Home

926 39 18
                                    

Kisses

"Love! Asan yung damit ko?"

"Sorry Love, di ko pa pala nakukuha sa laundry shop." Sagot niya.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at tumayo sa likuran ko. Hinahanap ko kasi sa closet niya yung damit ko. Pumihit ako paharap sa kanya at yumakap sa bewang niya habang nakatingala sa gwapo niyang mukha.

"Wala akong nadalang damit. Anong gagamitin ko?" Nakanguso kong tanong sa kanya.

"Eh di yung shirt ko na lang. Cute mo, Love." Pinisil pa niya ang ilong ko bago halikan ang labi kong nakanguso.

Napangiti ako at lalong sumiksik sa dibdib niya. Nakayakap lang ako sa kanya habang siya ay naghanap ng pwede kong maisusuot.

"Ito oh, Love. Gawin mo na lang bestida. Malaki naman yan eh, tsaka nakacycling ka naman."

"Okay po." Sabi ko at kinuha ang damit mula sa kanya.

Yumakap ulit ako sakanya saglit at hinalikan siya sa baba bago siya tuluyang pinakawalan. Sobrang clingy ko ngayon kasi sobrang namiss ko siya. Kagagaling lang kasi niyang South Korea para ishoot yung movie niya. Pumasok ako sa banyo para makapag shower at palit.

Pagkalabas ko mula sa banyo naamoy ko agad ang mabangong amoy ng paborito kong adobo. Mabilis akong pumunta sa kusina para masilayan ang aking nobyong sigurado kong siyang nagluluto ngayon.

"Love!!! Ang bango!" Bungad ko at yumakap mula sa likuran niya.

Nilingon niya ako at napatawa nang makita ang mukha kong takam na takam na nakasilip sa niluluto niya.

"Konti na lang Love maluluto na ito." Nakangiti niyang sabi sakin at hinalikan ako sa gilid ng noo.

"Thank you, Love. Gusto kita ipagluto pero hindi pa ako marunong magcook." I said and pouted.

"It's okay Love. I love cooking for you. I love watching your smile while eating what I've cooked for you." Pumihit siya paharap sa akin at inayos ang mga buhok kong takas mula sa aking messy bun.

"I love you so much. I love you. I love you." Paulit ulit kong sambit habang nakasiksik sa dibdib niya.

"I love you more, Love. I love you more." Niyakap niya ako ng mahigpit at muli akong hinalikan sa ulo.

Ang tagal naming natapos kumain dahil nagkulitan pa kami at nagkwentuhan sa mga nangyari habang nasa SK siya. Ako na yung naghugas kasi siya naman yung nagluto. Ayoko namang wala man lang akong nagawa.

"Love... Please, hintayin mo na lang ako sa sala para mas mabilis ko itong matapos." Nakikiliti kong pakiusap.

Kanina pa siya nakayakap sa akin at nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Okay lang sana pero kasi pinapaulanan niya ng mga maliliit na halik ang leeg ko. Kung kanina ako yung clingy, ngayon naman ay siya.

"Love!!!" Tili ko nang ipasok niya sa loob ng damit ko ang kamay niya at hinaplos ang bewang ko.

Ohmygad! Parang hinalukay yung tiyan ko. Napatigil ako sa pagbabanlaw ng pinggan.

"I miss you... I miss you so much, Love." Bulong niya malapit sa tenga ko.

Feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko sa batok. Para lang akong estatwa na may hawak na pinggan. 'Jusko po anong gagawin ko?'

Pinatakan niya ng halik ang tenga ko pababa sa batok ko hanggang sa balikat ko. Ilang halik din ang binigay niya sa balikat ko bago niya tinanggal ang kamay sa loob ng tshirt ko na tshirt niya- ano ba yan! Ang gulo na ng utak ko!

"Sorry, Love. I love you. Hintayin na kita sa sala." He said and gave me a peck on the cheeks before leaving.

Feeling ko doon lang ako nakahinga at doon ko lang din naibaba yung pinggan na kanina ko pa hawak. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon pa lang ata nagrereact ang puso ko sa nangyari kanina.

Shots of Love (DonKiss)Kde žijí příběhy. Začni objevovat