CHAPTER ONE

241 12 2
                                    


Lara's POV

" Magandang Umaga Aling Linda! " kaway ko sa matandang nagdidilig sa bakuran niya.
Kumaway naman siya pabalik at tinigil ang pagdidilig.

" Aba'y magandang umaga din sayo Lara. Ano yang binebenta mo? "

Itinaas ko ang dala. " Atsara po. Bagong gawa. "

" Pabili nga Lara. " napangiti ako at agad na lumapit sa kanya.

Isa si Aling Linda sa mga suki ko dito sa bayan namin. Halos ata araw-araw ay bumibili siya sakin. Isa rin siya sa mga malalapit na tao sakin. Bukod kasi sa suki ko siya eh palagi niya kung tinuturing na parang tunay niyang apo. Nakakatuwa diba?

Iba talaga pag may mababait kang kapitbahay. Hindi man magkadugo pero ituturing ka ng parang kadugo.

" Ang aga mo naman ata ngayon Apo. " tumawa lang ako at inayos ang paninda ko.

" Ganon talaga Aling Linda. Kailangan kumayod eh! Sige po gogora na ko! Bye! " paalam ko sa kanya sabay kaway. Di niya naman ako napigilan dahil nagmamadali akong lumabas.

Habang naglalakad di ko maiwasang mainggit sa mga nakakasabay kong bata na kasama ang mga magulang nila. Ano kaya ang pakiramdam ng may kinikilalang ina't ama?

Namulat kasi akong walang kinikilalang ina't ama. Tanging si Lola na lamang ang meron ako non pero kalaunan iniwan din ako.

Masakit .... OO. Dahil yung taong di mo inakalang iiwan ka, iniwan ka.

Mag isa na lang ako sa buhay. Kaya todo kayod ako para mapakain ang sarili. Wala naman kasi akong kilalang kamag-anak o kadugo na pwedeng hingan ng tulong kaya laban kung laban ang peg ko ngayon.

Kapag hindi kasi ako nagtrabaho ay kakainin na ng small intestine ko ang mga large intestine ko dahil sa gutom. Tapos pati utak ko maaapektuhan!

" Lara! " napalingon ako sa parang kinakatay na parrot na tumawag sakin.  Kumaway ako nang makita ko ang kaibigan kong si Caily na kasalukuyang nagwawalis sa labas ng tindahan nila.

Aba sinipag ata siya ...

Baka may suhol 'yan kaya naglilinis siya ngayon.

Sa sobrang tamad niya ba naman ay kailangan pa siyang bayaran kapag inuutusan .

" Anong nakain mo at bigla kang sinipag? " napahagikhik siya sa tanong ko at pinaupo ako sa upuang kahoy nila. Dala-dala pa rin ang walis niya.

" Talong ni Kiro! " Nakangiting sagot niya na ikina-nganga ko.

T-Talong?

" Bastos ka Caily! " binatukan ko siya na ikina aray niya.  Sinamaan niya.ako ng tingin at binatukan pabalik.

" Mas bastos ka tanga! Hindi yun ang ibig kong sabihin! " kuno't noo ko siyang tinignan, habang himas himas pa rin ang parte ng ulo kong binatukan niya. Sadista.

" Ano ba .... s-sabi mo talong ni Kiro. "

" Iba kasi yun. Yung gulay ba, nagbenta kasi yung Papa ni Bb ko Kiro ng talong kagabi kaya bilang isang butihing future daughter-in-law eh bumili ako! Pansin ko ngang umay umay na ang pamilya ko kakaulam ng talong, well anong magagawa ko e ako ang pinapabili nila ng pagkain. " napairap na lang ako sa hangin at tinanggap ang pagka abnoy ng kaibigan ko.

Fearless Tomorrow Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz