CHAPTER TWELVE

42 5 4
                                    


Tama nga ang sabi-sabi na mabilis lumilipas ang oras lalo na pag masaya ka.

Sa dami ng magagandang nangyare sa buhay ko nitong mga nag daang araw ay nakakatamad na kung iisahin ko pa.

Mas mahaba pa nga ata yung listahan ng mga taong may utang sakin kesa sa mga masasayang nangyare sakin nitong nagdaang araw.

" Lara pautang na kasi! Nagbabayad naman ako ah, ba't hindi mo na ako pinapautang. " nakasimangot na reklamo ng isa kong kaklase habang nilalabas ko na ang benta kong Kamote Chips.

" Oo, nagbabayad ka tuwing naiisip mo lang! Sabi ng walang utang utang eh. Ki dami dami niyong pera pero pambili ng pagkain ay wala kayo? Napaka hanep niyo naman, wala ng libre libre ngayon kaya magsibayad kayo! " sigaw ko.

Kulang na lang ay gumamit ako ng microphone dahil sa ingay nila.

Dagdag niyo pa na ang init init ng ulo ko ngayon dahil ramdam ko ng padating na ang pola sa watapat ng japan!

" Kumalma ka nga Lara, hindi ka naman nila tatakbuhan. Tsaka sigurado naman akong hindi nila kinalimutan 'yon. " sabi ni Korics na may nguya nguyang bubble gum.

Feeling ko nga ay wala ng lasa 'yon dahil puting puti na.

" Dapat lang dahil Ex lang ang pwedeng kalimutan pero ang utang dapat niyong bayaran! "

" Niyo? Damay ako? Pati ako? " kuno't noong tanong niya at tinuro pa ang sarili.

" Ano sa tingin mo? " tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang isang notebook kong ginawa ko ng listahan at pinakita sa kaniya. " Kita mo 'yan? Listahan yan ng mga inutang mo sa mga benta ko! Oh 2067 pa lahat! Mahiya ka naman! May pambili ka ng condom at pang check in sa motel pero pambayad sa utang ay wala ka!? "

" Aba dapat lang! Saya at sarap nakukuha ko don. Dito rindi at sermon! " pinalobo niya ang nginunguyang lobo at kumuha ng tatlong libo sa wallet niya. " Oh ito, bayad na ako ha. Prepaid na kaya wag mo na ulit madamay damay ang condom at motel ko. " tumayo ito at kinindatan siya. " By the way, keep the change. "

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas ng room.

Paniguradong mag he-hello na naman 'yon kay Pareng Condom at Commander Motel.

Hindi na talaga ako magtataka pag may nakuhang sakit 'yon.

Apaka landi!

Pero wala naman akong pake don kaya hayaan na natin.

" Magkano itong mangga manong? " tanong ko sa tindero ng mangga habang nasa labas na naman ako ng gate ng school ni Remy at hinihintay siya.

Hindi na naman siya masusundo ng mommy niya kaya ako na naman ang susundo sa kanya.

" Ganon pa rin ija, sampo isa. "

" Wala bang patawad yan, Manong? Limang piso na lang 'yan parang di suki eh. " nakangusong saad ko, natawa naman si Manong at binigay sa akin iyon ng libre, grabe ang bait! Kaya palagi akong bumibili doon eh! " Hulog ka talaga ng maykapal, Manong! Maraming salamat! "

Tumawa lang si Manong habang ako ay nagpaalam na para gumala sa loob ng campus nina Remy.

Wala akong kasama dahil may date na naman si Caily.

Hindi naman ako masamahan nina Kahiya at Dysea dahil may tatapusin pa silang proyekto.

Pumasok ako sa library at naghanap ng mapagkakaabalahan don, dala dala pa rin ang manga na pilit kong itinago sa bulsa mg palda ko para hindi makita ng librarian.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now