33 | Talk About Feelings

2K 61 49
                                    

Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.

Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.

Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.

Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na karatula sa pinto;

CLOSED FOR RENOVATION.

Renovation? Ipapaayos ni Quaro ang buong shop?

Sinulyapan niya ang oras sa mumurahing relos na binili niya sa palengke noong nakaraan; it was 30mins past eleven o'clock.

Muli niyang ibinalik ang pansin sa karatula. Wala iyon doon nang umalis sila upang bumisita sa bahay ng mga ito, Ibig sabihin ay nakabalik na si Quaro at maaaring nasa loob lang.

Humugot siya ng malalim na paghinga upang kumuha ng lakas ng loob na harapin ito. Itinuloy niya ang paglalakad patungo sa likod ng gusali. Tulad ng dati ay sa back door siya dadaan.

Nang makapasok siya sa backdoor ay muli siyang kinunutan ng noo nang makita ang madilim na kusina. Madilim mula roon hanggang sa shop—which meant Quaro was not home. Dahil kung naroon ito at nasa itaas lang, nagbubukas ito ng ilaw sa ibaba.

Ini-sara niya ang pinto at binuksan ang ilaw sa kusina. Tulad ng dati ay malinis at nasa ayos ang lahat ng mga gamit doon. Kaaayos lang rin ng working station, kaya nagtataka siya kung ano ang ipa-re-renovate ni Quaro? Hindi kaya dahilan lang nito iyon para isara ang shop sa mahabang panahon?

Mahabang panahon? Why?

Tumingala siya sa itaas.

At saan siya maaaring pumunta? Hindi ngayon ang schedule ng grocery niya.

Buong pagtataka siyang umakyat sa hagdan. Dinaanan lang ng tingin ang theater room bago siya dumiretso sa third floor. Hindi naka-lock ang pinto kaya tuluy-tuloy siya sa silid. Doon ay inabutan niya ang kama na magulo.

Quaro never left his bed unmade. He was always meticulous, naiinis ito sa kalat at hindi organisadong bagay sa paligid. Imposibleng iwan nito ng ganoon lang ang higaan?

Lumapit siya roon at nahinto nang makita sa sahig ang leather jacket na suot ni Quaro nang magtungo sila sa lugar ng pamilya nito. He was probably too tired when he got home and he just hit the bed? Nagising marahil at nagmamadaling umalis dahil may emergency.

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now