Agap niya agad.

"Hindi yan 'tay! Dito lang naman sa mga kapitbahay at sa mga kalapit na street 'tay. Para makapagpahinga din kayo!"

Wala namang problema dahil tinuruan naman niya ako noon kung papaano. Lagi din kasi akong sumusunod sa kanya noong bata ako. Di rin naman nagtagal napapayag ko siya kahit may konting pagtutol pa rin sakanyang mukha. Gusto pa ngang samahan ako pero sabi ko dito na lang siya.

"Oo nga pala, wag mong kalimutang daanan yung malaking bahay sa kabilang street ah! Suki iyon, si miss ganda." Habol niya nang papaalis na ako.

"Maganda talaga tay?" Hirit ko pa.

"Oo! Naku siguradong di mo yun lulubayan mamaya ng tingin." Nakatawang sagot niya.

Tumawa lang din ako at kumaway sa kanya.

"Tahoooo!" Sigaw ko nang nakangiti.

I don't know but I enjoy doing this. Since bata ako tuwang tuwa ako pag naririnig ko si 'tay Raul na sumisigaw ng taho. Habang naglalakad at nasigaw ng taho, may mga nakakakilala pa pala sa akin. Kaya naman kada may nadadaanan akong kakilala binebentahan ko muna sila bago kinakamusta.

Nasa kabilang street na ako nang maalala ko yung bilin ni 'tay Raul. Tiningala ko ang pagkalaki laking bahay at saktong may magandang dilag na lumabas mula sa gate. Wow. Totoo nga yung sinabi ni 'tay Raul, ang ganda nga.

Lalapit na sana ako sa kanya para bentahan siya ngunit inirapan ako. Aba, masungit!

"'Di ka bibili, miss?" Maingat kong tanong habang papalapit sakanya.

She looked at me from head to toe na ikinataas ng kilay ko.

"No. I'm waiting for a different taho vendor." Grabe ang ganda ganda ang sungit sungit naman.

Mukha pa namang prinsesa sa suot niya. Bibili lang ng taho nakadress na.

"Kung si 'tay Raul ang hinihintay mo, sorry ka wala siya ngayon kasi ako ang naatasang magtinda." Parinig ko at akmang aalis na.

"Wait! You know mang Raul?" Hinila niya yung damit ko gamit yung dalawa niyang daliri. Nakataas pa yung pinky finger niya.

Tinitigan ko muna yung daliri niya bago siya tinignan.

"S-sorry." Mabilis niyang tinanggal yung pagkakahila niya at tumayo ng maayos.

"So kilala mo si mang Raul?" Ulit niya.

"Yup! Sa kanya ito, substi lang ako! So bibili ka na?" Ngumiti ako sa kanya para di siya lalong magsungit.

She cleared her throat before answering, "okay."

Shots of Love (DonKiss)Where stories live. Discover now