CHAPTER FOUR

72 5 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad sa gilid pero syempre nagmamasid pa rin sa paligid para makalanghap ng chismis.

Pauwi na kami ni Caily, kakatapos lang namin magtinda at kung sinuswerte ka nga naman. Walang natira sa paninda namin.

Like the usual.

" Hindi ka pa ba uuwi? " lingon ko kay Caily nang dumaan kami sa bahay nila.

Bibo lang siyang umiling kaya napataas ang kilay ko. " Wag mong sabihing magkakampo ka na nman sa bahay ko? "

" Tumpak! " pumalakpak siya at kinurot ang taba ko sa braso. " Kung saan madaming pagkain, doon ako!  "

Napasapo na lang ako sa noo ko at pinigilan ang sariling batukan siya.

Hindi naman na nakakapanibago yung pagtulog niya sa bahay.  Palagi niya ngang ginagawa yon pag naririndi na siya sa mga sermon ng mama niya.

Ginagawa pa nga akong excuse niyan minsan. Kapal ng mukha.

Porket hindi siya mapagalitan tuwing pangalan ko ang ginagamit.

Ganon ako kalakas sa Mama niya.

" Yo mga kalapanget, "

Sabay kaming napatingin ni Caily kay Persley na kumakain ng isaw sa tabi.

Para pa siyang sarap na sarap dahil with feelings yung pagkakakain niya!

" San mo nabili 'yan? " tanong ko.

Natatakam kasi ako, gusto kong bumili!

Hindi naman siguro masamang bumili di'ba?

Nginuso niya ang gilid ko kaya napatingin ako don.

Hmmm Street foods.

Mabilis ko siyang inakbayan at nginuso ang mga 'yon. Inalis niya naman yun at pabiro akong sinakal.

" Wala akong pera, kayo mang libre tutal ubos paninda niyo. " nguso niya sa mga basket na hawak namin.

" Grabe ka Persley, ang kuripot mo talaga. Kelan mo ba kami ililbre ha? Mag-asawa kana lang kaya? " tanong ko na tinawanan naman niya.

" Sige tas ikaw asawahin ko. " tinawanan ko siya at mabilis na tinaasan ng daliri.

" Siraulo. "

" Stan! " mabilis kaming napalingon ni Caily nang marinig ang pangalan na 'yon, jusko ket san ako magpunta naririnig ko ang pangalan ng hapon na 'yon!

Kelan ba ako lulubayan non?

" Oy persley! Musta liga? " naibaba ko ng wala sa oras ang cap ko nang lumapit ito samin at nakipag bro hug kay Persley na pangiti ngiti lang.

Kelan pa sila nagkakilala nito?

Eh nong isang araw lang parang hindi sila magkakala?

Siraulong Persley 'to hindi man lang kami ininform.

Peyk prend talaga 'to ket kailangan.

" Ayon, walang pinagbago. Liga pa rin. " ininom ni Persley ang hawak na palamig bago kami ituro ni Caily. " Ito nga pala si Caily, ito namang naka sumbrero ay si Lara. Ewan ko kung ba't naka sumbrero yan basta pangit ya--- aray naman lara! "

" Makapangit ka ah, pogi ka pogi? "

" Oo naman HAHAHA crush mo nga ako dati di------- naman lara! Ikaw ang magiging dahilan ng kamatayan ko eh! " hinimas himas nito ang buhok niyang nasabunutan ko ng wala sa oras.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now