Vlog #5

842 28 4
                                    

Kisses

"This is Kisses taking over Donny's vlog!" Sabay ngiti ko sa camera.

Si Donny naman nasa likod ko at nakayakap sa akin habang nakapatong ang baba sa balikat ko.

"Since the real vlogger is being lazy ako na lang daw magsasalita."

"Just want a cuddle..." bulong ni Donny pero sure na rinig pa rin sa camera.

"Enough. Today's the perfect day to make the "house tour vlog" na pinangako mo sa mga subscribers mo dahil malinis ngayon ang bahay."

Binalingan ko siya nang magpout siya. Napahagikgik na lang ako nang binaon niya yung mukha niya sa leeg ko.

"Love... Come on! Mabilis lang naman. And mind you! Ikaw kaya nagpromise sa kanila nitong vlog na ito."

"Okay okay." Napipilitang sabi niya at kinuha sakin ang camera.

Hinawakan niya naman ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at hinila na ako papunta sa labas.

Siya ang nagvivideo at ako naman ang nageexplain.

"So... we're going to enter na!" Masayang saad ko nang matapos naming libutin ang maliit na garden namin.

"Pagkapasok, sala agad ang bubungad sa inyo. Tara dito papakita ko sa inyo yung mga displays namin."

Isa-isa ko namanng inexplain yung mga pictures namin na nakaframe. Yung mga trophies, sash, and crowns.

"Ito yung picture namin nung first anniversary namin. Alala mo pa, Love?" Tanong ko at tumingala sa kanya.

"Of course. Yung time na umiyak ka kasi akala mo magpopropose na ako at hindi ka pa hand- aray!" Tinampal ko kasi yung labi niya.

"Too much information." Irap ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagexplain sa ibang mga pictures nang bigla siyang sumingit.

"Ito guys! Ito yung nagpropose na ako sa kanya. In our second anniversary." Sabay pakita niya nung picture namin na buhat buhat pa niya ako at ako naman ay nakasubsob lang sa leeg niya dahil grabe yung iyak ko nung time na iyon.

"Tears of joy na yan ah. Hindi po siya napilitang sagutin ako ng oo. Handa na kasi siya that time." Paglilinaw pa niya.

Natatawa na lang ako nung siya na yung nagkusang magexplain ng mga pictures and awards namin. Kanina lang tinatamad siya ngayon naman sobrang sigla na.

"And these are my wife's crowns in every pageants she joined." Proud na proud niyang sabi at pinakita lahat ng mga napanalunan ko.

Nakangiti lang ako habang pinapanood siyang ipagyabang yung mga crowns ko nang bigla niyang binaling sakin yung cam.

"And here's my universe, my queen, my wife. Love, do your wave and your cute gesture." Nakangiting sabi niya.

Nakangiti kong ginawa yung slowmo na pag-aayos ng buhok bago magwave ala beauty queen.

"There... ganda noh? Asawa ko yan."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Parang baliw kasi hahaha. Itinuro ko na lang yung napakalaking nakaframe na wedding picture namin na nakasabit sa gitna. Tinutok naman niya doon yung camera.

"Ito naman yung wedding picture namin..." simula niya at nilingon ako.

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. Tumalikod kami at ginawang background yung wedding picture namin.

"Guys, my most proudest moment. Ang redundant pero yun talaga yun. Ang mapakasalan ang babaeng mahal na mahal ko, ang babaeng pinagpala ng ganda sa panlabas man o panloob. How can you not be the proudest right?"

Shots of Love (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon