CHAPTER TWENTY EIGHT

20 3 2
                                    


" Tama ba ang dinadaanan natin Lara? "

" Hala hindi ko alam! "

Napatampal na lang sila sa mga noo nila nang isagot ko 'yon kay Stan.

Hininto ni Stan ang sasakyan at nilingon ang tatlo sa likod na naggawa pang mag picture picture kahit parang naliligaw na kami.

Si Papa sana ang susundo sakin kaso nagpumilit tong si Stan na siya na lang daw at sumama naman 'tong tatlo para makita raw ang bagong titirhan ko kaso nagkanda leche leche na ang daan.

" Lara, i-text mo kaya ang daddy mo para masundo tayo dito? " napanguso ako at kaagad na lumabas.

" Wala akong selpon! "

" Ay ano ba yan. " sunod-sunod na lumabas ang tatlo sa likod at nagkanya kanya na ng reklamo.

Mas lalo tuloy akong napanguso.

Ba't kasi parehas lang bawat daan. Hindi ko na tuloy matandaan.

" I think we need to wait. May dumadaan naman yatang mga sasakyan dito. Magtatanong na lang tayo. " sabi ni Stan bago ako tabihan sa batong inuupuan ko.

Inabutan niya ako ng chichirya pero kaagad akong umiling. Mas inilapit niya 'yon sa mukha ko kaya tinanggap ko na lang 'yon at sunod-sunod na sumubo.

" Nag almusal kana ba? "

" Hindi pa... "

" Tsk. " mabilis siyang tumayo at may kinuha sa sasakyan. Pagbalik niya may bitbit na siyang plastik. Ang laman tupper na may adobong baboy. Inabot niya sakin 'yon. " Kainin mo 'yan. "

" Ikaw nagluto? "

" Hmmm. " tumango siya kaya mabilis kong kinuha 'yon at nilagay sa kandungan ko.

Masarap magluto si Stan kaya hindi ko tatanggihan 'to!

" Oy Lara ang bango naman niyan, pahinge! " mabilis ko 'yong tinakpan at tinago sa likod ko nang lumapit sa Caily sakin.

" Bawal. "

" Ang damot.... " napanguso siya.

" Talaga! Luto 'to ni Stan eh. " pagdadamot ko pa rin pero kalaunan ay binigyan na lang siya dahil para na siyang iiyak.

" Buntis ka Caily? " sabay kaming napalingon kay Stan na nagseselpon sa gilid. Para siyang may ka-text dahil kunot na kunot pa ang noo niya.

" H-Huh? San mo nabalitaan 'yan? " utal na tanong ni Caily.

" Tinext ni Persley. " tinaas ni Stan ang selpon niya at pinakita samin ang convo niya.

" Ahhh shittt! " napamura na lang ako nang maalalang magkapitbahay lang pala sina Kiro at Persley.

Sa sobrang chismosa non, bawat balita yata ay hindi lumalampas sa kaniya. 

Kalalaking tao eh!

" Hiwalay na sila ni Louisa... sabi ni Persley. " muling tumipa si Stan kaya napakamot na lang si Caily sa batok niya.

" Ah hehe.. "

" May jowa si Kiro!? " ba't hindi ko alam 'yon!

" Oo, two years na nga sila. Kagabi lang daw sila naghiwalay. "

Halos manlumo ako dahil sa narinig. Nagu-guilty ako putragis!

Sunod sunod akong sumubo dahil sa guilty at sunod sunod din akong nabilaukan!

" Oy easy lang. " agad akong inabutan ng tubig ni Stan. Tinungga ko naman 'yon at muli siyang hinarap.

" Sino nakipaghiwalay? "

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now