CHAPTER TEN

35 4 0
                                    


" Wala ka yata sa mood, Lara? May nangyare ba? "

Hindi ko pinansin si Kahiya na nanggugulo sa harap ko at pinagpatuloy lang ang pang s-sketch ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.

" Hoy g*go broken kaba? Kung oo please lang magpakatino ka. Hindi kita pinalaking ganyan! " saad naman ni Caily pero nagpatuloy lang ako.

Wala akong pake kung magmukha akong tanga sa harapan nila, basta ang importante makatay ko si Aina Balyena sa isip ko.

" Lara? May graham ball ka pa ba daw sabi ni Roella ng kabilang section? " saka lang ako nabalik sa wisyo nang sumigaw si Chella na nasa pintuan ng room.

Umiling ako at ngumuso. " Sorry, wala na. Hindi ako nakagawa. Pakisabi bukas pa! " tumango naman siya at kinausap ang babaeng may headband sa labas na sa palagay ko'y si Roella.

Nagkanyang kanyang balik ang lahat sa kanilang mga upuan ng pumasok na si Ma'am Kikay.

Wala itong dalang libro at tanging maliit lamang na notebook ang bitbit.

" Good Morning Class. May I know who among you have-been a class president or vice president during your junior high? " tanong nito at kalahati samin ang nagtaas ng mga kamay. Isa na dito sina Aina Balyena, Virgo, Kahiya at Caily. " I'm asking because we need to have a set of officers now. Though it will be hard to have a fair election since some of you might not know each other. Some of you came from a different schools. " tumalikod siya at nagsimula ng magsulat sa blackboard. " Nonetheless, I need to submit names unto SSG so we really need to choose responsible people to accept those challenge and responsibilities that will burden on their shoulders. We'll start the nomination----- who's up for President? Any one? "

" Ma'am I nominate Mr. Stanniel Shutasizumoki as a President. " taas kamay na saad ni Caily kaya napatingin ang lahat kay Stan na kakapasok lang ng room.

" Uhm sorry I'm late---- "

" It's okay Mr. Shutasizumoki! " ani Ma'am Kikay at mabilis na isinulat ang pangalan ni Stan.

Kumuno't tuloy ang noo ni Stan hanggang sa makaupo sa tabi ko.

" Para saan 'yon? " nguso niya sa mga nakasulat sa blackboard.

" Nomination ng officers ngayon. " sagot ko at ipinagpatuloy ang naudlot na pag s-sketch. " At malas mo dahil na-nominate ka. "

" What?! "

" Caily nominated you bugoks. " nilingon ko siya at tinaasan ng kilay nang mapansing nakatingin pa rin siya sakin. " Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda? "

He grimace and made a weird noise. " San banda? "

Nginitian ko lang siya at nakinig na sa harapan.

Punyem*s talaga 'tong hapon ba 'to.

" Ma'am I nominate Mr. Cleo for President! " bibong saad ni Kahiya kaya tumaas ang kilay ni Virgo.

Napapalakpak naman sina Aina kaya nairap ako.

Kung umasta akala mo girlfriend.

" I close the nomination! " sigaw ni Dysea na ikina thumbs up ni Kahiya.

" I second the motion! " sabi naman ni Laure.

Napangiwi tuloy ako at tumingin sa mga pangalang nakasulat sa Blackboard.

Stanniel Shutasizumoki at Virgo Cleo.

Wala man lang na-nominate na babae.

Tumikhim si Ma'am Kikay para makuha ang mga atensyon namin. " So before we proceed to the voting may I ask why you choose these boys as your presidents? " walang nagtaas ng kamay kaya inilibot niya na lang ang tingin hanggang sa tumigil iyon sakin. Kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ko ang siya namang pag ngiti niya ng matamis. " Ms. Antolo? May I hear your answer? "

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now