28 | Flavors

1.9K 63 71
                                    


 "Aray, ang sakit ng likod ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







"Aray, ang sakit ng likod ko..." reklamo ni Kirsten pagkababa sa bus na sinakyan nila patungo sa bayan na halos anim na oras ang layo mula Montana. Doon sa bayan na iyon naroon ang bahay na kinalakihan ni Quaro.

He had finally brought her to meet his family—to her surprise! Noong sinabi iyon ni Quaro ay halos hindi siya makapagsalita sa tindi ng panggilalas. Akala niya ay nakaringgan lang niya, akala niya ay niloloko lang siya nito. Pero nang ulitin ni Quaro ang sinabi ay halos magtatalon siya sa tuwa. May palagay siyang senyales na iyon na may pag-asang magbago ang isip ni Quaro sa ika-isangdaang araw at hikayatin siya nitong manatili sa bahay nito hanggang sa gusto niya. And eventually, he would develop feelings for her—if he hadn't yet—and who knows what would happen or where it would lead them next?

Kapag naiisip niya ang mga posibilidad ay napapangiti siya. At habang nasa biyahe sila ay kung saang lupalop na siya dinadala ng mga pantasya niya.

Anim na oras ang biyahe mula Montana hanggang sa bayan nina Quaro, pero kung magpabalik-balik ito roon dalawang beses sa isang buwan ay parang balewala lang rito. Her town was ten hours away from Montana, mas malayo, pero noong bumiyahe siya ay dalawang beses siyang bumaba sa kasunod na mga bayan para magpalipas ng oras. She couldn't travel and sit in the bus for ten hours straight—malulumpo siya.

"You're the one to talk," Quaro said with a smirk. Sukbit nito sa isang balikat ang itim na backpack. "Wala ka namang ibang ginawa sa loob ng anim na oras kung hindi sumandal at i-dantay ang ulo mo sa balikat ko, 'di ba? You put all your weight on me while you sleep peacefully, and you're the one to complain?"

Matamis na ngiti lang ang ini-sagot niya rito bago ito tinalikuran.

Sinuyod niya ng tingin ang bus stop kung saan sila ibinaba ng sinakyang bus. It was a waiting shed in the middle of the huge cornfield. Sa tabi niyon ay may maliit at lumang ministore, at sa tapat naman ay malawak na taniman ng palay. Sa bandang unahan ay may gasolinahan. At sa tapat ng gasolinahan ay mayroong sangang daan patungo sa dulo ng cornfield kung saan may naglalakihang puno ng kahoy.

"Saan ang bahay niyo?" aniya nang muli itong nilingon. Pinanlakihan pa siya ng mga mata nang makita itong naglalakad patungo sa ministore. "Hey!"

"If you're thirsty, follow me. I'm going to get some drinks."

Mabilis siyang sumunod dito.

"Nasaan ang bahay niyo?"

"Malayo pa rito."

"Ha? Don't tell me na maglalakad tayo?"

"My brother is fetching us."

"With a car?"

"Yeah, with his truck."

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now