Favorite Sungit

981 36 7
                                    

Donny

"Love, what's wrong? I thought we're okay na?"

Kanina ko pa siya sinusuyo kasi nalate ako sa usapan namin. Sabi niya okay na pero sinusungitan pa rin niya ako.

"Nothing." Malamig niyang sagot at sinabayan pa ng irap.

Hindi ko na tinuloy ang pagpapaandar ng sasakyan. Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ko ang kamay niya.

"Love come on, ang tagal nating di nagkita. Please... I'm so sorry..."

Medyo lumambot naman yung expression niya pero nakasimangot pa rin.

"I don't know, basta naiinis ako sayo!"

"Why? May nagawa ba ako?"

Honestly, ngayon lang nangyari ang ganito. Minsan naman nung nalate ako sa pagsundo sa kanya kasi may date kami, hindi naman siya nagalit. Sabi pa nga niya naiintindihan niya.

"Wala. Donny nagugutom na ako. Please magdrive ka na gusto ko ng kumain." She said while pouting.

Huh? Galit ba talaga siya? Ang weird niya talaga ngayon.

"Okay... pero okay na tayo ah? Di ka na magsusungit?" Tanong ko pa ulit bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

"Yes! Kaya pakainin mo na ako!" Dumukwang pa siya at hinalikan ako sa pisngi bago ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Okay okay." Napailing na lang ako at natatawa. Ang weird po ng girlfriend ko.

Napagpasyahan naming kumain na lang sa RACKS kasi malapit lang, sobrang gutom na itong kasama ko baka ako kainin. Sobrang lapit lang pero ginamit na lang din namin yung sasakyan kasi baka may makakakita pa sa amin at may pupuntahan din kasi kami mamaya. (A/N: di ko po alam exact adress ni Kisses, basta alam ko lang bgc hahaha)

"Love ang tagal gutom na gutom na ako." Nakasimangot niyang reklamo sa akin. Kakaorder lang namin actually pero para sa kanya matagal na yun.

"Eh Love kakaorder lang naman natin..."
Napapakamot na lang ako kasi baka mamaya sungitan na naman ako.

"Hmp! Ikaw kasi nalate ka!" Sinabayan pa ng irap.

Ayan na nga bang sinasabi ko. Okay na kami kanina ah. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Love naman... Diba nga okay na tayo? Bat nagtatampo ka pa rin? Sorry na nga, babawi ako. Sigurado ako magugustuhan mo yung pupuntahan natin mamaya." Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan iyon.

"Sorry din... Love, di ko din maintindihan sarili ko ngayon." Sabi niya na parang maiiyak na.

"Love, don't cr-" di ko pa natatapos yung sasabihin ko tumulo na yung luha niya kaya agad ko itong pinunasan.

"Ssshh... why are you crying?" Masuyo kong tanong sa kanya habang pinupunasan yung pisngi niyang basa dahil sa luha.

"Here's your order ma'am, sir." Biglang singit nung waiter.

"Thank you." Tugon ko at bumaling ulit kay Kisses na ngayon ay nakangiti na at nakatitig sa mga pagkain.

Huh? Kanina lang umiiyak siya. Haaay naku Kisses.

"Love?" Pagpapapansin ko sa kanya.

"Yes Love?" Nakangiti niyang baling sakin.

Napangiti na lang din ako at napabuntong hininga, "haay... I love you." Sabay halik sa noo niya.

"I know! And I love you too." At hinalikan din ako sa pisngi.

Natapos kaming kumain at pinagpapasalamat ko na hindi siya nagsungit.

Shots of Love (DonKiss)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum