CHAPTER SEVEN

43 5 2
                                    


Tapos na ang apat na subject namin ngayong araw.

Nasa canteen na kami nina Caily ngayon para mag lunch.

Halos lumuwa ang mata ko sa mahal ng mga bilihin nila. Kahit ata paghaluin ko ang kita ko sa isang linggong pagtitinda ay hindi matutustusan ang presyo dito. Salamat na lang talaga kay Mrs. Avalor at binigyan niya ako ng extra money para dito.

" Lara galawin mo na nga yang pagkain mo. Wag ka ng sumimangot dahil papangit yang lasa ng pagkain mo! " sabi ni Caily sa akin at tinulak pa ang tray ng pagkain ko.

" Ayoko, ang mahal. " mangiyak ngiyak kong tiningnan ang pagkain ko at nilayo sa harap ko.

Naiisip ko pa lang ang presyo non ay parang gusto ko ng mag transfer sa bagong paaralan.

Busog na busog na ako sa presyo non! Nakakalula!

" Kaya nga kainin mo kasi mahal yan. Sige ka, pag di ka kumain ako ang kakain niyan. Ang sarap pa naman. " banta niya pa kaya wala akong ibang choice kundi ang kainin 'yon.

Napaka patay gutom naman kasi.

Hindi naman tumataba, bilbil nga lang yata ang tumataba sa kaniya.

Nang sumunod na araw ay maaga na akong gumising at nag-ayos para hindi na ako sermunan ni Caily.

Nakakarindi pa naman ang boses non.

Parang parrot na sinasakal.

" Hi, good morning. " sabay naming bati ni Caily nang makadating kami sa room.

Kinawayan kami nina Kahiya at Dysea na nasa desk ng teacher at nagchichismisan.

Sila pa lang ang tao don kaya hindi naman mahirap mag adjust. Ang plano kasi namin ni Caily ngayong araw ay ang makaibigan silang dalawa.

I like their vibes at alam kung magkakasundo kami kung gugustuhin namin.

" Hi Lara, Hi Caily! " bati ni Kahiya bago kami hinila at pinaupo sa upuang nasa tabi niya. Kinurot niya pa ang pisnge ko na parang nanggigigil. " Ang cute ng name niyo! By the way, from what school kayo before? Transferrer kayo right? "

Tumango ako at tiningnan si Dysea na naka dekwatro ng upo sa mesa. " Oo, kayo ba? Dito na ba talaga kayo nag-aaral mula nong high school kayo? "

" Yep! Pero kahit matagal na kami dito ay hindi pa rin kami sanay lalo na sa ugali ng mga pakening froglets na naka upo sa harap niyo! "

" Sina Aina? " tanong ni Caily.

" Oo! Alam mo naman ang mga 'yon feeling famous eh mas madami pa nga follower ko kesa sa kanila sa Fb at IG! " sinabayan pa yon ng tawa ni Dysea kaya pati kami ay natawa dahil sa uri ng tawa nito. " Hi Gazen! You look so good! Pusta ko naka almusal ka ngayon! " bati niya sa kaklase naming babae na lalaki kung gumalaw.

Kakapasok lang nito. Kasunod niya si Stan at Virgo na nag-uusap sa likod niya.

Kelan pa sila nagkakilala?

They look so close.

" Wassup Stan and Virgo! " bati ni Kahiya sa dalawa.

Napatingin tuloy ang mga iyon sa amin at sabay na ngumiti bago ipagpatuloy ang pag-uusap.

Nasa pintuan pa rin sila. Wala yatang balak pumasok dahil nakaharang lang sila don.

" And here come the bitches~ "

Napahagikhik sina Dysea at Gazen kaya napatingin kami sa pintuan kung saan pumasok si Aina at ang mga ka grupo niya.

"----Yes! And my mom's taking me a shop at gucci later! How exciting right! " Aina na may hawak hawak na namang mini fan.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now