CHAPTER FIFTY

31 5 0
                                    

(Their parents timeline)

LAYRA/AIRA POV (Stan & Lara Mother)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAYRA/AIRA POV (Stan & Lara Mother)

" Layra napapadalas na yata ang paglabas mo. Saan ka ba tumutungong bata ka? "

Hindi ko pinansin si Mama na nag aalburuto na naman at dumiretso lang ng labas.

Mas mabuti na yon kesa magpasermon ako sa Mama kong parang tambutso ang bibig.

" Hoy Layra! Balita ko may bago shota si Evangeline ah. Nakita mo na? " maangas na bungad sakin ni Carolina nang makaupo na ko sa harap niya.

May hawak hawak siyang sigarilyo kaya agad akong lumayo nang sindihanan niya yon. " Ay ang choosy! "

" Baka maamoy nina Papa! Delikado, may sakit sa puso ang Papa. " nakapamewang na saad ko habang inililibot ang tingin sa tambayan nilang puro siraulo at abnormal ang laman.

" Ahh sige. Ito mask suotin mo. Para naman di mo maamoy. " inabot niya sakin ang isang face mask na itim kaya nalukot ang mukha ko at agad siyang binatukan.

" G*ga. Di ko maamoy pero sakin naman maaamoy! "

" Ay oo nga no? Ano ba yan, Layra! Ikaw na yata ang magiging katapusan ng pagrerebelde ko eh! " pagrereklamo niya pagkatapos ibasura ang hawak na sigarilyo. " Amp ang mahal mahal ng sigarilyo tas tinapon ko lang. Makuha nga ul--- "

" Wag kang kadiri, Carolina! " pagpigil ko sa kaniya nang akmang kukunin niya ulit yon. Tinampal ko pa ang kamay niya at inalayo siya sa basurahan pero mapilit talaga siya kaya hinila ko na naman siya papalayo gamit ang tenga niya.

Napanguso siya dahil sa ginawa ko at puno ng paawa akong tiningnan. " Eh mahal yon eh. Sayang yung per--- "

" Yon na nga eh! Mahal na nga pero bumibili ka pa rin! " binitawan ko na siya sa isang couch at tinulak paupo.

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko naging tropa tong adik na 'to.

" Abno parang tao lang yon. Kapag gusto mo ang isang bagay, kahit gaano pa ka halaga at kamahal yon bibilhin mo! " sabi niya sabay cross arm. " Sana talaga yung magiging anak mo in the near future ay sobrang rupok. Yung sa sobrang rupok kahit masakit na, go na go pa rin. "

" Ha! Talaga ba? Sana maging tanga din ang anak mo! Sa sobrang tanga, kahit mali na go na go pa rin! " saad ko din. 

" Oh seal! " sabay naming tinaas ang magkabilang kamay namin at mabilis na sinabunutan ang isa't isa para sa 'seal' ng ginawa namin.

Natigil lang kami nong awatin na kami ng ibang tropa naming hindi na nanibago sa ginawa namin.

Para kasi samin ni Carolina ay isa lamang iyong laro. Hindi na bago samin yung sabunutan. Buti nga hindi pa kaming nakakalbong dalawa.

" Sino yung bagong shota ni Evangeline? " tanong ko kay Carolina habang naglalakad kami patungo sa tindahan ng Mama niya.

" Lucan daw name eh. Transferre galing Japan. Big time teh! " kumikinang ang mga matang sabi niya na halatang may binabalak

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now