CHAPTER FOURTY ONE

21 3 0
                                    


" Hoy bayad mo para sa project. "

Tiningnan ko ng masama si Gazen na siyang nakaharang sa pintuan habang may hawak na notebook.

" May project ba tayo? " tanong ko. Tumango siya at agad na ipinakita ang pinag meeting-ngan gamit ang Ipod niya.

" Yes, you'll agree to what we've talked last week about the enhancement of our section garden. " tumango tango ako at kinuha na ang wallet ko.

" San mapupunta yung pera? " baka perahin nya no! Mahirap na. Mga galawang hokage pa naman mga tao ngayon.

" Seedling, paints and other stuff related to gardening. " walang emosyong sagot niya. Para siyang robot na nagsasalita sa harap ko. Nakaka intimidate siya. 

" Magkano nga ulit yon? " tanong ko.

" 500 each. " nalukot ang mukha ko at namewang sa harap niya.

" Bat ang laki naman? Ang dami dami nating magkaklase kaya sure akong sobra na yon. "

" We've been planning on putting some fish fond and fountain on our compound. " tumaas na ang kilay niya at mataray na namewang.

" Akala ko ba garden lang, ba't kailangang may isda pa?! " singit ni Caily na kanina pa nakikinig sa likod ko.

" Enhancement. " tanging sagot niya bago ako itulak papasok nang masuklian na. Buti hindi ako nawalan ng balanse dahil agad na lumapit sa pwesto ko si Stan na pawisan, nakasuot pa ng jersey kaya alam kong galing siya sa practice.

" Ba't ngayon ka lang? Nagka traffic ba? Hinatid ka ba ni Tito? " sunod sunod niyang tanong nang makaupo na kami.

" May dinaanan lang ako saglit kaya natagalan. Ikaw ba? Naliligo ka na sa sarili mong pawis, magbihis kana kaya? " hindi naman sa nangangamoy siya pero baka kamo matuyuan sya ng pawis at lagnatin.

Ilang araw din naman kasi silang nagpa-practice dahil sa area meet na magaganap.

" Mamaya na. May practice pa kami. " sabi niya habang nagpupunas.

" Eh bakit ka nandito?! "

" Tiningnan ko lang kung maayos kang nakadating dito! Lampa lampa ka pa naman. " aniya bago tumayo at may inabot na paper bag sakin.

" Ano to? " tanong ko pero sandali niya lang akong nilingon at binalik na ang atensyon sa pagpupunas.

" Pagkain. "

" Para saan? "

" Almusal, kainin mo. Pinaghanda ko pa talaga yan para sayo kasi sabi ni Remy hindi ka nag almusal. " saad niya kaya napasilip ako sa paper bag ng wala sa oras at tama nga ako, home made breakfast nga yon. May kasama pang dalawang container para sa calamansi juice at gatas.

" Abang batang yon! " may bias talaga siya! Wahh para tuloy akong bumalik sa elementary dahil sa dami ng baunan!

Nanlulumo akong napasubsob sa table ko at walang imik na napayakap sa paper bag kasiiii sheyt nakakahiya.

" Ayaw mo ba niyan? " tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Sadness is visible on his voice kaya mabilis akong napa ayos ng upo at napakagat sa labi ko.

" Hindi naman sa ayaw ko pero baka naabala na naman kita. Hindi mo naman ako kailangang paghandaan e--- "

" Girlfriend kita kaya priority kita Lara. Hindi ka kailanman naging abala sakin. " ngumiti siya ng hindi abot hanggang mata at hinaplos ang buhok ko. " Pwede mong itapon yan sa basurahan kung ayaw mo talaga. I wont mind, basta don ka sasaya. "

I blinked numerous times and tried to utter his name but nothing came out. Parang may bumara na sa lalamunan ko.

" Hindi naman kita pinipilit kainin yan eh. Ang sa akin lang, kumain ka. Kahit wag mo na ubusin basta mabawasan mo lang. I just don't want you to faint in term of starvation. " mahabang alintana niya at tumayo na. " Uuwi nga pala sina Mama mamaya. She invited you to have dinner with us. Gusto ka niyang makilala kaya sana dumalo ka. Okay lang naman kung hindi, hindi ako mamimilit. Alam ko naman kasing hindi ka pa handa. Just sent me text if you're going to attend or nah. " pagkatapos non ay lumabas na siya sa room ng walang paalam.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now