23 | So Into Him

2.2K 62 43
                                    


           "Malayo pa ba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







"Malayo pa ba...?" ungot ni Kirsten na halos ibagsak na ang katawan sa damuhan sa tindi ng pagod. "Isang oras na tayong naglalakad simula nang bumaba tayo sa bus, ilang bundok na rin ang in-akyat natin, ilang daang malalaking kahoy na rin ang dinaanan natin pero hindi pa rin tayo nakararating sa destinasyon?"

"You are exagerrating; kalahating oras pa lang tayong naglalakad, at wala tayong bundok na in-akyat, Kirsten," sagot ni Quaro na nasa unahan, halos sampung metro na ang layo mula sa kaniya.

Napayuko siya at humihingal na ipinatong ang mga kamay sa tuhod. "Time out—pahinging five minutes break."

Si Quaro ay huminto rin at humarap sa direksyon niya. "This is your third time out, Kirsten. Kung hindi ka panay pahinga ay dapat na naroon na tayo. Let's keep going, okay? We are close to the destination."

"Sinabi mo rin iyan noong unang nag-request ako ng break. Kung alam ko lang na ganito ka-layo ang cabin na sinasabi mo mula sa drop off area ay sana hindi ko na pinili ang forest. Sana nag-beach na lang tayo."

"Too late to have regrets. Let's keep going."

Napabusangot siya nang tumalikod si Quaro at ini-tuloy ang paglalakad. Napa-padyak siya ng paa bago bantulot na sumunod.

Bitbit niya sa likod ang backpack kung saan nakasilid ang damit na gagamitin sa loob ng dalawang araw habang naroon sila sa gitna ng gubat. Hindi naman gaanong mabigat ang dala niya, pero nag-uumpisa nang mangalay ang buo niyang katawan sa patuloy na paglalakad.

Ang gubat na iyon ay limang oras ang layo mula Montana at pag-aari ng pamilya ni Quaro. Ilang ektarya ang laki at pinaliligiran ng naglalakihang mga punong kahoy. Ini-bida ni Quaro sa kaniya ang ilog na malapit sa cabin; ayon dito ay ini-tayo daw nito iyon kasama ang mga kapatid, at doon siya nanabik.

At isa pa, iyon ang unang pagkakataong lumabas silang dalawa kaya tuwang-tuwa siya.

She felt... special.

Siguradong hindi pa nagawang maranasan ni Paige ang bagay na ito kasama si Quaro.

Ilang sandali pa'y hingal na muli siyang nahinto; dinala niya ang mga kamay sa bewang saka tiningala ang langit na halos hindi rin makita dahil tinatakpan iyon ng mayayabong na mga dahon mula sa malalaking mga sanga ng puno. At mula sa siwang ng mga sanga'y nakikita niya ang kulay dalandan na langit; tandang papalubog na ang araw.

Paano ba naman, alas-dies na ng umaga sila nagising, at bago bumangon ay um-isa pa sila! Tuloy, tanghali na silang bumiyahe at hapon nang nakarating sa lugar na iyon. Dagdagan pa ang lakad na ginawa nila mula sa kalsada papasok sa restricted area.

Malapit nang gumabi, kailangan na naming marating ang cabin bago tuluyang dumilim, aniya sa isip bago ibinaba ang tingin at ibinalik ang pansin sa daan.

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now