SPECIAL CHAPTER 002

1K 17 0
                                    


An excerpt from SPECIAL CHAPTER 002


Pinakikiramdaman niya ang bawat pagkilos ni Kirsten sa loob ng silid. Ang pagbukas nito ng closet, ang pagsuot nito ng damit, ang pag-spray nito ng pabango, ang pag-hagod nito ng lotion sa buong katawan. He could clearly hear and feel her every move, and it was something he always found sensual.

Muli siyang natigil sa pag-iisip nang maramdaman ang paglubog ng kama sa tabi niya, tanda na naupo roon ang asawa. At napigil niya ang paghinga nang maramdaman ang mainit nitong palad sa kaniyang likuran; banayad na humahagod at dumadama. Ang sunod niyang naramdaman ay ang pag-dampi ng ulo nito sa kaniyang likuran. The softness of her body pinning on him made him feel uncomfortable and excited at the same time. Uncomfortable... because of his thoughts about her cheating on him. And excited... because Kirsten's body always ignited the fire in him. At ngayon ay pigil-pigil niya ang sarili na hindi bumigay rito.

"Why are you mad at me, darling?" Kirsten whispered. Ang palad nito'y patuloy sa banayad na paghagod sa kaniyang likod. Ang tinig nito ay masuyo. "What did I do wrong?"

There was no use. Alam niyang alam ni Kirsten na gising pa siya, kaya itinigil na niya ang pagpapanggap.

Humugot siya nang malalim na paghinga bago sumagot, "Are you hiding something from me, Kirsten?"

Sandaling natahimik si Kirsten; ang kamay ay nanatiling humahagod, ang init ng paghinga nito sa kaniyang likod ay nagdudulot din ng kakaibang init sa kaniyang katawan.

"I... don't know what you mean, darling."

That tiny bit of hesitation in her voice cemented his suspicion, at labis-labis siyang nasasaktan.

"Kung wala kang balak na sabihin sa akin ang totoo sa mga pinagagagawa mo nitong nakalipas na mga araw ay h'wag mo akong kausapin, Kirsten. And don't lay your dirty hands on my body. You disgust me."

Narinig niya ang banayad nitong pagsinghap, at nais niyang sipain ang sarili sa inis.

He was hurt for his wife. Nasaktan din siya nang magbitiw siya ng ganoong salita, but he was hurting more with the thoughts of her cheating on their marriage.

He had been honest, loyal, and faithful to her since the day they started their inconvenient relationship. Lalo pa nang ikasal sila.

Hindi niya matanggap na nagawa ni Kirsten na mangaliwa sa kabila ng mga ibinigay at inisuko niya rito.

And here he thought she was so into him...



SECURE YOUR COPY OF THE BOOK NOW! 

ORDER DIRECT FROM IMMAC OR DM THE AUTHOR ❤️



SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang