CHAPTER TWENTY FOUR

22 3 0
                                    


" Kakanta si Stan, ikaw naman sasayaw Lara! "

Napatango na lang ako at muling tumungo sa mesa ko. Gusto kong tumutol pero pinigilan ko ang sarili dahil ilang oras na rin silang nag iisip ng talent portion na makakakuha ng interest namin ni Stan.

Naalis na tuloy sa isip ko ang plano ko ngayon araw.

" Bakit ayaw mong sagutin? " sinulyapan ako ng tingin ni Stan bago muling ibalik ang paningin sa umiilaw niyang selpon.

Kanina pa 'yan. Kanina pa may tumatadtad sa kaniya ng call at messages pero ni isa ay wala siyang sinasagot.

Ako tuloy ang nababahala dahil parang importante.

Hindi naman kasi siya tatawagan ng sunod-sunod kung hindi importante ang pag-uusapan nila.

" Wala lang 'to.... " umiling siya pero sinamaan ko siya ng tingin.

" Sagutin mo. Baka emergency. "

" Hayaan mo na, makakapag hintay naman 'yon. " aniya. " Nga pala ang sarap ng turon mo. May natira pa ba? " tumango ako.

" Meron pa. Nilagay ko kanina sa kusina para maidala mo kay Lola Linda. Ilang araw niya na rin kasi akong pinipilit magluto non. " tuwing dadaan ako sa bahay nila ay palagi niya akong sinisigawang magluto na.

Naiisip ko tuloy minsan na napaka galing kong magluto.

Pero mas masarap talaga magluto si Stan! Ang dami kong nakain kanina dahil sa ulam na niluto niya. Ang sarap sobra, walang halong biro. Sobrang qualified siya para maging jowabel ko. Charot.

" Hindi na ako nagtaka... masiyado kang masarap magluto. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo. " seryosong saad niya. Natawa tuloy ako at sumandal sa kinauupuan ko.

" Mahulog ka lang, Stan. " panggagaya ko sa boses niya nang sambitin niya ang salitang 'Lunukin mo lang, Lara'.

Pagkatapos kaninang manggulo ng tatlo ay umuwi na rin sila. May kanya kanya pa daw kasi silang pupuntahan. Pusta ko yung dalawa mag sha-shopping. Si Caily panigurado may date na naman.

Naiwan kami ni Stan dito sa bahay, inubos niya pa kasi ang niluto kong turon. Ayaw niya raw magtira kasi nag effort din siyang magbalot non.

" Malapit na ang intrams... may naisip kana bang kantahin? " tanong ko habang nagliligpit ng mesa.

Naghuhugas siya ng kawali nang nilingon niya ako mula sa lababo. " Meron na, ikaw ba? Kailangan tumugma ang magiging steppings mo sa kantang napili ko. Para maramdaman at makita ng manonood ang kwento sa gagawin natin. " amp daming arte ng school.

Intrams lang naman 'yon.

Magiging busy na naman ang schedule ko nito!

Kasalanan to ni Ma'am Kikay eh. Binigyan ako ng gawain. Imbes na pagtuonan ko ng oras ang Papa kong binaba ng langit.... heto aketch magpapaka busy sa pageant na 'yan.

Maghahanap pa ako ng costumes! Punyeta talaga 'yan. Ang hirap talaga pag maganda.

" Hmmm, " tumango tango ako at nangulumbaba sa harap niya. " Anong kakantahin mo? "

Balak ko kasing gawan ng sayaw ang kantang napili niya. Para goals!

" Kantang paborito mo, " kampanteng sagot niya habang nagpupunas ng kamay. Tumaas tuloy ang isang kilay ko at hinintay ang CHAROT pero wala na akong narinig.

Ibig sabihin seryoso at hindi biro ang sinabi niya. Kinilig naman ako, slight. Patay na patay talaga sakin 'tong hapon na 'to. Iba ka talaga Lara!

" Bakit parang nakadepende na sakin lahat, Stan. " natatawang saad ko. Hindi sa nagrereklamo ako pero hindi 'yon healthy. Baka kasi mahawa din ako at dumepende na sa kaniya. Ayoko non....masiyado pa kaming bata. " Wag puro ako. Huwag puro akin. Isipin mo kung anong gusto mo. "

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now