CHAPTER SIX

56 5 0
                                    


Katahimikan ang namuo samin. No one tried to broke the silence.

Kahit naman ako ayaw mag-ingay.

Ang awkward kasi.

Hanggang sa magtama ang tingin namin ni Mrs. Avalong este Mrs. Avalor sa salamin ng kotse niya.

Ngumiti siya at sinuot ang salamin niya gamit ang kabilang kamay niya.

" Don't be mad at Caily, Lara. I insists. Beside I want you to convey to your new school in the first day of classes. And, remy want to see you attend the first day with him tutal nasa iisang campus lang naman kayo. " aniya.

" Pero nakakahiya po kasi---- "

" Don't be. " ngumiti ulit siya at nilingon si Remy na nasa tabi niya. Bale kaming tatlo nina Caily at Stan ang nakaupo sa likod. Oo, kasama siya. Hinila ni Malanding Caily eh. " Are you happy baby? Sabay kayong papasok ng ate lara mo. Isn't that exciting? "

" I'm happy mommy! "

" That's good baby HAHAHA by the way, have you guys eaten? " tanong niya samin habang nasa daan ang tingin. " Lara did you eat? Namumutla ka. "

" Kum--- "

" Hindi po siya nakakain! " singit ni Caily na nasa tabi ko kaya mabilis kong kinurot ang hita niya! Tinampal niya naman ang kamay  ko at mabilis na hinila ang paper bag na hawak ko na may lamang pagkain ni Stan. Walanghiya 'to! " Kanina pa nga po kumukulo ang tiyan niya. Nagmamadali siya kanina eh kaya kahit pagsuklay hindi niya naggawa. "

" Really? You should eat Lara. Baka himatayin ka mamaya. "

" 'Yon nga po ang sabi ni Stan kanina sa kaniya. "

" Don't worry may drive thru naman. I'll buy you a food------" tiningnan niya ako sa salamin at kinindatan. " At wag ka ng magreklamo. It's for your own good. "

Kimi akong ngumiti dahil sa hiya. " Maraming salamat po. "

Ngumiti lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa daan. Nilingon ko naman si Caily na nagseselfie na sa tabi ko. Sa tabi niya naman ay si Stan na may kausap sa cellphone niya.

" Yes baby? I'll pick you up later. Huh? Just call me! Lagot ako sa papa mo pag may nangyareng masama sayo! Okay? Great! " nagtagal ang tingin ko kay Stan na nasa bintana ang tingin.

G*go may baby na siya? As in jowa?

Tas susunduin niya?

Aba hanep. Ilang linggo pa nga lang siya dito nakabingwit na agad siya ng sisiw?

" Laraaaaaa may baby na ang baby stan ko!? " pasigaw na bulong ni Caily sakin nang marinig din ang sinabi ni Stan. Napatigil pa siya sa pag selfie. " Aykenattt! "

" Wag kang OA. Baka kapatid lang. " sana kapatid lang talaga.

" Anong kapatid!? Eh baby nga daw tsaka di mo ba narinig? Lagot daw siya sa papa nong girlalo! " may gigil na sigaw ni Caily.

" Kung ganon, isa lang ang ibig sabihin non. "

" Ano? " pinagsiklop ko ang magkabila kong mga kamay at tiningnan siya sa mismong mga mata.

" Mag move on kana tanga. " umiling siya at tumingin sa selpon niya.

" Ayoko, wala na akong inspiration. "

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon