Vlog #2

1.2K 34 0
                                    

DONNY

I decided to do a vlog today cause my Love is going to visit me and will cook for me. She does this thing once in a blue moon so it must be documented.

"Okay guys so we're gonna wait for Kirsten to come. She's 10 minutes away accdng to her. I hope it's true, miss ko na siya.." sabi ko sa harap ng camera.

Nagvibrate naman yung phone ko at dali dali ko itong chineck. She send me a selfie of her inside her car and a picture of where she is.

"Guys! Totoo nga! Nasa ground floor na siya, nagpapark!" At pinakita ko pa sa camera yung picture.

"Ganda noh? Girlfriend ko yan." Proud na proud ko pang sabi sa harap ng camera.

"Now guys, you can witness how excited I am to see her. Sorry, I'm such a clingy boyfriend."

Kinuha ko yung camera at lumabas na sa unit ko para sunduin sa baba yung babaeng kanina ko pa gustong makita. May dala siyang grocery so I thought of going down na lang para matulungan siya.

Saktong paglabas ko ng elevator nandun na siya sa may lobby. Tinext ko kasi siya na hintayin na lang ako sa lobby.

"Love!" Tawag ko sa kanya. Tinutok ko naman sa kanya yung camera. Sakto lumingon siya. Haaay... ang ganda talaga.

Lumapit naman siya sakin at ganun din ako. Nung abot kamay ko na, niyakap ko agad siya.

"I miss you Love..." bulong ko sa tenga niya.

"Love, nagkita naman tayo kahapon ah. Tsaka Love lika na sa unit mo, ayokong mag pda dito!" Sabay layo niya sakin.

Napatawa naman ako sa sinabi niya at kinuha na yung grocery bag na hawak niya.

"Teka Love, nagvvlog ka ba?" Tanong niya habang papunta kami sa elevator.

"Oo Love. Take over mo nga muna." Inabot ko sa kanya yung cam.

"Hi vlog!" Kumaway pa siya sa cam.

"Cute mo Love! Mamaya ka sakin." Gusto ko siyang panggigilan.

"Bakit?" Inosenteng tanong pa niya sakin. Sus! Alam naman niya ibig kong sabihin eh.

"Wala. Love you!" Sabi ko na lang.

Bigla naman siyang namula na ikinatawa ko ulit. Bumaling ako sa camera na hawak hawak niya.

"Kita niyo yun? Kinilig siya eh!" Sabi ko pa.

"Uy! Hindi ah!" Deny pa niya.

"Wag ng deny Love. Obvious hahaha." Pang-aasar ko pa.

"Bahala ka nga!" Sabay irap pa niya sakin at nauna nang lumabas ng elevator. Siya na rin naglagay ng password para mabuksan yung unit.

Aba talagang nagsusungit siya sakin ngayon ah.

"Love! Bat ang sungit mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay sa kitchen yung mga pinamili niya.

Nang bigla siyang yumakap sakin mula sa likuran ko. Napatigil naman ako saglit pero napangiti na rin.

"Miss you..." sabi niya habang nakasubsob sa likuran ko.

Humarap ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Miss you too, Love."

Di ko na rin maintindihan bat ganito namin mamiss ang isa't isa. Nagkita naman kami kahapon pero parang ilang taon kaming nagkalayo.

"Love, normal pa ba ito?" Tanong niya habang nakatingala sa akin.

"Di ko rin alam Love. Basta gusto na lang kita kasama araw-araw. Kung pwede nga lang iposas na kita sa akin eh." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya napatawa na lang din ako.

Shots of Love (DonKiss)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu