SPECIAL CHAPTER 001

1.1K 19 1
                                    


THIS STORY IS NOW AVAILABLE IN PHYSICAL FORM. YOU CAN ORDER THE BOOK FROM IMMAC OR DM THE AUTHOR FOR INQUIRIES.


*

*

*


EXCERPT.

IS IT HAPPY-EVER-AFTER FOR QUARO AND KIRSTEN?



SPECIAL CHAPTER 001

QUARO SAT STRAIGHT ON HIS SEAT AND NARROWED HIS EYES when he saw Kirsten walking out of the glass door with a man holding it open for her. Nakangiting lumabas si Kirsten at hinarap ang lalaking sumunod sa likod nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinasabi ni Miggy; ang isa sa mga staff niya sa shop, tungkol sa kaniyang asawa.

His grip tightened on the steering wheel, his jaw tightened in jealousy.

Kahapon, noong nagsasara na sila ng shop bandang alas-siete ng gabi ay lumapit sa kaniya si Miggs, ang isa sa mga naunang staff na ni-employ niya sa main branch, at sinabing nakita nito sa Kirsten sa isang bagong tayong apartelle sa bayan, kasa-kasama ang isang lalaking tulad niya ay may banyagang lahi.

Noong una'y binalewala niya ang sumbong ni Miggs—he trusted Kirsten's loyalty. After all, she was the one who fell first. Subalit nang sabihin sa kaniya ni Miggs ang eksaktong mga nakita nito ay kinabahan siya.

Miggs said that Kirsten was hugging a man and smiling so widely as they sat close to each other. Nasa lobby daw ang mga ito ng apartelle. At naroon si Miggs noong gabing iyon upang sunduin ang kasintahang doon nagta-trabaho bilang supervisor ng housekeeping department.

"Babatiin ko nga po sana si Ma'am Kirsten, kaso... noong akma na po sana akong lalapit ay nakita ko na lang ang bigla niyang pagyakap sa lalaki. Luhaan siya, at 'yong lalaki ay inaalo siya. Hindi po ako napansin ni Ma'am nang umalis sila sa lobby at pumasok sa elevator. Halos isang oras po akong naghintay roon sa syota ko, pero hindi ko na po nakitang bumaba si Ma'am."

Iyon ang eksaktong sinabi ni Miggs sa kaniya nang magsumbong ito noong isang araw.

"Kailan mo siya nakita roon?"

"Noong isang gabi po."

Noong isang gabi.

Noong gabing iyon ay wala siya at si Quentin. May camping trip silang pinuntahan kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Capri at Leonne. He and his son were gone for two nights.

"Are you sure, Miggs?" naalala niyang tanong dito. Hindi siya kaagad na naniwala, pero kinabahan siya sa nakitang kaseryosohan sa mukha ni Miggs.

Miggs had been working for him for almost three years now. Masipag ito at matapat. Responsible at mapagkakatiwalaan. Hindi ito gagawa ng kwento para sirain silang mag-asawa.

But he was torn between his love and trust for Kirsten and the honesty and loyalty of his staff. He was in a tough position.

"Sigurado po ako, Sir. Ayaw ko pong magbintang, pero hindi ko alam kung tamang pumupunta si Ma'am Kirsten sa apartelle ng isang lalaki sa ganoong oras. Gusto ko nga lang sanang itago ito, sir, kaya lang, sa tuwing nagkikita tayo rito sa shop ay para akong inuusig ng konsensya ko. Pasensya na po, pero hindi ko po kayang maglihim. Pero kung makakausap ninyo si Maam Kirsten at mahingan ng paliwanag tungkol dito ay mas mabuti."

"Talagang kakausapin ko si Kirsten, Miggs. Kung totoo ang sinasabi mong nakita mo siyang pumunta sa apartelle na iyon sa ganoong oras para makipagkita sa isang lalaking hindi ko kilala ay nararapat lang na pag-usapan naming mag-asawa. Iyon ay kung totoong siya ang nakita mo."

"Si Ma'am Kirsten po talaga 'yon, bossing. Hindi po ako maaaring magkamali. Kapag napatunayan naman ninyong nagsisinungaling ako ay malaya kayong alisin ako sa trabaho, Sir."

That cemented his trust. Hindi magsisinungaling si Miggs dahil mahalaga rito ang trabaho. He was the breadwinner in the family and his mother required monthly medication—hindi ito maaaring mawalan ng trabaho kaya hindi nito basta-basta ipupusta ang trabaho nito sa shop.

And he did want to confront Kirsten about it, pero nagkataon namang nagkasakit si Quentin at hindi mapakali si Kirsten sa pag-aalaga rito buong gabi. Kinabukasan naman ay naging abala ito sa pag-aasikaso sa mga anak, at ayaw niyang simulan ang araw na may hindi sila napagkasunduhan kaya minabuti niyang sa gabing iyon na lang ulit niya ito susubukang kausapin.

But then... he was at the shop having a short meeting with his staff when he got a call from Kirsten asking him to pick up Quentin from the Montessori. Hindi raw nito masusundo si Quentin; ang sabi ay wala ito sa bayan dahil may pinuntahan. And when he checked her phone tracker, he found out that she was in the apartelle Miggs was telling him about.

Ang phone tracker na iyon ay ipina-install mismo ni Kirsten dahil lagi nitong nakakalimutan kung saan iniiwan ang cellphone. May isang beses na pinaglaruan ni Quentin ang cellphone at hindi tumunog nang subukan nilang tawagan. Took them two days to find it. The phone was hidden under the car seat.

Hindi niya akalaing sa pamamagitan din ng tracker na iyon ay matutunton niya ang asawa at mahuhuli sa sikretong itinatago nito.

Nang hapong iyon ay sinundo niya si Quentin tulad ng bilin ni Kirsten. At ngayon ay naroon sila sa harap ng apartelle, at kitang-kita niya sa kaniyang mga mata si Kirsten na lumabas sa two-way entrance door ng gusali kasunod ang lalaking tugma sa deskripsyon ni Miggs.

Tall, sharp, and handsome.

And just like what Miggs said, the guy seemed non-native. Meaning, tulad niya'y wala ring dugong Pilipino.

At punung-puno ang dibdib niya ng sama ng loob sa mga sandaling iyon dahil nakikita niya kung papaanong tratuhin ng lalaki ang kaniyang asawa. And Kirsten, on the other hand, was enjoying the attention she got.

And shit, hindi niya alam kung kanino siya unang magagalit, o kung kanino siya mas galit.

To the guy?

To Kirsten?

Or to himself for giving her the benefit of the doubt?

Pero sapat ba ang nakikita niya ngayon para isiping nangangaliwa si Kirsten?

After all... walang pagbabago sa relasyon nila simula nang magpakasal sila mahigit apat na taon na ang nakararaan. Kailanman ay hindi ito nanlamig o nagparamdam ng kakaiba sa kaniya. They were okay—no, they were perfectly fine.

Hindi niya alam kung kailan pumasok sa eksena ang lalaking ito dahil walang nag-iba kay Kirsten sa nakalipas na mga araw, linggo, o buwan.

O baka akala lang niya wala?

At ang totoo ay mayroon talaga, hindi lang niya nahalata. Because why not? Kirsten was so good at acting. 



SECURE YOUR COPY NOW! 

PRE-ORDERING IS OPEN UNTIL THE 20TH OF AUGUST! 

Published under IMMAC ❤️

SHOW ME HOW (Jan Quaro Zodiac)Where stories live. Discover now