CRAVINGS

881 39 15
                                    

Donny

"Love, gusto ko ng adobo." Kisses cutely asked me while clinging onto my neck.

"Yun lang Love? Oh sige maluluto ako now na!" Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakayakap sa bewang niya.

"Talaga Love?! Thank you Love!" Nanlalaki yung mata niya sa saya. She even kissed me thrice on my lips. Oh how I love my adorable pregnant wife.

"Anything for my Love." And I kissed her forehead.

We're hugging each other nang bigla siyang lumayo at pinakatitigan ako habang nakalabi.

"But Love, gusto ko pala ng adobo pero ayaw ko yung kulay ng toyo. Gusto ko ng clear Love."

Huh?! Paanong clear?!

"Ah s-sige Love, gawan ko ng paraan ah" nakangiwi kong sagot sa kanya.

"Yey! Thank you my Love!" At niyakap na niya ulit ako.

NASA kwarto ngayon si Kisses at andito naman ako sa kusina nag-iisip kung anong gagawin ko sa adobo para maging clear.

Ah! I knew it! Magluluto na lang ako ng adobong puti! Sana magustuhan niya 🙏.

"LOVE! Ready na ang dinner!" Tawag ko sa kanya pagkatapos kong mahanda yung niluto ko.

Excited at masayang mukha ang binungad niya sa akin pagdating sa kusina.

"I hope you'll like it Love. Kain na tayo?"

"Okay!" Ngiting ngiti niyang tugon.

Excited niyang inangat yung takip at nang mabungaran bigla siya sumimangot.

"Love..." Nakalabi siya at tiningala ako.

"Love, what's wrong? You don't like it? Magluluto na lang ako ng iba."

"L-love" Her voice cracked and her eyes started to tear up.

Nataranta naman ako nung paiyak na siya. Agad ko siyang niyakap at pinakalma.

"Sshh Love.. Sorry, magluluto na lang ako ng iba."

"Love, h-hindi siya amoy toyo! L-love ayoko niyan! Kakain na lang ako ng mangga! Love!" Nakabaon yung mukha niya dibdib ko at patuloy siyang umiyak. Humihikbi-hikbi pa siya kaya mas lalo ko siyang inalo.

"Tahan na Love. Sorry kung di siya amoy toyo. Pagbabalat na lang kita ng mangga."

Kumalas siya sa yakap habang sumisinghot singhot pa at parang batang umupo.

"Love kunin mo na yung mangga ko. Pagbalat mo na ako."

I am honestly hesitating to do it kasi for sure uulamin na naman niya yun. Buti sana kung hinog pero hindi eh! Hilaw yun, hilaw! Tapos isasawsaw pa niya sa condense milk para daw tumamis. Sabi ko nga sa kanya bat di na lang yung hinog para matamis pero sinungitan lang ako at di pinansin ng ilang oras.

Napapakamot na lang akong kinuha yung mangga. Binalatan ito at inislice sa paraang gusto niya. Gusto niya pareparehas yung laki. Nung unang ni request niya ito kulang na lang gumamit ako ng ruler.

"Ito na po Love. Pare parehas po yan." Nakangiti kong nilahad sa kanya yung mangga.

"Love! Ayaw ko na ng pare parehas! Ang boring! Gusto naman yung magkakaiba."

Halos manlaki yung mata ko sa sinabi niya. Kamuntik na akong magreklamo kasi pinaghirapan ko yun i-slice ng pare parehas tapos ayaw niya na pala ng ganun. Buti na lang mahal na mahal kita, Love.

"A-ah ganun ba? Oh sige Love papalitan ko hehe."

Nagrequest pa ulit siya na sana by shape daw. Yung may heart, star, square, etc. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya or talagang naglilihi lang. Kung ano man doon ang totoo, enjoyin ko lang ito. Ngayon lang kasi talaga siya naging sobrang dependent sa akin. Ngayon lang siya naging super clingy na sobrang naeenjoy ko everytime😉.

Shots of Love (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon