Ngiti Mo

707 35 12
                                    

Kisses

Kisses

Donny informed me na ngayon ang released ng song niya that was recorded months ago. He told me to listen to it. Para daw sa akin iyon. Tho hindi siya ang nagsulat, ako daw yung nasa isip niya nung kinanta niya iyon.

We're not on the 'friends only' stage anymore. Andun na kami sa 'special friends with feelings for each other' na pauso ni shiela at zeke. Hindi ko pa man naaamin sa kanya pero matic na yun nung pinayagan ko siyang manligaw. Alam naman niya kung ilang years pa ang hihintayin kasi napakavocal ko sa part na yun. He said na willing siyang maghintay kahit gaano pa katagal.

Nang icheck ko sa spotify, meron na nga. 2 songs yun pero inuna ko yung Ngiti Mo. While listening, imbes na magfocus ako sa lyrics nagfangirl muna ako sa boses niya. I really love his voice. Napakacharming, lalo na pag tagalog kinankanta niya. On my second listen to the song nagfocus na ako sa lyrics and I can't help to smile every line of the song. Well, he said it's for me kaya kinikilig talaga ako. Idagdag mo pa iyong boses niya.

I wanna call him pero nahihiya ako. Hindi pa rin ako sanay sa kung anong meron kami. He's so vocal now and I always try na iparamdam sa kanya na we're feeling the same.

I also listened to his other song, Walk with You. Ang ganda rin. I really love his voice.

His songs sounded so different and it gives a different vibe. Yung Ngiti Mo, you'll feel like a teenager na hinaharana. Yun bang pagpinapakinggan mo yung boses niya kinikilig ka na. And Walk With You, it's more on the serious side. He's one of writers of this song, I just feel so proud of him.

I'm just listening to it hanggang sana sa makatulog ako pero biglang nagstop yung song at nagring yung phone ko. Bigla akong napabangon at biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sino lang ba ang tatawag sa ganitong oras kundi siya. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

"H-hello?" Mahina kong sambit.

"Did I wake you up? Sor-"

"No!" Agad kong putol sa kanya.

"Oh, so anong ginagawa mo at hindi ka pa natutulog?" He asked and I feel like he's smiling while saying it.

"I- I listened to your s-songs..." nahihiya kong amin sa kanya.

"So... how was it?" Feeling ko talaga ang lawak na ng ngiti niya.

"It's good." Matipid kong sagot. Kunwari hindi ako kinilig habang pinapakinggan ito.

"Good lang? It's for you..." Feeling ko nakapout na siya ngayon. Kaya bigla akong natawa at biglang nawala na iyong hiya ko.

"Sure ka para sakin yun? Parang hindi naman..." asar ko sa kanya.

"Kirsten really? Pagdududahan mo ako? Yung mga anak nga natin sa twitter ramdam na para sayo yun. Some even called it "delulu" when it's really a fact."

"Okay. Okay. I believe you, I'm just teasing you." Natatawa kong sagot sa kanya.

Nasali pa yung mga "anak" daw namin na nagdedelulu haha. Well, nasanay na rin ako kasi mommy talaga yung tawag nila sakin. And I found it cute kasi they really considered us as a family.

"So how was it nga?" Tanong niya ulit.

"Kinilig ako." Napapikit ako sa sagot ko. Matagal bago siya sumagot.

"Kinilig ka? Really? You know what, kinikilig rin ako ngayon sa pag-amin mong kinilig ka." I can't help to laugh sa sinabi niya.

Para kaming tanga na kinikilig sa pag-amin namin na kinikilig kami. Does it even make sense? Hahaha anyways...

"Oo nga! And I just wanna tell you, I'm proud of you. Promise, ang ganda ng mga songs mo. I've been listening to it on repeat."

"You know, mukha na akong tanga dito ngiting ngiti dahil sa mga sinasabi mo."

"Let's sleep na. You already got the answer you want." Sabi ko na lang pero hindi ko din mapigilang mapangiti.

"Wait! Let's talk more. Tell me how your day went."

So nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon until napahikab na ako.

"You're really sleepy now... I'm sorry, let's sleep na." Sabi niya, narinig ata yung hikab ko.

"It's alright. I really love night talks with you." Amin ko. I just realized wala namang masama kung maging vocal ako sa kanya since we're already on this level up stage.

"I also love our night talks. I love listening to your voice and stories. Goodnight Kirsten. Sleep well. Dream of me."

"Goodnight Donny. Kahit di ko sabihin alam ko papanaginipan mo pa rin ako." Sagot ko na ikinatawa niya.

Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot itong lakas ng loob ko ngayon.

"Sure. I'll be dreaming of a smiling Kisses."

"Hmmm" I just hummed at napapikit na sa sobrang antok. I can't even pressed the end button.

"I love you Kirsten..."

Yun yung huli kong narinig. Hindi ko alam kung sinabi ba talaga yun ni Donny o panaginip ko lang pero napangiti ako.

-----

A/N:

Hindi ko mapigalang magsulat haha. Paalala lang ah hindi magkakaconnect itong mga pinapublished ko 😄💖.

Shots of Love (DonKiss)Where stories live. Discover now