38 | Quaro's Surrender

2.7K 93 88
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"

Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.

She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.

Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na gawa sa nipa.

"Nagustuhan mo ba ang bagong itsura ng shop pati na rin nitong rooftop?" si Quaro na iginiya siya patungo sa wicker chair.

Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. "Para saan ang renovation, Quaro? Bakit parang... biglaan?"

Balewala itong nagkibit-balikat. "Binili ko ang katabing shop. If you didn't notice, ilang buwan nang sarado ang katabing patahian at kamakailan ko lang nalaman na ibinebenta ang buong ground floor. The second floor is used as their stock room, may ibang exit iyon sa likod. Sa dami ng mga customers na laging pumapasok sa shop, sa tingin ko'y panahon na para mag-expand. I have been planning about it for months now."

"Bakit bigla ka na lang na nag-hire ng staff? Akala ko ba ay ayaw mo ng magulo? Ayaw mong may ibang gumagalaw sa mga gamit mo?"

Napabuntong-hininga ito, ini-siksik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon saka ibinaling ang pansin sa ibang direksyon. "I got... scared."

"Ikaw?" Hindi napigilan ni Kirsten na matawa. "Anong ikinatakot mo?"

"Natakot akong sa pagdating ng araw na aalis ka na ay maiwan muli akong mag-isa. At hindi na ako sanay nang mag-isa, Kirsten. Hindi na ako sanay na wala ka."

Biglang nanakit ang lalamunan niya sa narinig. Quaro's voice was filled with sadness it made her cry.

Mariin siyang napalunok upang pigilan ang pag-hikbi. Ibinaling din niya ang tingin sa ibang direksyon, doon sa highway na tanaw nila mula roon. The sun was setting in and the sky was changing its colour to red-orange.

"Natakot akong pagkatapos ng isandaang araw na agreement natin at umalis ka na ay baka hindi ako makabalik sa dati kong routine. Because you became part of my routine, Kirsten. And I don't want to drown in your memories, so I decided to hire people to distract myself from thinking of you. I thought... having company would help me get through my loneliness."

Muli siyang napalunok. "Paano kung... hindi natuloy ang pag-alis ko sa ika-isandaang araw? Would you still hire them?"

This time, Quaro turned to her and smiled at her. "Of course. Because if I want to commit myself to a relationship, I needed to adjust my schedule. Papaano ang quality time kung wala akong staff na mag-aasikaso sa shop? How could we go watch the movies, or visit the beach, or go out of town if I had to look after the shop? Hindi naman pwedeng isara ko na lang lagi ang panaderia—papaano ako makabubuhay ng pamilya kung ganoon?"

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now