CHAPTER TWO

103 7 0
                                    


" Aba'y anong nangyayare mga Apo? "

Sabay kaming napalingon ni Stan, yung lalaking may number 15 sa jersey, sa lola niyang nagtatakang pumasok sa kusina.

Mas lalo siyang nagtaka nang makitang nakatulala pa rin si Caily kaya agad kong hinila ang buhok nito para makabawi sa pagkakatulala.

" Huh? " takang lingon niya sakin. Tipid ko naman siyang nginitian bago bulungan.

" Laway mo tumutulo, g*ga. " malakas siyang napasinghap at dali daling pumasok sa CR.

Agad ko namang nginitian si Lola Linda na nakatingin pa rin sakin.

Nakita ko naman si Stan na dahan dahang naglakad palabas mg kusina, hawak hawak ang tuwalyang nasa bewang niya para hindi iyon malaglag kasi shit malaman--- uh este masakit sa mata.

Pagkatapos ng nangyareng iyon ay umuwi na kami ni Caily. Panay pa ang reklamo nito dahil sa nangyare kanina.

Kesyo nakakahiya daw dahil para siyang tangang nakatulala. Eh kasalanan niya naman 'yon. Porket nakakita lang ng hubad na katawan, nawala na sa sarili.

" Kalimutan mo na yun, " sabi ko ngunit umiling siya at inalog alog ako.

Feeling ko tuloy lahat ng braincells ko naglaho!

" Hindi ko kaya! " madramang saad niya. Jusko po! Para siyang buang na napahawak sa buhok niya at dahan dahang napaupo sa sahig. " Sa palagay ko nga'y napalitan niya na ang Kiro ko! "

Mabilis ko siyang inirapan at iniwan don.

P*ta nahilo ako don. Hinawakan ko ang sentido ko at minasahe yun, nagbabasakaling pag ginawa ko yun e bumalik ang mga cells sa utak ko.

Madami pa naman yun, sa sobrang dami e segu-segundong sumasakit.

Pagkadating sa bahay ay hindi na ko nag-abalang magsaing dahil busog pa ko at masasayang lang 'yon.

Pagkatapos maligo ay pumunta na ako sa kusina ng maliit kong tahanan para maghanap ng magagawa habang may araw pa at habang hindi pa ako sinusumpong ng katamaran.

" Huwag puro kuda, maghanap gamit ang mata Lara. " paalala ko sa sarili.

Inilibot ko ang tingin ko, agad na nagawi ang mata ko sa natitirang saging na nasa ilalim ng mesa.

Mabilis kong hinila yun at binalatan para sa lulutuin kong turon bukas.

Hiniwa ko na rin yun at binalutan ng Apá o wrapper para lulutuin ko na lang bukas.

Ipinalagay ko na rin muna iyon sa ref ng kapitbahay namin para hindi mabulok dahil yung ref namin dati ay naibenta ko nang mahospital si Lola. Hindi naman ako nagsisi dahil wala naman na akong panggagamitan non.

Baka mabulok na lang 'yon masira sa bahay.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng penakbet. Binalot ko na rin yun. Masagana akong lumabas ng bahay at nagsimula ng mamahay para mag benta.

" MAGANDANG UMAGA ALING MERCI! PINAKBET PO? "

" PINAKBET PARA SA MGA GINAWANG KABET! "

" Kaya shout out sa mga chismosang kabet dyan! Bili na kayo! " napatingin ako sa gilid nang makita si Caily na naka pamewang. Para siyang walang tulog dahil namumutla ang mukha't labi niya. Nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata niya.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon