Fishball Tour

696 23 1
                                    

After Donny bought fishballs for Kisses and him during their shoot for their movie "Walwal", he noticed she never forgot about it. Kahit apat na pirasong fishballs lang iyon, she appreciated it and never forget it.

"She's really different..." Donny thought.

One time he gave her a plate full of fishballs coz she said she really loves fishballs. He loves to see the joy in her face, when she beams and gets excited for little things. He love that feeling that he made her happy.

Dahilan kung bakit naisipan ni Donny yung ideyang ayain si Kisses para sa isang "streetfood date". He didn't literally said it's a date so Kisses called it as the "fishball tour". Honestly, he got disappointed but it was his fault anyway. Ang torpe niya kasi.

They're with kuya Gelo that time. Donny made Kisses wear his cap and glasses, that it made them look like a couple coz he's also wearing one. Thankfully pinayagan sila at thankfully walang nakakilala sa kanila.

"Omg! Excited na ako!" She's been saying that kahit nung nasa car palang sila.

"So anong unang gusto mong kainin?" Donny asked as they roam their eyes sa mga nagtitinda.

"Fishballs!!!" Kisses excitedly exclaimed.

Napangiti na lang si Donny at naghanap ng pwesto na wala masyadong bumibili. Nang makalapit sila, inabutan agad sila ni kuyang nagtitinda ng plastic cup.

"Tayo yung kukuha?" Kisses whispered to Donny.

"Yeah haha. Tusok ka lang dyan tas lagay mo sa plastic cup."

Napatango tango naman si Kisses at agad kumuha ng stick at tinusok yung mga fishballs na nakikita niyang luto na. She's only picking the round ones na akala niya fishballs lahat ang tawag.

Nang matapos sila sa pagpili, binayaran ito ni Donny at naghanap sila ng pwedeng mauupuan and luckily may nahanap silang bench.

"Wahhh ang sarap!" Kisses beamed as she ate the fishball.

"Bat iba lasa nito? But anyway masarap pa din!" Tinitigan pa niya yung kinakain niya na parang sasagot ito sa kanya.

"Hahaha why are you so cute?" Donny said absent mindedly.

"H-huh?" Napatingin sa kanya si Kisses at natigilan sa pagnguya.

"Uhhh may sinabi ba ako?" Palusot naman ni Donny at umiwas ng tingin saka dali daling sumubo ng fishball na mainit pa kaya naman napaso siya.

"Aray! Ang init!"

"Hala! Bat mo kasi sinubo agad?!" Binaba naman ni Kisses ang kinakain at kinuha yung gulaman na nabili nila saka ito pinainom kay Donny.

"T-thanks" sabi na lang niya saka inisang lagok yung gulaman.

Natauhan lang siya ng maubos niya yung gulaman. Hindi pala sa kanya yun, kay Kisses pala yun.

"Sayo na lang itong akin. Sorry naubos ko yung sayo."

"Okay lang..." Kisses smiled and continued eating.

Donny

Napansin kong may sauce sa gilid ng labi ni Kisses kaya agad ko itong pinunasan gamit ang tissue na baon namin.

Mukhang nabigla siya kasi medyo napaatras siya. Nabigla din naman ako sa kinilos ko. Biglang nag automatic na lang kasi yung galaw ko.

"T-thanks." Mahina niyang sambit.

Hindi ko alam kung nakailang balik kami kay kuyang nagtitinda. Sobrang enjoy lang talagang kumain habang kasama si Kisses. She really has this distinct energy na nakakahawa.

Shots of Love (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon