13 | Flirtatious Phase

2.6K 82 49
                                    


***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




***


Napilitan si Quaro na pagbigyan si Kirsten at bumalik sa pagkakasalampak sa carpet. Muli itong umiwas ng tingin.

"Fine," he said, "I'll stay for ten more minutes."

Ngumiti si Kirsten at binitiwan ito. "Salamat."

Ibinaba ng dalaga ang tingin sa pagkaing nasa tray, kinuha ang tinidor na nasa tabi ng plato at inumpisahang haluin ang red sauce sa pasta. Unang tinusok ni Kirsten ang meatball at dinala sa bibig; she ate it with gusto.

"Ang sarap!"

Doon lang muling ibinalik ni Quaro ang pansin dito. Pinanood nito ang dalaga na kainin ang pasta na inihanda nito.

Quaro had never cooked for someone else before, not even for his family. His adoptive mother, Felicia, was the master chef of the house. Nais nitong ito ang magluto sa mga anak, kaya walang sinuman sa kanilang magkakapatid ang nangealam sa pagluluto.

Natuto lang si Quaro na magluto nang tumira ito roon sa Montana. And that pasta was the first dish he cooked for someone else. At ang makita si Kirsten na sarap na sarap sa luto niya ay nakapagbibigay sa kaniya ng kung anong kaligayan.

And whether he would admit it or not, he liked cooking for her... and watching her eat the food he made.

Napatitig si Quaro sa mga labi ng dalaga. Malalaking subo ang ginagawa nito kaya ang sauce ng spaghetti ay kumalat sa paligid ng bibig nito, where Kirsten would lick with her tongue.

And that made him feel uncomfortable.

But this time, he didn't look away. He continued to watch her instead. He wouldn't look away even if his life depended on it. Hindi maintinidihan ni Quaro kung bakit siya natuliro habang pinanonood si Kirsten na inisusubo ang pasta sa bibig. Nakamaang lang siya habang pinagmamasdan kung papaanong kumalat ang red sauce sa paligid ng mga labi nito, at kung papano nito iyon dilaan upang matanggal.

Quaro was... bewitched. At gustong isipin ng binata na sinasadya iyong gawin ni Kirsten upang... upang...

Napabuntong-hininga siya saka ibinaba ang tingin upang iligtas ang sarili sa karimlan. He didn't like what he was starting to feel.

"Minsan ay sinabi mong hindi mo gustong magkaroon ng karelasyon dahil ayaw mo ng commitment," umpisa ni Kirsten na muling ikina-angat ng ulo ni Quaro. Nilunok muna ng dalaga ang pagkaing nasa bibig bago nagpatuloy. "Pero kahit minsan ba ay hindi ka talaga nagka-girlfriend?"

"Didn't I tell you to stop asking me about my personal life?"

"Curious lang," sagot nito bago muling dinilaan ang ibabang labi kung saan may kumalat na sauce.

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now