Streetfood Tour

627 32 6
                                    

Kisses

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kisses

This is our first ever out of the country trip na kaming dalawa lang. Walang kasamang iba. Just us. We decided to go to South Korea for our first anniversary celebration. I just feel so excited kasi lalabas kami ngayon.

"Love! Ready na ako! Tara na!"

"Wait lang Love." Sabi niya tapos may kinuha sa maleta niya.

"Lika dito, Love." Lumapit naman ako sa kanya at nakita kong may hawak hawak siyang scarf. Pinulupot niya ito sa akin hanggang matakpan yung kalahati ng mukha ko. Sobrang balot na balot na tuloy ako.

"Hmmm" hindi ako makapagsalita ng maayos dahil natatakpan yung bunganga ko.

"Love ang cute mo hahaha."

Binababa ko naman ng onti yung scarf at sinimangutan siya.

"Haha. Sige na, tara na. Suot mo yan, malamig sa labas." Tapos tinaas niya ulit yung scarf.

Kumapit na lang ako sa braso niya at sabay kaming naglakad. Naghihintay na pala sa amin yung tour guide sa baba. Nagpapicture pa kami bago tuluyang pumunta sa unang destinasyon namin.

Ang ganda talaga dito! Kahit nakapunta na ako parang first time ko pa rin. Ang dami na naming pictures at ang dami din naming nakain. Sobrang sarap ng food nila.

We also went to Namsan Tower. Ang saya nung cable car kahit na nakakatakot pag tumitingin ka sa baba. Nakakapit nga lang ako kay Donny the whole ride.

"Wag mo kong tawanan!" Tinatawanan niya kasi ako. Sobrang nakakalula naman kasi pag tumingin ka sa baba.

Instead na tumigil sa pagtawa niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko. Hinampas ko naman siya ng mahina kasi kasama kaya namin yung tour guide, nakakahiya kaya. Pero binulungan ako kanina ni Donny na sanay naman na daw yung tour guide maging thirdwheel kaya okay lang. Natatawa na lang ako pagnaaalala ko. Bumili din kami nung love lock. Grabe wala na nga kaming mapaglagyan dahil sa dami ng mga locks.

Pagkatapos naming libutin ang Namsan Tower, pumunta naman kaming Myeongdong. Doon sa mga madaming nagtitinda ng streetfoods. Sakto gabi na rin. Pagdating namin doon nalula ako sa dami ng tao. Grabe!

Donny held my hand tighter, para tuloy akong anak niya na takot mawala haha. Sinimulan naming bumili ng pagkain sa unang stall na nadaanan namin. Ang bango bango kasi kaya natakam ako. We also tried teokbokki na ang anghang pala talaga.

"Anghang!" Pinaypayan ko pa yung dila ko na akala mo naman mawawala yung anghang.

"Haha wait nga! Bili tayong drinks." Hinila niya ako tapos naghanap kami ng mabibilhan ng drinks.

Yung tourist guide namin hindi ko na alam kung saan napunta haha. Nahiwalay kami sa kanya kanina pero nagmessage naman kami sa kanya at sinabing magkita na lang kami sa pinasukan namin kanina.

Shots of Love (DonKiss)Where stories live. Discover now